BILLIONAIRE 16

2000 Words

Dahil nga pumayag ako na makipagkaibigan din kay Jezreel ay siya ang kasama ko ngayon na kumakain ng lunch sa mamahalin na restaurant dito sa mini mall. Well, wala naman yatang murang restaurant dito at lahat ay mamahalin. Hindi naman ibig sabihin na pumayag akong makipagkaibigan sa kaniya ay may tiwala na agad ako sa kaniya. Kailangan ko pa rin siyang kilalanin. Lalo na at wala talaga akong tiwala sa ugali ng mga mayayaman. Ang taray niya kaya kahapon, kaya mas mabuting kilalanin ko muna siya bago tuluyang magtiwala sa kaniya. Ayos na rin naman ngayon na may nakakasama ako rito sa C.U. Para naman hindi ako magmukhang loner kahit papaano. Nailibot na ako ni Jezreel sa loob ng mini mall. Kahit na nailibot naman na ako rito kahapon ni Apollo ay mamamangha pa rin ako sa bawat sulok at disen

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD