BILLIONAIRE 4

2000 Words
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi saka biglang malakas na tumawa. Seryoso ba ang isang 'to at hindi siya nahihibang ngayon sa binabalak niyang ialok sa akin? Hindi ako makapaniwala na makakatanggap ako ngayon ng offer mula sa isang CEO ng kumpaniya na ganoon ang klase ng... trabaho? Hindi ko malaman kung matatawag ko ba na trabaho 'yon o hindi. "Why are you laughing?" seryosong tanong niya sa akin. Para bang hindi siya makapaniwala na tinatawanan ko siya ngayon. Tinigil ko naman ang pagtawa at inayos ang sarili. Tumingin muli ako ng deretso kay Mr. Apollo Cash. "I'm sorry for laughing, Sir. But I came here to apply for a decent job and I'm expecting that you will give me a real work and not like that. Or maybe you're just joking me, right?" sagot ko. "Do I look like I'm joking right now?" Hindi nawawala sa kaniyang mukha ang pagiging seryoso at mukhang hindi niya nagugustuhan ang mga sinasagot ko ngayon. I cleared my throat, thinking of what I should answer to him. "I will going to be frank now. I don't understand why are you offering to rent me as your bride, Sir. Your company texted me that I should come here because you will give me a chance to have a job." "That's why I am giving you now a job. I want you to pretend to be my future wife. I am renting you for months, I guess? I will pay as much as you want. You can name your price." Tumayo naman ako dahil hindi ko na nagugustuhan ang kaniyang mga sinasabi sa akin. "I don't have time for this kind of nonsense, Sir. I know that I don't still have any college degree because I stopped studying, but here I am finding and applying for a job. But it doesn't mean that you should offer me that kind of job. Hindi man ako tapos sa pag-aaral pa, pero may mga kakayahan din ako na kayang gawin sa isang tunay na trabaho. Hindi naman ako ganiyan kababa upang alukin mo ako na rentahan upang umakto bilang magiging asawa mo," may inis na sagot ko. "Are you sure about that? This could change your life now. But if you really don't want to accept my offer, then it's your loss and not mine." Mabilis naman na lumapit sa akin ang babae na nagdala sa akin sa opisina ng CEO. Masasabi ko na napakaganda ng interior design ng kaniyang opisina. Halata naman na lahat ng mga gamit dito ay mahal talaga. Hindi nga ako pamilyar sa ibang mga pangalan ng mga kagamitan dito. Ang iba ay bago sa paningin ko. Sa tingin ko pa ay pinagawa mismo ang mga 'yon o 'di kaya ang iba ay binili pa sa ibang bansa. Sikat talaga ang Cashland Company hindi lang sa bansa namin, kundi pati na rin sa iba't-ibang mga bansa. Masiyadong malawak ang kumpaniya na ito. Marami rin silang mga produkto na nilalabas kada buwan. "Mag-isip ka muna ng mabuti. Malaki ang kayang i-offer sa 'yo ni Mr. Cash at kaya mo nang buhayin ang sarili mo gamit ang pera na 'yon sa loob ng ilang taon. All you have to do is to pretend that you're his girlfriend and you two will be married soon. After your fake marriage is done, then you're free and you will have your money. Hindi ba at naghihirap ka rin ngayon? Ilang beses ka nang nag-apply sa iba't-ibang mga trabaho pero walang tumatanggap sa 'yo. Sa panahon ngayon ay bihira na ang mga tumatanggap ng mga hindi graduate na applicants," paliwanag niya sa akin. Hindi pa naman gano'n kababa ang dignidad ko para bumaba sa lebel nan tatanggapin ko ang alok niyang 'yon. Ayoko naman na masayang din ang mga pinag-aralan ko sa college kahit dalawang taon lang, tapos ang magiging trabaho ko lang ay magpanggap bilang magiging asawa ng isang CEO. "Kahit ano pa ang sabihin--" "I will guarantee your tuition fees until you finish your college years and you will have the chance to study in Cashland University," sabat naman ni Mr. Apollo Cash. Pinigilan ko naman ang sarili ko na manlaki muli ang aking mga mata dahil sa alok niya sa akin. May sarili nga rin pala silang unibersidad dito at 'yon din ang pinakamalaking unibersidad dito sa aming bansa. Nag-iisa lang ang unibersidad na 'yon. Hindi talaga biro ang yaman nila. Sa pagkakarinig ko pa noon ay halos isang milyon daw ang tuition fee ng isang estudyante roon sa isang semester lang 'yon! Paano pa kaya kapag dalawang taon pa sa kurso ko? Pero kung sabagay ay pagmamay-ari naman ng pamilyang Cash 'yon. "Plus after you graduate there, you can work now here in my company as a manager. You will also have your own money when you agree to be rented by me. Again, all you have to do is just to pretend to be my girlfriend and that we will be married to each other soon. After marrying with me, we will just need to live in the same roof for three months and after that we will get a divorce. That's all," dagdag pa ni Mr. Cash. "Think carefully before you decide, Miss Vivian Ruth. Alam ko na hindi rin maganda ang sitwasyon ng buhay mo ngayon. Swerte na ang lumalapit sa 'yo, kaya tanggapin mo na. Ang alok ni Mr. Cash ang makakapagpabago sa buhay mo," bulong pa sa akin ng kaniyang sekretarya. "Magkano ba ang pera na makukuha ko? Are you sure that you're not scamming me?" paninigurado ko pa. Bahagya naman siyang natawa dahil sa sinabi ko. Aba! Mas mabuti nang manigurado. Siniko pa ako ng kaniyang sekretarya. "Why would he scam you? Hindi mo ba alam na isa siyang bilyonaryo? Baka nga hindi lang billion-billion ang kaniyang pera dahil sa sobrang yaman niya at ng kaniyang pamilya," bulong niyang muli sa akin. "Alam ko naman 'yon, pero hindi pa rin ako makapaniwala ngayon na ako pa ang napili niya na rentahan o alukan ng gano'ng klase ng offer. Bakit ako ang napili niya?" Pinarinig ko talaga kay Mr. Apollo ang tanong ko na 'yon. Lalo na at gusto ko rin naman talaga na malaman kung bakit sa sobrang dami ng mga babae sa mundo ay ako pa ang napili niya na magkunwari bilang isang asawa niya. Sa gwapo niyang 'yon ay wala siyang kasintahan ngayon? Tapos sa gwapo rin niyang 'yon, sigurado naman ako na maraming mga babae ang patay na patay sa kaniya. "After reviewing your background profile yesterday, I think you will be the best rented bride for me." "Bakit hindi ka na lang maghanap ng magiging tunay na girlfriend mo at 'yong mga mayayaman na babae? Baka may makapansin pa na hindi naman talaga tayo totoong magkasintahan lalo na at mahirap lang naman ako. Baka marami lang mga issues na kumalat." "Hindi ako pwedeng maghanap ng mayaman na babae, dahil paniguradong hindi na sila makikipaghiwalay pa sa akin sa oras na ikasal kami. Ang mga gano'ng babae ay pera lang din naman ang habol sa akin. Mas mabuti nang ikaw ang piliin ko bilang aking rented bride, mas safe pang hihiwalayan mo talaga ako sa oras na matapos na ang pagpapanggap mo bilang asawa ko." Well, may punto naman ang kaniyang sinabi. Mahirap din talaga lalo na at kilala siyang bilyonaryo tapos ang gwapo pa niya. Baka sa araw na gustuhin na niyang makipaghiwalay ay hindi na siya pakawalan ng babae. Napabuntong-hininga naman ako. Nate-tempt na akong tanggapin ang kaniyang alok sa akin lalo na at napakagandang oportunidad nga 'yon para sa akin. Sa tingin ko ay magagawa kong makapagyabang sa aking pamilya kapag nakamit ko na ang lahat ng mga kagustuhan ko. "Hindi mo naman siguro gagalawin ang katawan ko o ano, 'di ba?" nahihiya pa na tanong ko. Tinawanan niya muli ako saka naglapag ng isang folder sa lamesa na nasa harapan niya. Sinenyasan naman ako ng kaniyang sekretarya na pumunta roon upang makapag-usap kami ng ayos. Umupo na ako sa gitna at tiningnan ang laman ng folder. "I didn't chose you because you're my type. Well, you have the looks. Pero wala akong balak na totohanin ang kung ano mang mapagkakasunduan natin ngayon. Ayoko lang talaga na maikasal ngayon dahil bata pa ako. But since I am a billionare's son, I have to get married too soon. Kaya gagamitin kita," paliwanag pa niya sa akin. Ang hirap din naman ng mga buhay nilang mga mayayaman. Binasa ko naman ang nasa folder at kontrata pala namin 'yon. "Nakalagay na d'yan ang lahat ng mga benefits na makukuha mo sa pagpapanggap bilang rented bride ni Mr. Apollo Cash. Sa oras na pirmahan mo na ito ngayon ay magsisimula na rin agad ang mga kailangan naming baguhin sa 'yo dahil kailangan mo rin na magpanggap na isang mayaman," paliwanag sa akin ng sekretarya. Sobrang tuwa ko sa mga nabasa ko sa kontrata. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad ko na 'yong pinirmahan. Talagang tatagal ang buhay ko kapag ganito ang mga benepisyo na makukuha ko, dahil lang magpapanggap ako bilang mapapangasawa ng ibang tao. Wala na akong pakialam kung ano ang mga mangyayaring consequences sa akin sa oras na gawin ko ang trabaho na ito. Hindi nga ito marangal na trabaho dahil parang ibinenta ko na rin ang aking sarili. Pero desperada na ako ngayon. Hindi niya rin naman ako gagalawin at wala siyang ibang gagawin sa akin. All I need to do is to pretend to be his future wife and that’s all. Kaya kailangan kong magawa ng ayos ito, kung gusto ko pang magtagal na mabuhay sa mundo. I don’t care about having no pride. Lahat ay gagawin ko para maka-survive ako sa mundong ito. Gusto kong mapatunayan kina Mama at Papa na may mararating ako. Kailangan nilang magsisi na pinatigil pa nila ako sa pag-aaral kahit na patapos na ako no’n. Kung nakapagtapos lang sana ako, e ‘di sana ay nakahanap na ako ng magandang trabaho ngayon. Hindi sana ganito ang ginagawa ko ngayon. Pero pinagkaitan nila ako ng tiyansa na makapagtapos ng pag-aaral. Mas pinili nila na patigilin ako sa aking pangarap. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang kanilang pag-iisip. Pinagdadamot nila sa akin ang pagiging masaya. Tunay pa kayang pamilya ‘yon? Kaya akala ko ay maghihirap at magduruda pa rin ako nang umalis ako sa kanila, dahil walang-wala talaga ako. Pero mabuti na lang at nakuha ko ang atensyon ni Mr. Apollo Cash, ang sikat na bilyonaryo sa aming bansa. Ayokong isipin ng mga magulang ko na babalik din ako sa kanila makalipas ang ilang araw dahil hindi ko kayang mabuhay nang mag-isa. Ayokong pagtawanan din nila ako na ang lakas ng loob kong maglayas sa bahay, pero hindi naman pala ako mabubuhay. Gusto kong isipin nila na kaya kong maging independent. Sa totoo lang ay wala rin naman akong aasahan sa kanila. Inaalila lang naman nila ako ay si Via lang ang bine-baby nila. Para akong katulong sa bahay na ang lahat ng gawain ay sa akin. Tapos kailangan ko pang maghanap ng trabaho. Kaya yata ako pinatigil sa pag-aaral ay para gawin ang mga gawaing bahay. Samantalang ang isa nilang anak na si Via ay nagagawang ma-enjoy ang kaniyang kabataan nang hindi sila nagagalit. Walang nagbabawal kay Via, hindi katulad ng trato nila sa akin. Sana’y hindi nila ako pinanganak sa mundo kung ayaw naman pala nila na maging anak ako.. Kung hindi ko nakuha ang atensyon ni Mr. Apollo, wala sana akong source of income ngayon. Wala nang hiya-hiya pa. Hindi na dapat ako makaramdam pa ng gano’n. Dahil ang mahalaga ay mabubuhay ako. Ibabalik ko na lang ang lahat sa kaniya kapag successful na ako sa buhay ko. Ngayon pa lang ay malaki na ang pasasalamat ko kay Mr. Apollo. Sana lang ay wala akong maging ibang problema sa oras na simulan ko na ang alok niya sa akin na ito. Kaya mo ito, Vivian. Para sa sariling kapakanan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD