BILLIONAIRE 7

1700 Words
December 1, 2021 - Start studying in Cashland University December 4 - Meeting with Apollo’s parents December 5 - Gathering with Apollo’s families and friends December 10 - Interview with the media December 11 - Day of Apollo’s fake proposal to Vivian December 12 - Celebration of the proposal with the family December 20 - Preparing for the fake marriage January 2, 2022 - Target date for the fake marriage “Ito lahat ang schedule ko at ang mga kailangan ko na gawin?” hindi makapaniwala na tanong ko kay Apollo. “As you can see there, you’re schedule is loaded starting next week. So you must prepare yourself.” “How about when I have class on these days? Hindi ako papasok?” “Pwede naman. I owned that university so I can excuse you whenever I want. You can just take special classes if you miss out the lessons on that day.” Grabe naman! Parang nakakahilo naman ang mga nabasa ko. Ngayon pa lang ay pakiramdam ko mapapagod ako ng sobra dahil sa dami ng schedules. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito karami na schedules! Pero sabagay, iisipin ko na lang na trabaho ko na talaga ito. “Okay, noted on this. Iga-guide mo rin naman ako, ‘di ba?” Nang tanungin ko ‘yon ay tumayo na siya at inayos ang kaniyang suot na suit. “No, I won’t guide you. Tiffany will teach you everything and you must learn it. If you make any mistakes on those kinds of events, then that would be a deduction to your p*****t. Moreover, you will face the consequences.” “Ang sungit mo naman. Tinatanong ko lang naman kung iga-guide mo rin ba ako o hindi, bukod sa mga ituturo sa akin ni Miss Tiffany,” reklamo ko pa. Hindi na niya ako nilingon pa at akmang aalis na siya nang muli akong magsalita. "Aalis ka na agad? Ayaw mo ba na mag-dinner muna rito?” alok ko. Baka kasi nagugutom na siya or what, lalo na at mukhang pagod din siguro siya sa trabaho. Hindi naman porket nakaupo lang ang mga CEO ay hindi na sila napapagod. “I don’t accept foods from a nobody.” Napanganga na lang ako sa kaniyang isinagot at hindi na siya pinigilan pa. Napaka-arogante naman ng isang ‘yon. Porket mayaman siya tapos sasabihan niya ako na nobody lang? E ‘di sana hindi ako ang pinili niya na maging rented bride niya kung isang nobody lang pala ako! Hindi ko na lang hinayaan na mag-init pa ang ulo ko sa matapobreng lalaki na 'yon. Nagsimula na akong magluto. Miski ang mga gulay na nasa refrigerator ay mga fresh at nangangamoy mamahalin. Siguro kung sa palengke ay bente lang ang petchay, mukhang sa mga mayayaman ay isang libo na 'yon. Mabuti na lang at matagal na akong natuto sa pagluluto. Masasabi ko na masarap din akong magluto, lalo na at maselan sa pagkain ang pamilya ko. Masiyado silang mapili. Kapag hindi sila nasarapan sa pagkain na niluto ko ay magagalit sila sa akin at pagtitripan na naman ako ni Papa. Tapos susumbatan ako ni Mama na nagsasayang lang ng pera at pagkain. Hindi rin maaari na paulit-ulit ang mga iluluto ko na pagkain dahil nauumay daw sila o 'di kaya ay babanatan ako na, 'Wala ka na bang alam na lutuin bukod sa mga ito?!' Napailing-iling naman ako sa aking sariling mga naiisip. Bakit ko pa ba iniisip ang mga tao na 'yon? Sigurado naman ako na masaya na sila ngayon na wala na silang sakit pa sa ulo. Si Vea lang naman talaga ang paborito nilang anak. Simula pa noon ay pinaparamdam na nila sa akin na hindi naman ako nararapat sa kanilang pamilya. Ayos na rin na bumukod ako, lalo na at nasa tamang edad na rin naman ako para humiwaay sa mga magulang. Simple lang ang mga iniluto ko dahil hindi maaaring manaba ako sa kakalamon. Kailangan ko na lalo na alagaan ang aking pangangatawan. Marami akong ginawa sa unit ko. Sinulit ko ang unang araw ko roon hanggang sa napagod na ako at nakatulog. Kinabukasan ay nagising ako na may tumatawag sa bagong phone ko. Tiningnan ko naman kung sino 'yon. Hindi ko akalain na may numero na rin pala na nakasalpak doon. Incoming Call from Handsome Billionaire... Kumunot naman ang noo ko nang makita ang pangalan ng tumatawag sa akin. Sigurado naman ako na siya ang naglagay ng kaniyang pangalan dito. Ang bigat naman ng iphone 13 pro max na ito. Hindi ako sanay na ganito kalaki ang aking phone. Ang dati ko namang phone ay itinago ko na at nakapatay, para na rin 'di na ako ma-contact ng pamilya ko. Umayos naman ako ng upo sa kama saka ko sinagot ang tawag. "Hmm?" "I will give you thirty minutes to fix yourself." "Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?" nagtataka na tanong ko. Wala naman siyang nabanggit sa akin na may schedule kami ngayong araw. Tiningnan ko pa ang orasan at alas-otso pa lang ng umaga. Gusto ko pa sanang matulog sa malambot na kama ko dahil napuyat din ako kagabi sa kakanood sa malaking TV screen sa loob ng kwarto ko. "We have to practice." Hindi na ako nakasagot pa dahil mabilis na niyang pinatay ang tawag. Inis naman ako na tumayo mula sa kama ko. Kainis naman! Ang sarap pa ng tulog ko, e! Pinatay ko na muna ang aircon saka dumeretso na sa banyo upang maligo. Nang matapos ako ay naghanap na ako ng isusuot ko. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, kaya hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na isuot. Mabuti na lang at nakatanggap ako ng text mula kay Tiffany. From: Secretary Tiffany The driver will fetch you outside the condo. He will be there in ten minutes. To: Secretary Tififany Saan ba ang punta namin ngayon ni Mr. Apollo? Wala kasi siyang nasabi sa akin, kaya hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. From: Secretary Tiffany You will have a proper breakfast together to practice on how you guys will act. Nagpasalamat naman ako sa kaniya saka mabilis nang inayusan ang sarili ko. Nakakita ako ng isang round neck bowknot decorative button skater dress na kulay blue at long sleeves. Kulay itim naman ang ribbon na nakalagay sa waist ko. Bagay na bagay ito para sa isang breakfast date. Marunong din naman ako kapag dating sa mga styles ng damit. Tapos ay kumuha lamang ako ng isang itim at maliit na purse bag. I also wore 2-inches pointed heels only. Kahit na hindi ako masiyadong sanay sa heels, pero kaya ko naman na ilakad ng ayos. Light make-up lang din ang nilagay ko sa aking mukha, saka hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at natural brown na buhok ko. Medyo kulot ito sa dulo, kaya hindi ko na kailangan pang ayusin. Kinuha ko na ang aking phone saka nag-text sa driver na pababa na ako. Sakto lang din ang dating ko sa baba dahil naroon na ang driver ni Apollo. Sumakay ako sa likuran saka tahimik lang na nasa biyahe. Nakarating kami agad sa isang fancy restaurant na ang pangalan ay Gramercy Tavern. Namangha pa ako sa kakaibang ganda nito na para bang nasa bansa ako ng Korea. Sa labas pa lang ay makikita ko nang hindi ito katulad ng mga restaurant na nakikita ko noon. Grabe, sa mga ganitong lugar pala kumakain ang mga mayayaman! Inalalayan ako ng driver na lumabas ng sasakyan saka sinabi sa akin kung nasaan ang pwesto ni Apollo. Pumasok na ako sa loob at kaunti lang naman ang mga naroon. Maganda rin ang ambiance ng lugar. Nakita ko naman si Apollo na umiinom ng kape at nakatutok sa kaniyang ipad na hawak. "Hello?" nahihiya na sambit ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya ia-approach. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa saka siya ngumiti at tumayo. Tinulungan niya ako sa aking pag-upo, kaya nakakapagtaka. "You're gorgeous today, my love," sambit niya. Oh, gosh! Simula na ba ang aming pagpapanggap ngayon? Akala ko naman ay practice pa lang. "Start acting now. There's a media outside watching us," mahinang sambit niya sa akin saka siya bumalik sa kaniyang upuan. Dahil marunong naman ako na makiramdam ay sinimulan ko na rin ang pagpapanggap. "Thank you, love! I just simply prepared for our morning date today." Nagtawag naman siya ng waiter saka nagulat pa ang waiter nang makita ako. Si Apollo na ang nagsabi ng mga orders namin. Mabuti na lang at siya na ang nagsabi dahil wala naman akong alam sa mga pagkain sa ganitong lugar. "The food here is extremely delicious. I think you would love them." "I will love them, of course. Especially since you were the one who brought me here, love." Nagsisimula pa lang kami na naghaharutan, pero ito namang si Apollo ay ngiting-ngiti na sa akin. Hindi mapagkakaila na ang gwapo niya nga talaga. Miski ang kaniyang mga ngiti ay napaka-perpekto. Kung isang normal na babae siguro ako at hindi nagpapanggap ngayon, talaga naman na kikiligin ako sa kaniya. Nakakatunaw ang kaniyang mga ngiti! Nakakalaglag pa nga ng panty! Oh, gosh! Vivian, ano ba naman ‘yang mga iniisip mo? Napakarumi! Huwag mong kalimutan na magpapanggap ka lang ngayon bilang kaniyang girlfriend at soon-to-be mapapangasawa. “I thought you wouldn’t like it here. I kind of hesitated earlier whether to bring you here or not,” sagot pa sa akin ni Apollo. Ngumiti muli ako sa kaniya at bahagya pang pinisil ang kaniyang pisngi. Naramdaman ko pa na medyo hindi niya ‘yon inaasahan. Sorry naman! Nadala lang naman ako ng pag-akto ko ngayon. Parang nararamdaman ko kasi na may mga nanonood na sa amin ngayon dito sa restaurant. Ganito na ba talaga kasikat ang bilyonaryo na ‘to? “Kahit ano na galing sa ‘yo ay magugustuhan ko, Love. Everything you give, you do for me, and so on, ay magugustuhan ko. That’s how I love you.” "The billionaire, Apollo Cash, is having a date now with a gorgeous woman?! Is this for real? Can I have a little interview with you, Mr. Cash? Is she your girlfriend?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD