Kabanata 16 : Rainer's Game

1300 Words
MATAPOS ang mainit na pagsasalong iyon ay hindi na napigilan ni Glenda ang sariling magpaubaya sa kaniyang nararamdaman. Sa unang pagkakataon ay natuto siyang maging mapusok sa harap ni Leandro. Ipinakita niya kung sino siya at ang kaya niyang ibigay bilang isang babae. Hindi na niya inisip na umalis sa poder ni Leandro dahil sapat na sa kaniya ang sabihing mahal siya nito. Sa sayawan ay hindi na isang palabas ang ipinakita nilang dalawa. Nagsayaw sila na para bang sila lamang ang tao roon. “Look at him, Kuya. He’s really in love with that poor girl,” bulong ni Miranda sa kaniyang kapatid. “Relax. He can’t have a perfect love story, not unless he is willing to give everything to Dad. He is an illegitimate son after all.” Mariin niyang sabi. Nagsayawan ang lahat at nakahilera ang mga produkto ng mga San Simon mula sa kakanin hanggang sa mga minatamis na ipinagmamalaki nila. Hindi napigilan ni Glenda na mamula ng hapitin siya ni Leandro sa kaniyang tagiliran. Hindi parin niya lubos maisip na malaya niyang maiparamdam ang pagmamahal na iyon kay Leandro na bata palang ay inalayan na niya ng puso. Nagsayaw sila hanggang mapagod at nagtungo sa ilang stall ng kakanin para tikman ang lahat ng ito. “Hmmm.. iba parin gumawa ng kakanin ang mga taga-rito. Si Inay ay laging gumagawa ng mga suman at madalas ito ang hinahanda kapag may bisita sa mansyon,” salaysay ni Glenda. “I supposed. Marunong karin gumawa ng ganito. Ako ang madalas magrequest ng suman, hindi ko alam na ang nanay mo ang gumagawa. Sana nakilala ko siya.” May lungkot sa boses ng lalaki. Napawi ang lahat ng may dalhin si Rainier na magandang modelo sa harap ni Leandro. Parehas silang nagkatinginan dahil ito ang inaasahan ni Leandro na laro ng kanilang pinsan. Hinawakan ni Leandro sa kamay si Glenda ng sobrang higpit. “Ahmm.. I assume you're having a great time this evening, couz. Siya nga pala. This is Zaila De Dios, siya ang bagong mutya ng San Simon at isang modelo. Napakaganda niya hindi ba?” sabi ni Rainer “Magaganda talaga ang mga taga-San Simon,” ang mga mata ni Leandro ngayon ay na kay Glenda. Ngunit hindi pinalagpas ni Rainer ito. “Hello Glenda. Si Glenda ay anak ng dating taga-silbi ni Tito Saturnino, hindi ba?” ganon nalang gulat ni Glenda at Leandro. “I think we had already so much fun tonight!” sabi ni Leandro sa kaniyang pinsan. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Rainer. “Hindi mo man lamang ba isasayaw ang ating Mutya?” “Isayaw mo siya kung gusto mo pero huwag mong sirain ang gabi ko kasama ang nobya ko,” sabi ni Leandro. “Is she really your girlfriend or just a bed war—” agad itong pinutol ni Leandro dahil sinuntok niya ito. Nagsihiyawan ang mga tao at ang lahat ay tumigil sa pagsasaya. Napunta kay Leandro at Rainer ang atensyon ng lahat. Halos hilahin ni Glenda si Leandro para awatin ngunit ilang beses pa nitong sinuntok ang pinsan. “L-Leandro, Please! P-Please stop!” sigaw ni Glenda. Para silang nasa kalagitnaan ng isang palabas kung saan sila ang masama at pinaguusapan. ‘Anak sa labas ni Alkalde Saturnino?’ bulong-bulungan ng ibang kababaihan ‘ron. ‘Katulad din siya ng yumaong alkalde marahas at walang kinakatakutan.’ “L-Leandro,” anas ni Glenda. Nilingon siya ni Leandro dahil alam niyang umiiyak na ito. Niyakap niya ito at inakay palayo sa lugar na iyon. Ilang minuto pa silang nasa loob ng kotse dahil sa tensyong nararamdaman. “I-I’m sorry Glenda!” “Hindi mo kasalanan ang nangyari at sana isinayaw mo nalang ang babaeng iyon para naman hindi na gumawa pa ng palabas ang pinsan mo. Kilala kita, Leandro. Maraming babae ang nagdaan sa iyo pero hindi ka katulad nila,” tinignan siya ni Leandro habang sinasabi iyon. “Kahit itakwil pa ako ng buong San Simon, kaya kong mabuhay pero ang lumayo ka hindi ko kaya,” sabi nito. Napangiti si Glenda sabay kurot sa tagiliran ng lalaki. “Bolero!” “Nobya kita at alam kong magseselos ka kapag nakita mo akong nakikipagsayaw sa ibang babae.” Sabi ni Leandro. Kinintalan niya ng mabilis na halik at muli ulit nagdaop ang kanilang labi para sa malalim na halik. Tila uhaw na uhaw parin sila sa isat-isa. Halos ang pintig ng dibdib ni Glenda ay pabilis nang pabilis katulad ng unang beses ulit nilang naangkin ang isat-isa sa kubo. Kapwa sila habol hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Nuon lang nila napansin na nakakandong na siya kay Leandro at konti nalang ay mahuhubad na ang maikling dress niya. “I’m sorry, I’m just intoxicated by you, I love you,” bulong ni Leandro na lalong nagpabilis ng kabog ng kaniyang dibdib. “So do I, Leandro!” Mabuti nalang ay super tinted ang kotse at hindi sila basta-basta makikita sa labas. Natawa sila sa kanilang ginagawa kaya wala ng inaksayang pagkakataon si Leandro agad niyang pinaandar ang kotse at pinaharurot pauwi ng mansyon. Sa Sala palang ay hindi na napigilan ang isat-isa. Uhaw na matikman ang bawat isa. Halos hubad na sila ng makarating sa pool. Bumaba sila sa tubig at doon nila ipinagpatuloy ang pagdadaop ng kanilang mga katawan. “Hmmm ahhmm ahmmm..” mahinang ungol ni Glenda nang isandal siya sa malamig na gilid ng pool, habang patuloy na nilalam* ang kaniyang dalawang dibdib at kanyang hita ay bahagyang naangat nakaangla sa tagiliran ni Leandro. Ang kahabaan nito ay nagsimula naring maglabas masok na kaniyang perlas. Muling inangkin ni Leandro ang kaniyang mga labi at ginalugad nito ang kaniyang bibig. “Hmm..” napapikit nalang si Glenda ng biglang siyang angatin ni Leandro. Naikawit niya ang kaniyang mga hita sa baywang nito. Gayundin ang mga kamay niya sa batok nito. Halos panawan siya ng ulirat nang maramdaman ang kahabaan nitong pinupuno ang kaniyang kaloob-looban. Nagsimulang gumalaw si Leandro ng mabilis at gayon na lamang ang pagungol ni Glenda. Hindi na nila kaya pang pigilin ang pagiinit ng kanilang mga katawan sa tuwing magdadaop ang mga ito. Matapos ang tagpong iyon ay binuhat siya ni Leandro sa itaas at ibinaba sa maligamgam na tubig sa bathtub. Siya ang naglinis kay Glenda at tuwang-tuwa naman ito sa serbisyong ginagawa ni Leandro sa kaniya. “Sana ganito nalang tayo palagi!” bulong ni Glenda bago niya ipinikit ang mga mata. Hinalikan siya ni Leandro sa noo at labi bago iwanan sa kuwarto. ~~~ SA OPISINA nag-stay si Leandro pansamantala nang gabing iyon. Ilang beses siyang lumagok ng alak para ikalma ang sarili bago sagutin ang tawag ni Rainer. “Hanggang ngayon ang sakit parin ng panga ko. Don’t you think mananahimik na lang kami at panoorin kang maging masaya?” mayabang nitong sabi. “Leave Glenda alone!” “Alam na ba niyang ikaw ang dahilan ng pagkasunog ng kamalig?” Halos lagukin niya ang alak na nasa bote. “W-What do you want?” “Asyenda…I mean..ang buong asyenda. All of it, my dear couz…or else ang katotohanan para sa iniingatan mong laruan?” Humalakhak ito sa kabilang linya. “No. Hindi ko ito ibibigay,” sagot niya. “Then say goodbye to your baby Glenda…f*ck her while you still can.” May panunudyo nitong sabi. “F*ck you!” halos basagin niya ang kaniyang telepono. Pinuntahan niya ang kuwarto kung nasaan si Glenda. Bahagya niyang hinaplos ang mukha nito lalo na ang labi nito. Nagising si Glenda at nginitian niya ang lalaki ng pagkatamis-tamis. “You’re drunk..” bulong niya. “A-A bit.” Tumabi siya kay Glenda at pinaunan niya ito sa kaniyang braso. “Let’s get married, Glenda!” bulong niya rito at tanging pagtango lamang ang naisagot ni Glenda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD