Chapter 17

2132 Words
Mula sa pagkakapikit ay nagmulat muli ng mga mata si Atasha. Nag-aagaw na ang kanyang antok at diwa ng muling bumukas ang pintuan ng kanilang silid ni Juaquim. "Akala ko ba maagap pa ang breakfast meeting mo. Bakit nakabalik ka na naman?" naiinis na saad ni Atasha. Pakiramdam kasi niya ay hindi na talaga babalik ang antok niya dahil sa pang-aabala ni William sa kanya. "I'm sorry. May nakalimutan kasi ako." Napasimangot na lang si Atasha sa isinagot sa kanya ni William. Gusto talaga niyang tuktukan ang lalaki. Sa halip na tulog na siya, ayon at inaabala talaga nito ang diwa niya. "Ano na namang nakalimutan mo? Pag ako talaga sumama nang tuluyan ang pakiramdam dahil sa naudlot kung pagtu---." Natigil sa pagsasalita si Atasha ng lumapit si William sa pwesto niya at dumukwang kay Juaquim. Napalunok si Atasha sa ginawa ni William kay Juaquim. Habang tulog na tulog ang anak sa kanyang tabi ay hinalikan nito sa pisngi ang anak ganoon din sa noo. "Aalis na ako," wika pa ni William. "Anong nakalimutan mo?" "Ayon lang. Ewan ko. Hindi ko maipaliwanag. Palabas na ako ng condo ng maalala ko si Juaquim. Tapos parang ang bigat ng pakiramdam ko. Kaya bumalik ako para halikan ang anak mo. Siguro part ng pagpapractice bilang isang ama? I don't know. Basta ewan. Ang hirap ipaliwanag eh. Totoo na male-late na akong talaga. Aalis na ako," paalam pang muli ni William at dinampian pa ng isang halik sa noo si Atasha. Napamaang na lang siya habang nakatingin sa nakasaradong pintuan. Hindi niya mapaniwalaan na ang nakalimutan lang ni William kaya ito bumalik sa kanilang silid ay ang paghalik sa kanyang anak. Doon hindi na napigilan ni Atasha ang muling maiyak. Kung gising lang ang kanyang anak ay siguradong matutuwa ito ng labis. Sabi nga ni Juaquim masaya na siyang maranasan na minsan ay magkaroon ng isang ama kahit hindi totoo. Kahit kunwari at karanasan nga lang ay masaya na ito. Hindi man alam ni William na ang ipinapakita nito ay katuparan sa pangarap ng anak. Ay labis na siyang nagpapasalamat sa binata. Ang maliit na detalye ng karanasang iyon ay masasabing kayamanan na hindi kailanman mawawala sa puso at isipan ni Juaquim. Na minsan sa buhay ni Juaquim ay nagkaroon ito ng kunwaring ama na hindi talaga niya maiibigay sa anak. "Thank you William. Kahit sandali, kahit hiram. Salamat sa ipinaparamdam mo kay Juaquim," bulong ni Atasha at hinalikan din ang natutulog na anak. Napatingin naman si William sa relong suot niya. Alam niyang maagap pa, ngunit alam niyang maagang darating ang bisita niya sa kompanya. Kaya naman napapabuntong-hininga na lang siya sa trapik na nakakasagupa niya kaagad. Habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada ay tumunog ang cellphone ni William. Doon bumungad sa kanya ang pangalan ng kanyang sekretarya. "Yes Maria!" "Sir nasa opisina na po ang sekretarya ng AC Trading." "I'm sorry Maria, medyo naipit ako sa trapik. Kumusta ? Hindi ba naiinip? Malapit na ako kung hindi lang talaga trapik. Lahat ng nais niya ay ibigay mo." "Naku hindi naman po sir. Pinapasabi lang po niya huwag daw po kayong magmadali. Masyado lang daw po siyang maagap. Bali nagrerequest lang po siya sa akin ng empanada. Masarap daw po iyong sa Empanada House sabi ng boss daw po niya. Magpapaalam lang po ako sa inyo na iiwan ko po muna siya saglit." "No need Maria, malapit lang ako doon sa sikat na bilihan ng empanada. Pakisabi na lang na ako na lang ang bibili." "Noted sir. Bali nakaloudspeaker po ako," ani Maria ng marinig ni William ang boses ng isang lalaki. "Thank you Mr. Del Vechio. Pasensya na. Sabi kasi ng boss ko masarap daw ang empanada sa tindahan malapit sa kompanya mo. Uutusan ko sana ang sekretarya mo. Lalo at hindi ko alam kung saang parte iyon." "Don't worry Mr. Martin nauunawaan ko. Ako na ang bahala malapit na ako doon." Ilang minuto pa at narating na rin ni William ang Empanada House na sinasabi ni Mr. Martin. Bibili lang sana siya ng dalawang kahon ng bigla niyang maalala si Atasha. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit bigla na lang pumasok sa isipan niya na magugustuhan iyon ng dalaga. Kaya naman tatlong kahon na ang binili niya. Pagkarating niya sa opisina ay ibinigay niya kaagad kay Maria ang isang kahon na pasalubong niya kay Atasha. Na sinabi na lang niyang iuuwi niya iyon sa bahay. Hindi maaaring may makaalam ng tungkol kay Atasha. At ang dalawa ay ipinahanda niya para kay Mr. Martin. Ang AC Trading ang isa sa inaasahang investor ni William para sa pagpapalawak ng kanyang kompanya sa ibang bansa. At sa inilatag niyang proposal ay nagustuhan naman ito ng may-ari ng kompanya. Bagamat hindi man lihim ang pagkatao ng CEO ay hindi ito nakikipag-usap kahit kanino. Palaging ang sekretarya lang nitong lalaki ang palaging nakakasalamuha nila. Ngunit kahit ganoon. Masaya si William na naaprobahan ang proposal niya. "Mr. Martin," ani William ng makapasok siya sa conference room. Naroon si Mr. Martin at ang iba pang board members ay isa-isa na ring nagsisidatingan. Nasa lamesa na rin ang pagkaing nakahanda para sa umagang iyon. Matapos maihayin ni Maria ang isang kahon ng empanada ay ibinigay naman niya ang isang kahon para kay Mr. Martin." "Thank you Mr. Del Vechio. Ayon kasi kay boss dapat matikman ko ang empanada na ito na ipinagmamalaki niya. Paborito daw kasi nila ito ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya na matagal na niyang hinahanap. Tuwing magkasama daw sila noon, palaging nagpapabili daw ito ng empanada. Ngunit ngayon hindi na alam ni boss kung nasaan ito. At hindi rin alam ni boss kung gusto pa rin ba daw ito ng taong iyon," paliwanag ni Mr. Martin. Napatango na lang si William, ngunit may kung anong lungkot siyang naramdaman tungkol sa may-ari ng AC Trading at sa taong hinahanap nito. Hindi naman siya makapagtanong kung sino ang taong nawawala sa buhay ng CEO ng AC Trading. Lalo na at hindi mismo kaharap ang may-ari. Syempre kailangan pa ring igalang ang privacy nito. "Tama si boss masarap nga," ani Mr. Martin ng matikman ang empanada. Nagdatingan na rin ang mga hinihintay. At habang kumakain sila ay pinag-uusapan nila ang mga plano sa expansion ng kompanya sa ibang bansa. Pagkatapos ng ilang talakayan, at mga paliwanag ay nagkapirmahan na sila. Si Mr. Martin, bilang kinatawan ng AC Trading ang naglagay ng seal ng kompanya sa papel ng pagpapatibay ng kasunduan. Bilang isa sa investor sa pagpapalawak ng kompanya ni William. "Thank you Mr. Martin." "Kinatawan lang ako. Ngunit nagpapasalamat ako sa magandang proposal. Although approved na iyon ni boss. Pero talagang masasabi kong maganda. At thank you dito sa empanada. Aalis na rin ako. Hahabulin ko pa ang flight ko ng eleven thirty. Ipapasalubong ko ito kay boss," ani Mr. Martin at itinaas pa ang kahon ng empanada. "Ganoon ba? May nabili pa akong isang kahon. Maaari mo din iyong dalahin Mr. Martin." "Talaga? Hindi ba nakakahiya na?" "Pagpapasalamat ko na rin Mr. Martin at sa may-ari ng AC Trading." "Kung ganoon ay hindi ko na tatanggihan. Thank you Mr. Del Vechio." "My pleasure Mr. Martin." Ipinakuha na lang ni William kay Maria ang kahon ng empanada na ipinatago niya dito at ibinigay niya kay Mr. Martin. Nagpasalamat naman ang huli bago tuluyang umalis. "Maria, pwede bang ibili mo ulit ako ng empanada." Napakunot noo naman ang kanyang sekretarya. "Sir, empanada ulit? Akala ko kaya mo binigay kay Mr. Martin dahil ayaw mo na. Pero nagpapabili ka ulit." "Yeah alam kong magugustuhan iyon ni Atas--." Natigilan naman bigla si William. "Sir sino pong makakagusto?" tanong ni Maria ng titigan siya ng masama ng boss niya "Susunod ka o susunod ka?" "Syempre naman po sir susunod trabaho eh," ani Maria at mabilis na lumabas sa cubicle nito. "Moody talaga ni boss." Dinig pa ni William na reklamo ni Maria kaya nailing na lang siya. Bumalik na si William sa opisina niya. Sa buong durasyon ng pagtatrabaho niya ay palaging sumasagi sa isipan niya si Atasha. Parang sobrang ganado siyang magtrabaho. Noon pa man ay hindi niya kinatamadan ang pagtatrabaho. Ngunit ibang-iba ang pakiramdam niya ngayon. Hindi ganoon ang nararamdaman niya noong kasama pa niya si Teresa. Normal na magtrabaho dahil may kompanya siyang pinapatakbo. Pero ngayon. Saglit na natigilan si William sa itinatakbo ng isipan niya. "Tama lang na maging ganado ako sa trabaho dahil sa anak ko. Wala ng iba." Pilit na iwinawaksi ni William ang nararamdaman niya. "Anak lang ang nais ko kay Atasha. Iyon lang talaga," pangungumbinsi pa niya sa sarili. Ipinagpatuloy na lang ni William ang ginagawa. Hanggang sa dumating ang gabi. Paalis na sana siya ng opisina ng maalala niya ang ipinabili niya kay Maria. Iyong isang kahon ng empanada at nagpabili na rin siya ng hilaw na mangga na ipinagtaka pa ng sekretarya niya. Mabuti na rin at hindi na ito nagtanong pa at sumunod na lang. Pagdating ni William sa may parking lot ay dumating naman ang food delivery ng burger na nais ni Atasha. Naging mabilis lang naman ang byahe ni William sa mga oras na iyon lalo na at walang trapik. Pagbukas pa lang niya ng pintuan ay bumungad kaagad sa kanya si Juaquim. Isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng makasama niya sa condo niya ang mag-ina. Ngunit tuwing maagap siyang nakakauwi at gising pa si Juaquim ay walang mintis ang pagyakap nito sa kanya at paghalik sa pisngi pag-umuuwi siya. Pakiramdam niya ay nagkaroon kaagad siya ng anak sa katauhan ni Juaquim. Kahit ang totoo ay nasa sinapupunan pa ng ina nito ang kanyang anak. "Ang mommy mo?" "Nagluluto po." Iniwan muna ni William si Juaquim sa salas at tinungo ang kusina. "Magandang gabi dragona," nakangiting saad ni William sa nakatalikod na si Atasha. Nabitawan naman ng huli ang sandok na hawak nito. "Bakit ka ba nanggugulat," paiyak ng saad ni Atasha ng mapaso siya. "Hindi ko sinasadya." Kaagad namang ipinatong ni William sa lamesa ang mga pasalubong niya kay Atasha at dinaluhan ang dalaga. Nakaramdam naman siya ng pagkahabag kay Atasha ng mapansin ang paso nito sa may braso. "I'm sorry Atasha, hindi ko naman akalaing magugulat ka." "Tinitikman ko lang naman kung luto na ang ulam ng magsalita ka!" pasigaw na saad ni Atasha. "Kaya nga nagso-sorry ako di ba?" "Sorry pero bakit galit ka! Nagsusungit ka na namang masungit ka!" Hindi na napigilan ni Atasha ang mga luha niya. Wala naman talagang dapat iiyak, pero umiiyak siya. Dala na rin siguro ng pagbubuntis niya kaya naman para siyang papaya. Kaunting sabi, kaunting kanti ay naiiyak na lang palagi. "Nag-aaway po kayo?" Mula sa bungad ng kusina ay sabay na lumingon sina William at Atasha ng marinig nila ang boses ni Juaquim. "Hindi anak." "Pero bakit ka umiiyak mommy." "Hindi kami nag-aaway ng mommy mo Juaquim," sagot naman ni William. "Pero bakit po parang nagsisigawan po kayo? May luha pa sa pisngi ang mommy ko?" "Napaso ang mommy mo," paliwanag ni William. Totoo naman iyon. Ngunit alam ni William sa sarili niya na hindi dahil sa paso sa braso nito kaya umiiyak ang dalaga. "Kukuha po ako ng gamot," mabilis na saad ni Juaquim at tumakbo palabas ng kusina. "I'm sorry," hinging pa ring paumanhin ni William kay Atasha. Hinawakan niya ang mukha ni Atasha at pinalis na ang mga luhang dumaloy sa pisngi nito. Mula sa pagkakahawak ni William sa pisngi ni Atasha ay bigla na lang siyang napalunok ng madako ang kanyang paningin sa labi ng dalaga. "A-Atasha," nauutal pang saad ni William. Hindi naman malaman ni Atasha kung sa mata pa ba ni William siya nakatingin o sa labi nitong parang inaakit siyang halikan ito. Napalunok siya ng mapansing ilang sentimetro na lang ang layo ng labi ng binata sa labi niya. "W-William." Dahan-dahang ipinikit ni Atasha ang mga mata ng maramdaman ang mabango at mainit na hininga ni William na tumatama sa kanyang mukha. Hindi niya maipaliwag ngunit pakiramdam niya ay hinihintay talaga niya ang halik ito. "Gawa ba ng dinadala ko ang anak niya?" tanong ni Atasha sa isipan. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang labi nitong nakalapat na sa labi niya. May kung anong kilabot na naramdaman si Atasha. Kilabot na nagpatugon sa paggalaw ng labi ni William. Hanggang sa pareho nilang sinalubong ng makapugtong halik ang isa't isa. Samantala, natigilan si Juaquim sa pagpasok sa kusina na dala ang gamot na kinuha niya sa silid nilang mag-ina. Ilang beses niyang tinawang ang mommy niya at ang Tito William niya ngunit hindi naman siya sinasagot ng dalawa. Nakatitig lang sa isa't isa ang mga ito. Kaya sa halip na abalahin ang dalawa ay iniwan na lang niya ang gamot sa may lamesa. Mabilis namang bumalik sa salas si Juaquim ng marinig na nagsisimula ng muli ang pinapanood niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD