Anak ng tinola! Late na 'ko sa klase ko!
Gamit ang bike na halos hindi ko na mai-balance ng maayos, kulang na rin siguro sa langis. Sinubukan ko pa ring paliparin ang bisikleta ko papuntang school. Ilang beses ko nang kinakausap si Mommy na ibili ako ng bago gamit ang allowance ko for this month kaso ay wala pa raw siyang pera. Ang sabi niya hintayin pa raw muna namin ang padala ni Daddy.
Isang OFW si Dad sa UK bilang doctor. Kaya sa bahay ay tatlo lang kaming naiiwan: si Mommy, ako, at si Auntie Maris na namamasukan na kasambahay namin.
Pangatlo ako sa magkakapatid. Si Kuya Marco ang panganay sa amin, may pamilya na siya at isang anak. T'wing weekend siya umuuwi sa bahay para dumalaw kasama ang asawa at ang anak niya. Mula nang makasal sila ay bumukod na ang kuya ko, ayaw nga sana ni Mom dahil mami-miss daw niya si Kuya.
Samantalang single at available naman ang ate kong si Ellah na masyadong nagpaka-busy sa pagtrabaho nang makipag-break ang boyfriend niya. Ayun! Nagpakalayu-layo muna kaya t'wing weekend din kung dumalaw sa bahay at mukhang masaya naman siya ngayon. Minsan nagkakasabay sila sa pag-uwi ni Kuya. Nakaka-miss din kasi 'yung dating magkakasama kami sa bahay. Pero ayaw talaga nilang sabihin na ang pinakagwapo nilang bunso ang binabalik-balikan nila.
Pinaharurot ko nang mabilis ang kulay pula kong bike na halos mapudpod na ang gulong. Ilang liko at tawid ang ginawa kong pagpapatakbo. Muntik pa kong masemplang dahil may biglang dumaan na pusang itim.
Bigla ko tuloy naalala ang matandang kasabihan na turo ni Lola tungkol sa itim na pusa. May hatid daw na itong kamalasan. Bigla tuloy akong kinilabutan.
Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo hanggang sa nakita ko na ang gate ng school namin. Ayan na malapit na. Papasok na sana ko ng gate ng biglang may dumaan sa harap ko. Dahil sa biglaang pagpreno, lumiko ang manibela at tumilapon ako paharap.
Habang nakahiga sa entrance ng school namin, naramdaman ko ang paggalaw ng sahig. Huh? May lindol ba? Sumakit ang noo ko at mukhang magkakabukol pa 'yata ako.
Ilang saglit lang ay lumakas ang paggalaw at napatayo ako nang makaramdam ng kung ano sa paligid. May nakakapa akong braso at binti.
May narinig akong nagmura sa tabi ko. "Bulag ka ba p're? Ang laki-laki ng daan, oh!"
"E, kung tumitingin ka kaya sa dinaraanan mo!" Umakbay ako sa kanya at saka pinukpok ang sentido niya. "Malayo sa bituka 'yan, Cef. 'Di ka pa mamamatay."
Tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kanya at saka inilagay ang dalawa kong kamay sa likuran ko. Ginagamitan na naman ako ng martial arts ng mokong na 'to. Hayup talaga kahit kailan por que nag-aaral ng Jujitsu.
"Ano pang ginagawa niyo d'yan?!" Masungit na sita sa amin ng lady guard ng school. "Maglalaro na lang ba kayo o may balak pa kayong pumasok?" Palibhasa, mukhang menopause na. "Mga kabataan talaga kahit kailan."
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki at saka sumaludo sa harap niya. Tinulungan naman ako ni Cef na dalhin sa parking area ang dala kong bike. At mukhang male-late din ang isang ito.
---
Habang kunwaring nakikinig sa teacher namin ay panay naman ang kalabit sa 'kin ni Cef. Tinatanong niya ko kung sasama raw ba ko sa group gathering ng grupo nila mamayang hapon. Sa bawat pagtanggi ko sa imbitasyon niya, iyon din ang ilang beses na pangungulit niya sa 'kin.
"Psst!"
Hindi ko siya pinapansin kahit puro pagsitsit ang naririnig ko. Sa totoo lang tinatamad akong pumunta mamaya. Mas gusto ko pang mag-stay na lang sa bahay at manuod ng porn magdamag kaysa sa sumama na naman sa boring niyang group gathering. Wala naman kasing matinong kausap doon, e. Halos lahat puro marshmallow tapos nakapa-aarte pa ng iba. Biglang napukaw ang atensyon nang hampasin niya ako ng ruler sa likod.
"Isa pang hampas, Cef!" pabulong kong saway. "Susuntukin na kita."
"Sumama ka na kasi," bakas sa boses niya ang pang-aapura. "Ang KJ naman nito parang hindi kita kaibigan niyan."
Binuklat ko ang notebook ko at umarteng nagsusulat. "Tinatamad nga ko. Ang kulit mo."
Tumigil siya sa pangungulit sa 'kin. Mabuti naman. Nagulat na lang ako nang ituro niya ako at sinabing: "Sir, alam daw po ni Vincent ang sagot sa number 4."
Kunot-noo ko siyang tiningnan habang naka-plaster sa barabag niyang pagmumukha ang nakapalaking ngiti. Huli na nang ma-realized ko na may recitation palang nagaganap.
"All right then," ipinakita ng professor ang class card ko. "Stand up please."
Wala na akong nagawa ng tawagin ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan ang tanong kaya napakamot ulo na lang ako. Sinubukan kong lumingon sa classmates ko para humingi ng tulong. Bigla siyang nag-iwas ng tingin.
"Your answer will be?" naghihintay siya ng sagot ko.
Hindi gumagana ang utak ko. I'm dead. Hayop na Ceferino 'yan! Pinahamak pa ako at mukhang babagsak ako nito sa recitation.
---
Hanggang sa mag-lunch break ay panay pa rin ang pangungulit ni Cef sa akin. Wala akong ganang sabayan siya kumain. Ang kaso para naman siyang aso kung makabuntot. Wala, e. Iba talaga ang hatak ng gwapong tulad ko.
Sa isang fast food chain ko napiling kumain malapit dito sa school. Wala lang, maiba lang.
Nakapila si Cef ngayon para um-order ng kakainin nang sumingit ako sa unahan niya. Kinakalabit niya ko at hinahatak palayo sa unahan ng counter pero tuloy-tuloy lang ang pag-order ko. Narinig kong nagreklamo ang ibang nakapili dahil nabangga ko sila. Nag-sorry na lang ako.
Ako na ang susunod na mago-order nang makaisip ako ng kalokohan.
Nang masabi ko lahat ng order ko sa cashier.
"P269.50 po lahat sir," sabi ng babaeng cashier.
Lumingon ako kay Cef. "Tawag ka no'ng cashier sabi ang pogi mo raw," ngiting-ngiti ang mokong. Humarap ako sa babaeng cashier at medyo bumulong kong sinabi na, "Miss, 'yung kasama ko na raw magbabayad ng order ko."
Ngumiti at saka tumango ang nasa cashier. Pasimple akong umalis sa pila bitbit ang orders ko at saka tinapik sa balikat si Cef. "Kaya mo na 'yan p're."
Ngiting aso naman si Cef. Akala niya makakadiskarte siya sa babae. Iyon ang akala niya.
Nakahanap na ako ng upuan at pinanood ko siya mula sa malayo. Maya-maya lang ay napakamot si Cef ng ulo. Lumingon siya sa direksyon ko at saka itinaas ang gitnang daliri niya.
Ha! Take that jerk!
Tawa lang ako nang tawa hanggang sa makaupo siya. Siguro kung nakakareklamo lang ang burger at fries baka nakailang mura na ang mga ito sa kanya. Padabog niyang nilapag ang tray sa lamesa.
"Hoy! Ang kalat mo kumain," saway ko sa kanya. Turo kasi sa 'kin ni Mom, dapat daw ginagalang ang pagkain. Blessing kasi 'yun na dapat hindi binababoy pero parang wala siyang naririnig. Tuluy-tuloy lang siya sa pag-murder ng burger. "Kung ayaw mo, akin na lang."
Nang kukunin ko na ang burger niya ay bigla niyang pinalo ang kamay ko. Loko 'to, ah!
"Galit ka ba?" paninigurado ko.
Hindi siya sumasagot. Habang kumakain kami ay tumunog ang phone ko. May notification galing sa GC na sinalihan ko kagabi. Nakalimutan ko pa lang i-off ang data connection.
"Sino 'yan?" tanong niya.
"Wala," habang nagba-backread. "GTG daw namin ngayon, ang sabi ko—"
"’Pag ako ang nag-aaya, ayaw mong sumama, tapos dyan na kakakilala mo lang, sasama ka."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Anong sinasabi mo d'yan? Wala naman akong sinabing makikipag-meet ako, okay?"
Tumango siya saka pinagpatuloy ang pagkain. May toyo na naman ang isang 'to.
---
"Bakit pala bike ang gamit mo kanina? Nasaan ang kotse niyo?"
"Umalis kasi si Mom kanina. Walang maghahatid sa 'kin."
Umiling-iling si Cef. "Para kang bata, Vince. Mag-aral ka na kasi magmaneho para kung sakaling may lakad ka ikaw na lang magda-drive sa sarili mo."
Nasa loob kami ngayon ng kotse niya papunta sa venue ng group gathering nila. Hindi na 'ko nakapalag ng gamitan na naman ako ng katarantaduhan niya papasok ng kotse. May sariling kotse si Cef at marunong na rin siyang mag-drive. May alam din naman ako sa pagmamaneho kaya lang ay hindi pa ako gaanong confident. Hindi na kasing makadisgrasya sa kalsada. Matinding gastos, sermon at kantyaw ang aabutin ko galing kay Mom at sa mga kapatid kung nagkataon.
"Yabang mo," nilingon ko siya. "Mahal na mahal kasi ako ng nanay ko."
"Mama's boy." pang-aasar niya.
"Naman!" proud na sagot ko.
"Ang tanda-tanda mo na, Vince."
I salute my middle finger on his face. Wala namang mali kung Mama's boy ako. Hindi ko ikinakahiya 'yon. E, mahal na mahal ako ng nanay ko.
---
Sa malayo pa lang, tanaw na tanaw ko na ang pamilyar na mall na ilang beses ko nang napuntahan sa buong buhay ko. Dito na naman pala sa mall na 'to ang venue nila. Hindi ba pwedeng sa ibang mall naman? Sawa na ko dito, e. May alam akong theme park, arcade zone o pwedeng house party. Mas cool ang ganoon kaysa gumala sa mall.
Pagka-park niya ng sasakyan ay may tumawag sa cellphone niya.
"Hello! Oo na, nandito na ko," lumingon siya sa akin sa nagpatuloy sa paglalakad. "Oo nandito rin. Sige hintayin niyo kami d'yan."
"Nando'n na raw sila?"
"Oo, kaya tara na." Huminto si Cef at hinawakan ako sa braso. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagmamadaling umakyat sa third floor nitong mall.
"Teka nga muna," Nang makarating kami ay hinila ko siya kaya napahinto kami. "Bakit madaling-madali ka?"
"Wala na maraming tanong, tara na."
Palinga-linga siya sa paligid nang makakita ako ng mga taong kumakaway malapit sa dingding na maraming ilaw katapat lang ng café. Lumapit kami doon at saka sinalubong ng pamilyar na mga mukha. Napailing na lang talaga ako sa nangyayari. Sila-sila rin iyong mga um-attend no'ng nakaraang gathering. Wala bang bago? I mean—makakilala ng ibang tao bukod sa kanila.
Napalingon ako sa mga naghihiyawan sa paligid. Hindi na bago sa 'kin na makakita ng dalawang lalaking naghahalikan sa grupong ito. May gumawa rin kasi ng gano'n last time. Hindi ko alam kung bakit trip nilang gumawa ng eksena sa mga pampublikong lugar. Pwede naman magpigil ng ilang saglit o kaya magrenta sila ng kwarto at doon ituloy ang milagro.
Kating-kati na akong umuwi at magpahinga dahil sa maghapong klase. Gusto ko nang kumain at matulog. May bago pa naman akong biniling Manga na naka-stock lang sa shelf ko. Hindi ko pa iyon nababasa dahil wala akong time. Makabasa na nga lang pag-uwi.
"Hi," bati lalaking nakababa ang bangs at may suot na salamin. "Ikaw si Vincent 'di ba?"
Ngumiti ako, "Oo, Terrence?"
"Alam mo bang natuwa ako nang sabihin ni Cef na pupunta ka. Sasama ka ba mamaya sa house party?"
House party, great! "Sure, anong oras?"
"Maya-maya lang. May magsusundo sa 'tin doon tayo sa bahay ng isang ka-GC."
"Nice! See you then!"
"See you too, Vincent. 'Wag kang mawawala, marami pa tayong pag-uusapan."
Bumalik si Terrence sa mga kakilala niya. Karamihan sa grupong ay katulad niyang nerd din. Okay naman kausap si Terrence kaya lang minsan dumudugo ang utak ko kapag hinahaluan niya ng topic tungkol sa Math. Ano bang kinalaman ng Cartesian Plane at Linear Equation sa buhay? Maliban na lang siguro kung may balak akong maging engineer na malayo sa katotohanan.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinilip ang relo. Naisipan ko na lang maglaro sa phone ko. Abala si Cef sa pagkausap sa mga ka-GC niya.
Ilang saglit lang ay lumapit si Cef kasama ang hindi pamilyar na mukha. Kulot ang buhok nitong halos tumakip na mata. Punum-puno ng kulay itim na maninipas na bracelet ang pareho niyang pulsuhan at napansin ko rin na maputla ang balat niya. Siya 'yung tipo ng tao na mahilig sa emo music na parang pasan ang buong mundo dahil sa dilim ng aura.
"Hi," pagbati ko pero ni hindi man lang niya ako sinagot.
I also noticed his black and red checked dress shirt na nakatupi hanggang siko. Tinernuhan iyon ng fitted black pants.
"Vincent, sa kanila nga pala gaganapin ang house party mamaya." pagkausap sa 'kin ni Cef. Tumango lang ako.
Lumapit si Cef sa pwesto ko habang kaharap namin ang lalaki. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa biglaan niyang paghila sa akin. Hinawakan ako ni Cef sa tig-kabilang pisngi at saka hinalikan sa labi out of nowhere. Maski ako naguguluhan.
What the hell is happening?!