[Ayane's pov] Napapailing ako ng ulo tuwing naalala ko ang sinabi ni Kuya Ryo kagabi. Talagang naisip niya na baka maging boyfriend ko ang isa sa Keegan? Imposible naman mangyari iyon. Ang kinilalang itsura ko pa lang ay paniguradong hindi nila papatulan. Paglingon ko kay Kentou at agarang napakunot ang noo ko nang mapansin na nakatulala siya sa kawalan. Ano kaya nangyari sa kanya? Binalingan ko ng tingin ang dalawang kaibigan niya para ipaliwanag ang nangyari kay Kentou. "Malala na ang sakit ni Kentou" natatawang panimula ni Kyo nang mapansin ang tinging binibigay ko sa kanila "paano ba naman nalove at first sight kagabi" bulong pa ni Kyo sa akin "Eh?!?" gulat na gulat kong sambit "Ang masaklap ay umulit muli ang nakaraan" naiiling iling na sambit ni Naru "dahil ang karibal niya sa