Nagsisisi na ako ngayon na lumayas ako sa bahay. Hindi ko na kasi alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala naman akong mapupuntahan ngayon para matirahan. Wala rin naman akong naging mga kaibigan noong pumapasok ako ng college. Introvert kasi ako. Hindi ko gusto na makihalubilo sa ibang tao. Malakas lang ang loob ko noong nag-aapply na ako para sa trabaho. Pero wala akong nakausap noon o naka-close na mga kaklase ko. May trust issues na rin ako noong high school ako. Binackstab ako ng mga kinilala kong mga kaibigan ko noon.
Kaya naman nag-solo na lang ako noong college. Mas tahimik nga ang buhay ko noon at masaya na ako roon. Pero sa. mga ganitong sitwasyon ko ay wala man lang akong malapitan. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ba ako tatagal na mabuhay sa mundo na ‘to. Ang lakas ng loob ko na maglayas sa bahay namin, kahit hindi ko naman alam kung paano ako mabubuhay. May isang sauna hotel dito sa lugar namin na korean style. May kalayuan ito mula sa bahay namin. Alam ko naman na walang pakialam ang mga magulang ko kapag nalaman na nila na lumayas ako sa bahay. Baka matuwa pa nga sila dahil wala na ako roon. Bawas na ang gastusin nila sa bahay.
Mura lang ang stay dito sa sauna. Mabuti na nga lang at may ganito na rin dito. Para naman hindi na ako rumenta pa sa hotel room or sa motel, dahil ‘yon na ang pinaka-cheap na lugar. Isang daang piso lang ang one day stay sa sauna. Pero bukod pa ang bayad sa mga pagkain doon. Wala rin namang mga sariling kwarto rito at sa sahig lang hihiga. Pero ayos na rin, kaysa sa kalsada lang ako. Isang bagahe lang din naman ang dala ko dahil kaunti lang ang mga damit ko.
Nagpalipas na lang muna ako ng gabi sa sauna. May limang-libong piso pa naman ako na pera rito. Mula pa ‘yon sa ipon ko noon sa mga baon ko. Minsan naman ay nag-aayos ako ng mga thesis noong nag-aaral pa ako at binabayaran nila ako. Kaya kahit papaano ay may ipon pa rin ako kahit maliit lang na mahalaga. Nilagyan ko na rin kanina ng yelo ang mga pisngi ko at nilinis ko muna ang aking sarili bago ako umalis sa bahay. Nang sa gano’n ay hindi naman nakakahiya na lumabas ako kanina. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na rin ako.
•••
Naalimpungatan ako kinabukasan nang sunod-sunod ang pagtunog ng cell phone ko. Kinusot ko muna ang aking mga mata saka mabilis na tiningnan kung sino ang nagte-text sa akin. Nagulat naman ako nang makita na tadtad na ako ng texts mula kina Mama, Papa at Viva. Binasa ko naman ang lahat ng ‘yon.
From: Mama
- Siguraduhin mo lang na hindi ka na babalik pa rito. -
- Tama nga ‘yan at lumayas ka na rito. Pabigat ka lang din naman at walang kwenta sa bahay na ito. -
- Wala kang utang na loob at ang kapal pa ng mukha mo na layasan kami. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang galing mo. -
- Subukan mo lang na bumalik pa rito dahil wala kang matirahan. Hinding-hindi kita tatanggapin. -
- Siguro ay may pera ka nang naipon kaya ang lakas ng loob mo na layasan kami. Gahaman at makasarili ka talaga! May pera ka tapos ni hindi mo man lang kami binigyan ni piso! -
From: Papa
- Tarantado ka talaga. Ang lakas ng loob mo na lumayas sa bahay! Bumalik ka na rito! -
- Sa oras na bumalik ka rito ay tatapusin ko na ang buhay mo! -
- Wala kang pasasalamat sa amin na bumuhay sa ‘yo! Ikaw pa ang may gana na maglayas sa bahay at iwan kami. Hindi mo gusto na pagbayaran ang lahat ng hirap namin para lang buhayin ka?! -
- Sa oras na makita kita ay mayayari ka sa akin ng husto! -
- Habang nasa matino pa akong pag-iisip ay bumalik ka na rito. Kailangan mo pang maghanapbuhay para may maibigay sa amin! Wala ka talagang malasakit! -
From: Via
- Buti naman at lumayas ka na rito. Salamat dahil may sarili na akong kwarto. Aalisin ko na ang lahat ng mga gamit mo rito, ha? Wala naman nang mga kwenta ang mga ito. -
- Also, sa akin naman dapat ang kwarto na ito in the first place. Wala naman talagang sa ‘yo. Baka naiinggit ka na sa akin dahil mas spoiled ako nina Mama at Papa kaysa sa ‘yo? Huwag mo masiyadong dibdibin. Sana ay mabuhay ka pa ng matagal. Tutal ay sobrang tapang mo na lumayas ka pa rito sa bahay kahit walang-wala ka rin naman. -
Sumasakit ang ulo ko sa mga nabasa kong mensahe nila sa akin. Paano naman ako nagkaroon ng pera na sinasabi ni Mama? Halos mamulubi na nga ako ngayon dahil wala naman akong kapera-pera. Kung ano-ano nang mga salita ang sinasabi nila sa akin na wala namang katuturan. Hanggang sa text ba naman ay napakapangit ng mga ugali nila sa akin? Parang sinusuklam nila ako ng husto at kasalanan ko pang nabuhay ako. Ayaw akong lumayas ni Papa, bakit? Dahil ba wala na siyang masasaktan pa dahil wala na ako roon? Bakit hindi niya saktan ang paborito nilang anak na si Via? Samantalang itong si Via ay tuwang-tuwa na umalis na ako. Wala siyang kwentang kapatid. Ni hindi niya rin naman ako itinuring bilang ate niya. Tapos si Mama, galit na galit din dahil lumayas ako. Kahit anong hirap ko sa buhay na ‘to, hindi na ako babalik pa sa bahay na ‘yon. Kahit pa mamatay ako sa kalsada ay ayos lang. Huwag lang mamatay sa loob ng bahay na ‘yon dahil sa p*******t ng aking ama.
Pero kahit na ganoon ang mga natanggap kong mensahe, para bang nabuhayan ako ng loob. May isang mensahe pa pala ako na hindi pa nababasa. Agad ko naman ‘yon na tiningnan.
From: Unknown Number
- Good day, Miss Ruth! This is a message from Cashland Company. We want another interview with you because we might give you a chance to work with our company. If you’re available, you can come to our company today from 1:00 pm to 5:00 pm. -
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Napatingin ako sa orasan at alas-dose na pala ng tanghali. Sa sobrang pagod ko ay tinanghali na ako ng gising. Mabuti na lang din at sa dulo ako nakahiga, kaya hindi naistorbo ang tulog ko. Mabilis naman ako na tumayo at nag-ayos ng sarili. Papalitan ko na rin ang number ko mamaya at ‘yon na ang ibibigay ko sa Cashland Company.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Sana talaga ay mabigyan ako ng tiyansa na magtrabaho sa kumpaniya na ‘yon. Para naman mabuhay ko pa rin ang sarili ko. Nang maayos ko ang sarili ko ay iniwan ko na muna ang bagahe ko sa locker ko sa sauna. Hindi pa naman tapos ang isang araw ko na renta roon. Mabilis akong sumakay papunta sa Cashland Company.
Dumeretso ako sa lobby at may isang babae na nag-asikaso sa akin. “Do you have an appointment here?” tanong niya sa akin. “I got a message from this company earlier. Here.” Ipinakita ko naman sa kaniya ang mensahe na natanggap ko kanina.
“Oh, you’re Miss Vivian Ruth. Please follow me.”
Akala ko ay pupunta kami sa dating room for interview na napuntahan ko kahapon. Pero sumakay pa kami sa elevator at nagpunta sa fiftheenth floor ng building Bakit naman doon? Ang alam ko ay may mga matataas na posisyon ang mga opisina na nakalagay sa matataas na floor sa isang kumpaniya. Baka naman si Apollo Cash pa ang mag-interview. muli sa akin? Pero bakit naman i-interviewhin pa ako muli, tapos naman na kahapon? Hindi rin naman magbabago ang mga sagot ko kung gano’n pa rin ang mga tanong niya sa akin.
Kumatok siya sa isang may kalakihan na pinto ng isang opisina. Kinabahan naman ako lalo. “Sir, Misss Vivian Ruth is already here,” sambit ng babae. “Come in.”
Narinig ko na naman ang malamig at seryosong boses ni Apollo Cash. Sigurado ako na siya ‘yon dahil hindi ko pa naman nalilimutan ang kaniyang boses. Pumasok na ako sa loob at hindi na rin sumama pa sa akin ang babae. Nakita ko naman na naghihintay na sa akin si Apollo Cash sa kaniyang lamesa. Nanatili naman ako na nakatayo sa harapan niya.
“Good afternoon, Sir,” bati ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa ko. Mabuti na lang at maayos lang din ang sinuot kong damit ngayon, kaya hindi nakakahiya kung tingnan.
“How old are you?” tanong niya sa akin. “I’m twenty-two, Sir.”
“I want to rent you to be my bride.”