Chapter 2

2098 Words
Hindi naman lingid sa kaalaman ng pamilya ko kung ano talaga ang tunay kong pagkatao. Hindi kasi ako naglilihim sa kanila dahil naniniwala ako sa kasabihan na 'walang lihim na hindi nabubunyag.' Malalman at malalaman din naman nila ang katotohanan. Second year high school ako noon nang umamin ako sa pamilya ko. Una akong nagsabi kay Mommy dahil alam kong siya ang unang taong makakaintindi sa 'kin, at hindi nga ako nagkamali na pagkatiwalaan siya. Dahil doon, mas lalo pa kaming naging nagkalapit. Naaalala ko pa noon ng umamin ako sa kanya, at ang sabi niya: "Alam mo anak, matagal ko ng alam kung anong pagkatao ang meron ka. Ikaw lang naman ang hinihintay ko na umamin sa 'kin. Ayaw naman kitang pangunahan sa desisyon mo. Syempre nanay ako kaya alam ko ang kilos at galaw ng mga anak ko, mother's instinct kumbaga." Naiyak pa ako noon—bwisit 'yan! Hindi dahil sa hiya kundi sa tuwa. Finally, nakapag-out ako sa nanay ko at gumaan ang pakiramdam ko na para bang nabunutan ako ng malaking tinik. At sumunod naman na umamin ako sa tatay ko, akala ko ay makakatanggap ako ng suntok tulad ng mga napapanood ko sa T.V. Isang yakap ang natanggap ko kay Dad. At mga kapatid ko naman, casual lang nila akong tinanggap dahil bata pa lang daw ay may napapansin na sila. Nagpapasalamat ako dahil hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Nangako ako na hindi ko babaguhin ang sarili ko maging ang katawan ko. Hindi ako magsusuot at mag-aayos na parang babae bilang respeto sa pamilya at sa sarili ko. Hindi ko hinuhusgahan ang mga taong nagko-crossdress dahil karapatan nila iyon. May karapatan silang i-express ang mga sarili nila dahil iyon ang totoong sila. I salute them for being that brave but they have to know their limitations. Wala namang magbabago, e. Kung paano nila ako nakilala noon gano'n pa rin naman ako hanggang ngayon. Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko na nasa side table. Ceferino calling... Hinayaan kong mawala ang tawag. At nasundan pa iyon ng dalawa hanggang lima pang missed calls. Wala akong sinagot na tawag kahit ni isa. Humiga ulit ako at saka nagkumot. Mabuti na lang at walang pasok dahil sabado ngayon. Wala rin akong ganang bumangon. Plano ko na lang matulog maghapon. Nag-flashback sa akin lahat ng nangyari kahapon. Mula sa pagka-late ko sa klase, pangungulit sa akin ni Cef na samahan siya sa gathering nila, pumunta kami ng mall, na-meet ko ang mga ka-GC niya at 'yung... Alam ko naman na silahis din siya katulad ko kaya nga nagkasundo kami at naging mag-best friend. Never sumagi sa isip ko na hahalikan ako ng best friend ko. Alam ko na maloko siyang tao at palabiro. Hindi sa nag-iinarte ako o ano. Ayaw ko lang kasi ng gano'ng biro dahil hindi naman biro ang halik. Sabi ni Mom, ang halik ay ginagawa lang sa taong mahal mo at naniniwala ako do'n. Pagpapakita iyon ng respeto at pagmamahal na hindi basta-basta ibinibigay. Balak ko sanang matulog ulit nang makarinig ako ng katok. Hinayaan ko lang iyon hanggang sa mawala. Pero ilang saglit lang... "Bunso!" Napadilat ako nang marinig ang boses ni Kuya Marco. Bumangon agad ako sa kama saka hinagis ang kumot sa kung saan. Muntikan pa akong matalisod dahil sa pagmamadali. Inayos ko muna ang sarili ko saka binuksan ang pinto. "Kuya!" bungad ko sa kanya at agad ko siyang sinunggaban ng yakap. Kulang na lang ay buhatin ko siya pero hindi ko kaya. Ang laking tao, e. Kumalas ako sa yakap. "Sabi mo t'wing weekend ka dadalaw. Bakit hindi ka pumunta last Saturday?" Iyon naman kasi ang usapan bago siya bumukod ng bahay. Oo na! Hindi lang si Mom ang nakaka-miss sa kanila ni Ate, pati ako. "Busy lang masyado sa trabaho, bunso," nagtakip siya ng ilong. "Mag-toothbrush ka kaya muna?" Tinakpan ko ang bibig at ilong sabay hinga nang malalim. Napangiwi ako, "Oo nga kuya." Agad akong tumakbo pababa at nilagpasan siya para magpunta ng banyo. Inabala ko ang sarili sa pagsesepilyo at paghihilamos. --- Habang kumakain ng pananghalian, hindi ko mapigilang magtanong nang magtanong tungkol sa nangyayari kay Kuya. Nalaman ko na kaya pala hindi na siya gaanong nakakadalaw sa bahay ay dahil na-promote siya sa trabaho. As usual, mababawasan talaga ang time niya sa amin at sa pamilya niya. Nagsimula nang mag-alboroto ang five year old kong pamangkin kaya naman hirap na hirap siyang pakainin ni Kuya. "Come here baby, dito ka muna kay Uncle Vince." Sinubuan ko ng pagkain si Baby at natuwa naman ako dahil kumakain siya. Napansin kong bumigat ang timbang nito. Nakakatuwa. Ako na lang ang nagpakain at naghati kami sa iisang plato. "Hello there, people!" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Iniluwa ng pinto ang isang meztisang babae na hanggang balikat ang tuwid at kulay tsokolateng buhok. "Ellah, halika dito kumain ka na." Alok ni Mommy kay Ate. Bumeso siya kay Mom, Kuya at sa akin. Ang bango ni Ate, amoy imported perfume. Napansin kong lalong pumuti at kuminis ang kutis niya. "Thanks Mom, tapos na 'ko," inilapag nito sa couch ang dalang pouch. "Diet ako." "Anong diet?" tiningnan ko ang buong katawan niya. "Sexy kana, wala kanang ida-diet." "Thanks, bunso," ngumiti siya sa 'kin. "Dahil d'yan, may chocolate ka sa 'kin." "Kitkat ba 'yan?" "Yes dear, your favorite." Dinala ni Ate Ellah sa harap ko ang isang box ng Kitkat. Para raw sa 'kin lahat ng iyon. Manghihingi pa nga si Kuya kaso sinaway siya ni Ate. Bumili daw ito ng sarili dahil marami naman daw itong pera. Pagkatapos kong kumain ay dinala ko ang box ng chocolate sa kwarto at saka inilapag sa kama. Kumuha ako ng magandang agolo. Nang maiayos ko na ang kuha ay saka lang ako tumigil. I posted it on f*******: and i********: at nag-status: Another red thing on my account :) #KitkatIsLife Ilang minuto ang lumipas at puro likes at comments na ang nagdatingan. Nila-like ko isa-isa lahat ng nagko-comment sa status ko pero isang comment ang nakapukaw ng atensyon ko. Ceferino: :( Ilang minuto ko rin siguro tinitigan ang comment niya. Nang mag-flashback na naman sa isip ko ang nangyari kahapon. Nakitang kong nagkaroon ng red dot ang Messenger ko. Terrence: Okay ka na? Me: Oo. Ayos na ako. Sorry sa nangyari kahapon. Terrence: Nagulat ako nang bigla kang tumakbo palayo. Ano bang nangyari? Bakit hindi ka na bumalik? Me: May emergency lang sa bahay. Okay naman na ngayon. By the way, natuloy ba ang house party? Terrence: Natuloy. Sayang lang at wala kayong dalawa ni Ceferino. Ang saya pa naman. May mga pinadala siyang pictures sa 'kin kuha noong nasabing house party. Ang daming kabataang nagpunta. Namukhaan ko pa ang iba. Malaki rin ang venue kaya hindi nakapagtataka na magkakasya silang lahat. Meron pang swimming pool at veranda. Bigatin ang may-ari. Nakita kong nag-chat si Cef. Hindi ko iyon pinansin. Nag-logged na lang ako. --- Today is Sunday. Sama-sama kaming nagsimbang anim. Ako, si Mom, Ate, Kuya, Ate Aileen—na asawa ni Kuya—at si Baby. Sa bahay na rin sila natulog kagabi doon sa mga dati nilang kwarto. Nang matapos magsimba ay dumiretso kami ng mall at kumain. Sina kuya at ate ang daw manglilibre ngayon. Natagalan kami sa pagpili ng kakainan. Gusto ko sana sa Jollibee na lang kami dahil gusto kong kumain ng spaghetti pero gusto nila mag-Mang Inasal. Ang ending, nag-take out kami ng spaghetti tapos kumain kami sa Mang Inasal. Natagalan kami na maka-order dahil sa haba ng pila. Ang dami rin kasing tao sa mall ngayon. Nag-ikot ikot muna kami sa loob ng mall para magpababa ng kinain. Namili kami ng mga bagong damit at nag-grocery. Sobrang cute tignan ng pamangkin ko nang ilagay namin ang bata sa loob ng cart. Mabuti na lang ay may division iyon para hindi siya madaganan ng mga pinamili namin. Humiwalay ako saglit kila ate para mag-CR. Nagtaka ako nang may nakita akong tatlong kabataan na nagtitipon sa bandang gilid. Napansin ko na parang may tinitignan sila sa cellphone. Napangisi naman ako dahil alam ko ang ganoong gawin. Ganyan din kami ng mga tropa ko kapag wala pang professor. Nang matapos akong umihi ay naghugas ako ng kamay at nag-ayos ako ng buhok sa tapat ng salamin. Kumunot ang noo ko nang makitang may dalawang lalaking sabay na pumasok sa cubicle. Nagtaka ako kung bakit. Palabas na ako ng rest room nang maisip ang pwede nilang gawin sa loob. Anak ng butiki! May milagrong mangyayari sa loob! Nakalabas na ako nang may mahagip na pamilyar na tao ang mga mata ko. Nakita ko si Ceferino sa loob ng isang restaurant kasama si Terrence. Nakatalikod sa direksyon ko si Cef at nakaharap naman si Terrence sa glass wall kaya kitang-kita ang labas. Habang nakatingin ako sa kanila, napatingin sa akin ang kasama niya at kinawayan ako. Dahil doon napalingon si Cef sa direksyon ko. Blanko ang expression ng mukha niya. Hindi ko kasi siya nire-replyan sa text at maging ang mga chat niya. Hindi ko rin sinasagot ang tawag niya. Naiinis pa rin ako dahil sa ginawa niya Alam kong alam niya ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanya dahil sa biglaan kong pagtulak matapos ang paghalik niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at wala akong maisip na gawin para hindi ako mailang sa kanya. Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito kami ka-awkward sa isa't isa. Bumalik ako sa wisyo nang tumunog ang phone ko. May text message pala. Ceferino: Sorry :'( Ibinalik ko ang tingin sa pwesto nila Ceferino. Nakatalikod na siya sa direksyon ko at nakikipag-usap siya kay Terrence. Paalis na sana ako pero naisip kong sulyapan ang kasama ni Cef. May katabi pa pala si Terrence, bali tatlo na silang nag-uusap sa iisang lamesa. Napansin kong nakatingin ito sa labas ng restaurant. Ayaw ko sanang mag-assume na baka ako ang tinitingnan kaya lumingon-lingon pa ako sa paligid. Nang ibalik ko ang paningin sa kanila, tila nagtaas-baba ang makakapal nitong kilay na ipinagtaka ko. Anong ibig sabihin no'n? Hindi muna ako umalis sa pwesto ko at pinagpatuloy ang magmamasid. Base sa upper part ng lalaki dahil natatakpan ang ibabang parte—naka-coat and tie ito. Sa palagay ko para siyang nasa early thirties businessman na foreigner. Malaki ang built ng katawan nito. Hindi ko alam na may kilala palang itong businessman. Baka naman kakilala ito ng pamilya nila o pwede rin naman kamag-anak iyon ni Terrence. Hindi ako sigurado. Tinawagan ako ni Ate dahil hinahanap na ako nang maka-receive ulit ako ng text message galing kay Cef. Ceferino: Usap tayo bukas. Meet me at the old fountain. Me: Okay. Mabuti na rin siguro ito para makapag-usap kami. Pupuntahan ko na sana sina Terrence dahil tinatawag nila ako nang makita kong papalapit sa 'kin si Ate. "Anu ba bunso," pumaiwang pa siya sa harap ko. "Kanina ka pa namin hinihintay sa kotse bakit ang tagal mo?" "Sorry. Ang haba ng pila, e." Pagdadahilan ko. --- Nanood ako ng T.V nang sunud-sunod na pumasok ang notification galing sa GC na sinalihan ko. Puro harutan ang laman ng conversation kaya nakisali na rin ako. Nagse-send namin sila ng mga selfie nila kaya nakigawa naman ako. Itinaas ko ang phone ko saka humanap ng magandang anggulo. Dapat 'yung gwapong-gwapo ako. Hindi na ako naglagay ng filter diretso send agad. Pinusuan nilang lahat ang picture ko na umabot ng 100 reacts. Active pala sila ngayon. Tinuloy ko ang pakikipagharutan sa kanila. Nagre-request sila ng panibagong selfie ko. Tinanggihan ko iyon dahil tama na ang isa sa isang araw, bukas naman ulit. Ang dami ring nag-message request sa 'kin, hiningi ang Twitter at i********: account ko. Nang buksan ko ang f*******: application ko ay may panibagong wave na naman ng friend request ang dumagsa. Mamaya na lang ako maga-accept bago matulog. Group video call... Sinuot ko ang earphone ko. "Hello!" "Hi Vincent!" pagbati ng lalaking nasa upper left screen ko. "Pa-accept ng friend request ko." "Ako rin idol," sabi ng nasa lower right screen ko. "Nag-private message ako sa 'yo. Reply ka naman please." Natawa ako sa mga request nila. "Sige mamaya. Maga-accept ako. Accept ko kayong lahat." Na-disconnect ang tawag. Nawala bigla ang Wi-Fi connection. May na-received akong text message. Ceferino: See you, best friend :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD