"Talaga bang kailangan ko pang magsuot ng mga ganiyang klase ng damit?" hindi makapaniwala na tanong ko sa kaniya. Halos mapanganga ako sa nasa harapan ko ngayon. Sobrang gaganda ng mga damit at ang sexy kung tingnan! Pati na rin ang disenyo nito ay sobrang kahanga-hanga. Nagulat pa nga ako sa presyo ng mga damit na 'yon. Pakiramdam ko ay hindi nararapat sa akin na maranasan ang ganitong uri ng buhay. Ngunit nakapirma na ako sa kontrata kaya kailangan ko nang ipagpatuloy itong pinasok ko. Ang galing nga dahil nakahanda na ang lahat ng mga damit at gagamitin ko sa unit na ito. Para bang siguradong-sigurado na si Apollo Cash na papayag ako sa oras na alukin niya ako bilang rented bride niya.
"Kailangan mo nang masanay simula ngayon na suotin ang mga ganitong klase ng mga damit sa araw-araw. Sa oras na inanunsyo na ni Mr. Apollo ang relasyon ninyong dalawa sa publiko ay marami nang mga mata at manonood sa 'yo,” sambit ni Tiffany sa akin. Hindi ko naman inaasahan na ganito nga pala talaga kahirap ang magiging trabaho ko. Akala ko pa naman ay madali lang dahil magpapanggap lang naman ako bilang mapapangasawa ni Mr. Apollo. Pero late ko na naisip na kailangan ko nga pala na baguhin ang buong pagkatao ko. Hindi naman kailangan na baguhin ko ang ugali ko. Babaguhin ko lang ang panglabas ko. Kailangan ko pang masanay na magsuot ng mga mamahalin na damit.
"Sigurado ka ba na kasya sa akin ang mga damit na 'yan? Grabe! Miski ang isang simpleng shirt lang ay sobrang laki na ng halaga. Paano pa kaya itong mga dresses?" kumento kong muli. Ni hawakan ang mga ito ay para bang kinatatakutan ko. Baka mamaya ay bigla ko na lang masira. Kahit gusutin man lang ay nakakahiya. Hindi lang talaga ako sanay na sa isang araw lang ay magbabago na agad ang magiging takbo ng buhay ko. Masiyado ring mabilis ang mga pangyayari. Baka sa oras na ianunsyo ni Apollo ang tungkol sa amin ay magulat ang pamilya ko at kung ano-ano ang isipin tungkol sa akin. Iba pa naman mag-isip ang mga ‘yon. Sana lang ay hindi na nila ako guluhin pa sa oras na mabalitaan nila sa TV kung ano na ang nangyari sa buhay ko matapos kong lumayas sa puder nila.
"Try any of it if you want to know if it fits you or not. But I'm sure na kasya sa 'yo 'yan lalo na at si Mr. Apollo ang pumili ng mga disenyo niyan."
"Wow. Hindi ko akalain na maganda pala ang taste niya pagdating sa mga damit pang-babae. Halatang sanay na sanay siguro siya na mamili ng mga damit para sa babae.”
Marami na sigurong naging babae si Mr. Apollo, kaya magaling na siyang mamili ng mga damit pang babae. Hindi na rin naman ‘yon nakakapagtaka. Sa gwapo at yaman niyang ‘yon? Imposible na hindi siya nagkakaroon ng maraming babae. Bihira na lang sa mayaman ang good boy. Karamihan sa mga mayayaman ay womanizer.
"Nagulat nga ako dahil nagpabili siya sa akin ng sobrang daming mga gamit para sa babae. 'Yon pala ay nakahanap na raw siya ng magiging rented bride niya, which is ikaw.”
Marami pa kaming napag-usapan ni Tiffany. Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin at isang taon na siyang nagtatrabaho bilang sekretarya ni Apollo. Tinanong ko pa nga siya kung bakit hindi siya na-in love kay Apollo, pero kasal na pala siya last year. Gano'n kasi ang mga napapanood ko minsan sa teleserye. 'Yong amo at sekretarya na babae ang magkakatuluyan. Pero baka in reality ay hindi gano'n. Masiyado na yata akong naniniwala sa mga napapanood ko lamang. Kaya akala ko ay gano’n din ang nangyayari sa reyalidad. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na mapapasok ko ang buhay ng mga mayayaman ngayon. Isa lang naman akong dukha na naglayas sa bahay ng mga magulang at muntik nang mamulubi sa daan.
Nang matapos kong sukatin ang mga damit na nakalagay sa walk-in closet sa tabi ng kwarto ko ay nilibot ko pa ang kabuuan ng unit. May tatlong kwarto rin na naroon at nagulat pa ako na pati ang kwarto ko ay ayos na! Ang mas ikinagulat ko pa ay ang paborito kong disenyo ang naroon. "Paano niyo nalaman na ganito ang pinapangarap ko na kwarto?" namamangha muli na tanong ko. Lahat na yata ng mga impormasyon tungkol sa akin ay alam nila. Ang bilis nilang nakakuha ng mga impormasyon tungkol sa akin. Kakaiba talaga ang mga mayayaman. Isang saglit lang ay alam na agad nila ang tungkol sa isang normal na tao na katulad ko.
Puro bulaklak at paru-paro ang disenyo ng kwarto ko. Hindi rin masakit sa mata dahil hindi naman masiyadong marami ang nakalagay na disenyo. Sa walls ay may mga simple and aesthetic paintings. Ang kama ko naman ay black and white ang theme. May mga gamit na rin ako roon at mukhang wala na akong kakailanganing iba pa.
“We dug some information about you, that's why we knew about this. Do you like it?"
"I love it! Hindi pa rin ako makapaniwala na rito na ako titira simula ngayon."
"Sakto rin na makakahabol ka pa sa pasukan this school year dahil kasisimula pa lang naman ng semester. I will enroll you tomorrow in Cashland University at aasikasuhin ko na ang mga papeles at mga gamit mo. Para by next week ay makapasok ka na. What's your course?"
"I took business course before and I still want to continue that."
"I hope to work with you soon in Cashland Company, Vivian."
"You can just call me Viv, for short." Tinanguan niya lang ako saka naglibot pa kami sa ibang bahagi ng aking unit. "May mga pagkain na sa refrigarators and marami ka na ring stocks ng groceries. Kami na ang bahala na mamili sa oras na ubos na ang mga stocks mo. If you need anything else, don't hesitate to contact me. Then for sure naman ay magaling ka sa english?"
Iniabot niya sa akin ang kaniyang calling card. "Medyo confident naman ako sa english ko and I can communicate with others well using english language. Why?"
"That's good to hear. I also think that you're a smart woman. Mas maganda na maghanda ka na ngayon. Huwag mong kakalimutan ang mga naituro ko sa 'yo kanina. Bago ka rin naman pumasok sa Cashland University ay tuturuan kita kung paano ang tamang pagkilos ng mga mayayaman. I will come here everyday. So for now, please rest."
"Kailan ba ako ipapakilala ni Mr. Apollo sa publiko?"
"Mr. Apollo will be the one to discuss those topics to you. I think bibisitahin ka niya rito anytime that he wants, so always expect him to come para prepared ka."
Matapos niya akong bilinan ay naggpaalam na siya na aalis. Nang makaalis na siya ay tahimik na ang bahay. Tiningnan kong muli ang buong paligid. Hindi pa rin ako makapaniwala na rito na ako nakatira. Samantalang kagabi lang ay sa matigas na sahig ng sauna lang ako nakahiga. Ngayon ay sa napakalambot nang kama ang hihigaan ko.
Binuksan ko naman ang malaking TV na para bang nasa cinehan ako sa salas. Para lang magkaroon ng ingay dito sa unit ko. May katuturan din pala ang paglalayas ko sa bahay namin dahhil nabiyayaan ako ng ganito kagandang tahanan. Ayos nang mag-isa lang ako. Ang mahalaga sa akin ay tahimik na ang buhay ko at wala nang mananakit pa sa akin.
Napagdesisyunan ko na mag-shower muna. Hindi naging maayos ang pagligo ko sa sauna kanina kaya magsha-shower muna ako ngayon bago magluto para sa dinner. Nilakasan ko naman ang volume ng TV upang marinig ko ang pagpapatugtog ko. May banyo kasi sa baba at may banyo rin sa itaas sa loob ng kwarto ko. Pero mas gusto ko na rito muna ako sa baba mag-shower. Pati ang loob ng banyo ay napakaganda. Kumuha ako ng isang tuwalya saka dumeretso na sa loob ng shower area na may harang pang glass wall. Nag-relax muna ako ng kaunti sa bathtub.
Dinadamdam ko ngayon ang pagiging mayaman ko, kahit na bayad lang naman ang lahat ng ito. Napapaisip tuloy ako ngayon kung ano ang dahilan at nangailangan pa ng rented bride si Apollo imbis na maghanap na lang siya ng babaeng mamahalin niya. Hindi ko alam kung sasabihin ba niya sa akin 'yon o hindi, pero susubukan ko pa rin na tanungin. Sa tingin ko naman ay deserve ko 'yon na malaman. Wala rin naman sa kontrata na hindi ako pwedeng magtanong sa kaniya tungkol sa mga personal na bagay.
Nang matapos na ako sa pagsha-shower ay kinuha ko na ang towel ko at ibinalot 'yon sa aking sarili. Dahil wala naman akong kasama rito sa bahay ay ayos lang kahit naka-towel lang ako na maglakad-lakad dito. Ngunit nang lumabas ako sa banyo ay hindi ko inaasahan ang aking makikita.
"WAAAHH! OH, GOSH!" gulat na sigaw ko nang makita si Apollo na prenteng nakaupo sa sofa. Walang emosyon naman niya ako na tiningnan mula ulo hanggang paa ko. Mabilis ko naman na tinakpan ng mabuti ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! "P-Paano ka nakapasok agad dito at hindi ko man lang narinig?" tanong ko sa kaniya.
"I have a spare keycard. I can come in here anytime I want. Tiffany didn't told you about that?"
"Sinabi niya sa akin pero hindi ko naman inaasahan na papasok ka mismo sa loob ng unit na 'to nang wala man lang pasabi sa akin. Lalo na ngayon na kakatapos ko lang sa pagsha-shower." Tinago ko pa ang sarili ko nang kaunti sa pinto ng banyo upang hindi niya makita ang katawan ko.
"Your speaker is too loud and also the water inside the bathroom, that's why you didn't hear me entered this unit. Besides, I am not even interested with your body. So why bother covering them?" masungit pa na sagot niya. Aba, ang yabang naman nito! Porket isa siyang napakayaman na lalaki ay para bang nilalait na niya ako ngayon. Maganda rin naman ang katawan ko at may korte!
"Bakit ka ba narito? May mga pag-uusapan na ba tayo tungkol sa mga dapat kong gawin?"
"We can talk when you're done fixing yourself. Go to your room now and get dress."
"Pumikit ka muna para makadaan ako riyan," utos ko. Lalaki pa rin siya 'no! Tsaka may kalakihan ang mga hinaharap ko at hapit na hapit sa akin ang tuwalya na suot ko, may kaiksian pa. Kahit papaano ay conservative ako sa sarili ko lalo na at hindi ko pa naman lubusan na kilala ang lalaki na ito. Baka mamaya ay r****t pala siya at may balak siya sa akiin--
"Whatever you're thinking right now, stop it immediately. As I have said earlier, I am not interested on you nor your body. So stop imagining things." Inirapan ko naman siya. "Kahit na! Lalaki ka pa rin. E ano naman kung isa kang bilyonaryo? Hindi lahat ay madadaan sa pera. Ayoko pang mawala ang virgi--"
"Fine! Fine! I'll close my eyes now, so stop talking. Satisfied?" inis na sagot niya sa akin saka niya ipinikit ang kaniyang mga mata. Natawa naman ako dahil sa kaniyang reaksyon. Pero mas ayos na rin na sumunod siya sa akin. Mabilis naman na kinuha ko ang tsinelas ko na pang-bahay saka nagmamadali na nanakbo paakyat sa aking kwarto.
Binilisan ko na lang ang pag-aayos ko sa aking sarili dahil baka mamaya ay mainip pa siya sa kahihintay sa akin. Nang matapos ako ay agad na rin akong bumaba. Wala na akong nilagay pa na kahit na ano sa mukha ko dahil natural naman ang ganda ko.
"Ano ba ang pag-uusapan natin ngayon?" tanong ko at nakaupo na kami sa sofa. Binigay naman niya sa akin ang bagong phone at isa na namang folder.
"Simula ngayon ay 'yan na ang phone na gagamitin mo at nakalagay naman sa folder ang mga dapat mong gawin sa mga susunod na araw."