BILLIONAIRE 5

2000 Words
CONTRACT TO BE A RENTED BRIDE FOR THE BILLIONAIRE This contract is made effective as of November 27, 2021 until May, 27, 2022, by and between APOLLO CASH and VIVIAN RUTH. VIVIAN RUTH agrees to be the rented bride of Apollo Cash and agrees with all the terms and condition of this contract. Vivian Ruth is willing to pretend as the girlfriend and to have a fake marriage with Apollo Cash valid for three to four months. She also agrees to pretend that she's from a rich family. BENEFITS OF VIVIAN RUTH: - Vivian Ruth can study in Cashland University and finish her college years without for FREE. All the allowances, tuition fees and other expenses of Vivian Ruth in the university will be held by Apollo Cash. - Vivian Ruth can work as a manager in Cashland Company after she graduates. - Vivian Ruth shall receive her p*****t monthly by pretending to be Apollo's bride. An amount of PHP 500, 000. 00 will be sent to Vivian's bank account every month. But it can have a deduction if Apollo is not satisfied with Vivian's acting. - Vivian Ruth will have her own condominium unit PERMANENTLY. - Vivian Ruth's other expenses will be held by Apollo Cash until the end of the contract. IF A PROBLEM OCCURS DURING THE TIME OF THE CONTRACT: - If Vivian and Apollo's real relationship got exposed to the public, the said contract will be invalid even if it's still not finish. All of the benefits of Vivian Ruth will stop. - If Vivian failed to do her job to act and pretend properly and other people noticed that their relationship is fake, then the contract will be terminated and Vivian's benefit will stop. She will also be hold for some responsibilities. - If Vivian told anyone about the real relationship of her and Apollo, then she will be punish. "Grabe naman sa mga consequences. Paano kung magaling lang talagang makapansin 'yong ibang tao kahit na ginawa ko naman ang lahat sa pag-acting? Ako pa rin ang may kasalanan no'n at matitigil na ang lahat ng mga benefits ko?" reklamo ko. Tapos ko nang mapirmahan ang kontrata pero ngayon ko lang napansin ang mga consequences na nakalagay. Masiyado yata akong na-excite sa nga nakalagay na benefits. "Yes. Hindi mo napaniwala ang ibang tao sa acting mo. May mga consequences din ako na matatanggap sa oras na lumabas na ang katotohanan na peke ang asawa ko," sagot naman niya sa akin. Mabuti na nga lang at nagtatagalog ang isang 'to. Ang inaasahan ko kasi noon ay basta mga mayayamang tao ay mga englishero at englishera na kahit mga Pinoy naman talaga. "Pero ikaw naman mismo ang nag-renta sa akin at tinanggap--" Hindi na niya ako pinatapos pa. "You already signed the contract, right? So bakit ang dami mo pang nirereklamo?" masungit na tanong niya sa akin. Kung sabagay. Ang tanga ko naman kasi dahil hindi ko muna binasa ang lahat ng nakalagay sa kontrata. Pero sobrang life changing naman talaga ng mga benefits na nakalagay. "So ano na ang gagawin ko ngayon and how should I address you? I mean, what should I call you?" "Since you're not working in my company as an employee, I will allow you to call me by my name only. But if we will face some important person soon, you should address me as your fiancee." "Okay, noted on that." "Where's your things?" "Wait, may tanong ulit ako. Bakit parang hindi mo pa ako masiyadong kinilala? I mean, paano pala kung masama talaga akong tao something like that," nagtataka na tanong kong muli. "You're name is Vivian Ruth and you have a sister that is currently got a job here in Cashland Company, which is Vivialyn Ruth. You did not finish your college years because your sister needs to go to college and you gave way for her. That's why you're finding a job to help your family. But since your mother was pressuring you too much, you couldn't hold your anger anymore. But your drank father hurt you physically last night and that's when you decided to leave your house and stay in a sauna. Because of that piece of information about you, I already knew what kind of life you suffered during your stay with your family." Halos malaglag naman ang panga ko nang marinig ko ang kaniyang isinagot sa akin. Paano niya nalaman ang mga nangyari sa akin kagabi? Hindi ko akalain na malalaman niya ang mga 'yon. Pinasundan ba niya ako matapos kong umalis dito sa kaniyang kumpaniya? "Magtataka ka pa ba ngayon kung bakit ikaw ang pinili ko? Siguro naman ay naiisip mo na ngayon kung bakit?" dagdag pa niya nang hindi ako magsalita. Hindi na ako sumagot pa at tinanguan na lang siya. Parang nakaramdam ako ngayon ng kaunting hiya dahil ang isang bilyonaryo na katulad niya ay nalaman kung ano ang nangyayari sa pangit kong buhay. Naawa siguro siya sa akin kaya ako ang pinili niya na rentahan upang maging asawa niya. Pero ayos na rin 'yon. Inaamin ko na sa sarili ko ngayon na walang-wala na ako. Sa oras naman na makapagtapos ako sa pag-aaral at maging maayos na ang buhay ko ay ibabalik ko rin sa kaniya ang lahat ng mga naitulong niya sa akin. Magtatrabaho ako ng maayos sa kumpaniya niyang ito at tutulungan ko pa siya lalo na mas umangat kapag dumating na ang tamang panahon. Hindi ko naman pwedeng ibalik sa kaniya ang mga naitulong niya sa akin gamit ang pera rin, dahil hindi na rin naman niya kailangan pa no'n. "We will now start the first step. Ang mga gamit mo na nasa sauna ay pinakuha ko na sa mga guards ni Mr. Apollo at dinala na sa magiging condominium unit mo. Kaya roon na rin kita dadalhin ngayon. Nasabihan na ako ni Mr. Apollo sa mga dapat kong gawin sa 'yo. Shall we go now?" aya naman sa akin ng kaniyang sekretarya. Tumango naman ako at bahagya nang nagpaalam kay Apollo saka sumunod sa kaniyang sekretarya. Sumakay kami sa isang kotse sa labas ng malaking building. Katabi ko ang sekretarya ni Apollo sa likuran ng driver. Tahimik lang ako at nagmamasid sa labas. "I am Tiffany and this is Kuya Rodel, Mr. Apollo's driver for ten years now. You can call us by our names and please be comfortable around us. Matagal-tagal din tayong magsasama simula ngayon," panimula ni Tiffany sa usapan. Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. Mukha rin naman siyang mabait at hindi ko matunugan na mataray siya. "Ano ba ang mga dapat kong gawin simula ngayon?" "I will explain everything to you when we arrive at your unit." Nang makarating naman kami sa pinakasikat na condominium dito sa aming bansa ay namangha ako. Hindi ko akalain na rito na ako titira simula ngayon. Sa pagkakaalam ko ay hanggang 30th floor ang building na ito at sobrang laki talaga. Sobrang mga mayayaman na tao lamang ang nakatira rito. Para tuloy akong naging instant millionaire matapos kong lumayas sa aming bahay. Sumunod lang ako kay Tiffany at sumakay kami sa elevator. Pinindot niya ang 15th floor, mukhang naroon ang unit ko. Nang makarating kami roon ay apat na unit lang ang naroon. Mukhang malaki talaga ang mga units na narito. Sa ibang condominiums kasi ay marami ang mga unit sa isang palapag. Nakarating kami sa dulong bahagi at may number na 15-A sa kwarto ko. "15-A?" nagtataka na tanong ko. "Class A ang unit mo na ito. May apat na uri ng condomonium na ito. Class A hanggang Class D. Kapag Class A ay kumpleto ang lahat ng mga kagamitan sa loob at napakaganda ng disenyo. Ito ang pinakamahal na unit at may mga pagkakaiba ang unit na ito sa ibang class." "Wow! Grabe pala talaga ang yaman ni Mr. Apollo," namamangha na sambit ko. Nang magbukas na ang pinto matapos kong maglagay ng password, namangha na agad ako sa nakikita ng mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang makita kung gaano kaganda ang titirahan ko. "Totoo ba talaga na sa akin na ang unit na ito? Hindi ba ako nananaginip ngayon?" hindi makapaniwalang kumento ko pa. "Ang titolo ng unit na ito ay pinoproseso na at ibibigay ko sa 'yo bukas. Yes, sa 'yo na ang unit na ito. Sobrang swerte mo dahil ikaw ang napili ni Mr. Apollo na maging rented bride niya. Ilang buwan na kaming naghahanap at sa wakas ay nakapag-desisyon na siya kung sino." "Ibig sabihin ay ang hiring ninyo kahapon na trabaho ay hindi talaga para sa isang sekretarya?" tanong ko muli. Tinanguan niya ako. "Naghahanap siya ng isang babae na maaaring magpanggap bilang mapapangasawa niya. Mukhang nakuha mo ang atensyon niya dahil sa mga isinagot mo kahapon, kaya maswerte ka." “Gano’n ba? Sakto nga ang swerte na nakuha ko ngayon dahil sumakto pa sa sitwasyon ko sa buhay. Akala ko talaga ay hindi na ako tatagal pa ng buhay sa mundong ito. Malay ko ba na sa oras na magkaroon ako ng malaking problema na kakaharapin sa buhay ay may ganito na agad na bubungad sa akin. Kahit na mukhang napakasungit ni Mr. Apollo ay nagpapasalamat ako sa kaniya,” kumento ko pa. “Mabait naman siya. Pero sa ngayon ay hindi pa siya gano’n kabait sa ‘yo at medyo cold pa. Dahil hindi niyo pa naman lubusang kilala ang isa’t-isa. Kapag nagtagal naman na ay palagi na kayong magkasama, dahil kailangan ‘yon sa pagpapanggap ninyong dalawa. Kaya mas magiging malapit kayo sa isa’t-isa at baka magbago na ang pakikitungo niya sa ‘yo,” sambit pa ni Tiffany. Ayos naman sa akin kahit hindi maayos ang pakikitungo sa akin ni Apollo Cash. Basta huwag lang siyang gagawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan, kapag involved ako. Hindi naman niya siguro ako babastusin kapag magkasama kaming dalawa. Mahirap na magtiwala ngayon sa mga lalaki. Hindi ako sigurado kung hindi ba siya manyak. Hindi porket isa siyang sikat na bilyonaryo ay hindi ko na dapat siya paghinalaan tungkol sa mga ganoong bagay. Mas mabuti nga na kilalanin ko siya ng husto bago ako magtiwala sa kaniya at mawala ang pagdududa ko. Tsaka hindi naman ako reklamador, lalo na at pera ko na ang gagamitin niya simula ngayon. May karapatan pa ba akong magreklamo? Baka mapatalsik ako nang wala sa oras kapag nagreklamo at nag-inarte pa ako. Pero siyempre ay alam ko pa rin naman ang limit ko. “Miss Tiffany, huwag mo sana akong i-judge kung bakit tinanggap ko ang ganitong klase ng trabaho. Nakakahiya man, pero walang-wala na talaga ako ngayon. Kaya kahit ang ganitong trabaho ay tinanggap ko na. Para lamang mabuhay ako ng matagal sa mundong ito at magawa ko pa ang mga pangarap ko na naudlot.” Iniisip ko kasi na baka isipin niyang easy-to-get akong babae. Kaya mas magandang sinabi ko na agad sa kaniya. Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Mukha namang mabait si Miss Tiffany para sa akin. Magaan ang loob ko sa kaniya. “Hindi naman kita ija-judge. Who am I to judge? Lahat naman ng tao ngayon ay may hirap na pinagdadaanan sa buhay. Ang kaibahan lang ay hindi pare-pareho ng mga pinagdadaanan na problema. Hindi rin naman maruming trabaho ang inalok sa ‘yo ni Mr. Apollo. All you have to do is to pretend that you’re his soon-to-be bride and that’s all. Kaya hindi naman kalait-lait ang ganito. Basta huwag lang lalabas sa publiko,” sagot niya. Hindi ko naman alam ang mararamdaman ko ngayon dahil halo-halo ang mga ito. Masaya ako dahil mabubuhay na ako ngayon ng mas matagal. Kinakabahan ako dahil baka may mga consequences akong makaharap kapag nagtagal. Natatakot ako na lumabas ang katotohanan. Pero ang nasa isip ko ngayon ay nagpapasalamat ako ng sobra sa Panginoon dahil sa swerte na ibinigay niya sa akin ngayon. Ayoko munang pangunahan ang lahat. Kailangan ko lang enjoy-in muna ang mga biyaya na ibinibigay sa akin ngayon ng Panginoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD