[Ayane's pov] Pagkauwi ko sa aming mansyon, bumungad ang isang ginang na eleganteng elegante habang sumisipsip ng kanyang mamahaling tsaa. "g-g-grandma?" gulat na gulat kong sambit nang makilala siya Agarang lumapit sa akin si grandma "there you are my Baby Ayane" masayang sabi niya saka ako inipit ng isang yakap at tinadtad ng halik sa aking mukha Hindi nagtagal ay bumitaw siya sa kanyang pagyakap at kinulong ang aking mukha sa kanyang mga palad "Baby, nandito si grandma para samahan ka muli rito sa mansyon niyo" malambing na sabi niya "kaya huwag ka na muling malulungkot" Napangiti ako "okay lang po ba ang bumayahe kayo?" nag-aalalang tanong ko Napaiwas ng tingin sa akin si grandma. Umupo muli siya sa kanyang kinauupuan kanina at saka sumipsip muli sa kanyang tsaa. Naghalukipkip a