[Ayane's pov] Tahimik lang kami kumakain ni Kentou. Pagkatapos ng kanyang sinabi ay hindi ko malaman kung ano ang dapat i-reak ko. Hindi ko rin alam kung paano ko dapat iinterpret ang mga sinabi niya. Natigil kami sa aming pagkain ng malakas na tumunog ang aking phone. Tumingin ako kay Kentou muna bago tinignan kung sino ang tumatawag. Tumango naman si Kentou bago nagpatuloy sa kanyang pagkain. Pagkatingin ko sa aking phone, nanlaki ang mga mata ko ng makita na si grandma ang tumatawag. Nanginginig pa ang kamay ko nang sinagot ang tawag "h-h-hello?" kinakabahang bungad ko (where are you, Baby Ayane? Bigla ka na lang raw nawala) nag-aalalang sabi ni grandma Napakagat labi ako saka tumingin muli kay Kentou "ah ano kasi grandma..." bulalas ko pero hindi alam ang dapat sabihin Paano ko