[Ayane's pov] Kinabukasan ay maaga ako pumasok para sana kausapin si Kyo tungkol sa gaganaping contest. Ngunit kahit katabi ko lang siya ay hindi ko magawa ibuka ang aking bibig para kausapin siya. Nasanay ako na siya ang unang magsisimula ng aming usapan at sumasagot lang ako sa mga tanong niya sa akin. Siguro hihintayin ko na lang na tanungin muli niya ako na sumali sa kanilang banda. Tapos mangkukungwari na nakulitan sa kanya kaya papayag ako sa huli. Ngunit lumipas na ang aming dalawang klase namin pero wala pa ring nangyayari. Hindi kaya nakahanap na sila ng ibang miyembro? Napanguso ako sa ideyang iyon. Kung kailan pa naman na pumayag si Kuya Ryo saka magkakaganito? Pinagdutdit ko ang mga hintuturo ko at pasimpleng tumingin sa direksyon nila. Napakunot ako ang noo nang ngayon k