Pareho silang naghahabol ng hininga habang magkadikit ang kanilang mga noo. Hindi pa rin maunawaan ni Atasha kung bakit tinugon niya ang halik ni William na alam naman niyang walang ibig sabihin. Maliban sa nagustuhan niya ang lasa ng labi nito.
Gustuhin man niyang tutulan ang halik nito dahil iyon ang tama at isinisigaw ng isipan niya. Ngunit traydor ang labi niyang, wari mo ay nasabik sa halik na iyon. Gayong maliban sa lalaking siyang ama ni Juaquim ay ngayon lang may nangahas na halikan siya sa labi.
"Atasha," tawag ni William sa pangalan niya.
Hindi niya magawang sumagot. Gulong-gulo ang isipan niya. Alam niyang mali ngunit tumugon siya sa halik nito. Hindi niya malaman kung ano ang iniisip ng binata sa kanya.
Bigla na lang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang takot na kanyang nadarama. Takot na baka isipin ng lalaki na, pinatunayan lang niyang mababang uri siya ng babae. Babaeng bayaran, kahit ganoon naman nga ang tawag sa kanyang nagbenta ng matres para sa pera.
"W-William."
Matapos ang araw na mailipat noon ng ospital si Juaquim ay masinsinang kinausap siya ni William. Nang araw ring iyon ay ibinigay sa kanya ng binata ang kontratang sinasabi nito.
"Ano ito?"
"Kontrata."
"Alam ko. Anong gagawin ko dito?"
"Malamang babasahin mo. Ano sa palagay mo? Ididisplay," sagot ni William na ikinasimangot niya.
"Oo na. Nagtatanong lang naman eh. Ang sungit mo talaga. Okay number one."
"Can you read it in silence?"
"Hey! May bibig ako kaya karapatan kong magbasa ng malakas. Isa pa hindi ako mute para magbasa ng tahimik."
"Fine! Just read it," inis na saad ni William na ikinangisi naman ni Atasha.
Masarap talagang asarin ang lalaki. Lalo na at asar talo talaga ito.
"Okay mga nangunguna sa mga kaartehan mo."
"Wait! What?"
"Ay ako ang nagbabasa ka wala kang paki sa sasabihin ko. Okay." Nailing na lang si William. Matabil talaga ang dila ng babaeng kaharap.
"Number one, bawal akong ma in love sa iyo? Well wala akong balak magkagusto sa masungit na tulad mo. Ang aking si Juaquim ay sapat na sa buhay ko."
"Well, good."
"Number two. Ang dami naman talagang kaartehan," bulong ni Atasha na abot naman sa pandinig ni William. "No intimacy between us. Ayon lang naman pala. Wala din akong balak. Number three. Let me kiss. What!" ani Atasha na ipinagkibit balikat lang ni William.
"As I said, intimacy lang ang hindi pwede, maliban na lang if you beg for it."
"In your dreams."
"Okay. May nabasa kasi akong pag ang isang babae ay nagbubuntis, normal lang naman magcrave siya sa you know."
"Hindi ko alam. Kasi nagbuntis ako kay Juaquim ay wala naman akong alam sa crave-crave na iyan. Maliban sa madami akong hinahanap na pagkain noon. At sa awa naman ay nakain ko lahat iyon kahit papaano. Maliban sa isa," sagot na lang ni Atasha.
"Okay. Pero iyong nakasulat dyan. Let me kiss you. Dahil gusto kong iparamdam sa anak kong mahal na mahal ko siya."
"Huwag sa labi ah."
"In your dreams."
"Hindi ko pinangarap, masungit na nilalang. Okay number four. The contract will end after a month I give birth to your son. And you will pay of an allowance of one hundred thousand a month within ten months. And a five million total p*****t at the end of contract. Signed by William Del Vechio. Okay deal. Pahiram nga ng ballpen, pipirma na rin ako."
Iniabot naman ni William ang ballpen kay Atasha. Nakatingin lang si William sa dalaga habang pinagmamasdan ang kontrata.
"Mahalin mo ang magiging anak mo William. Walang ibang mas pinakamahalaga sa isang inang iiwan ang anak, kundi ang kasiguraduhan at kaayusan ng magiging buhay nito pag wala na ako sa tabi niya. Hindi ako masamang tao William. Nagkataon lang na may isa pa akong anak na kailangan kong buhayin ng mag-isa."
Kitang-kita ni William ang pag-aalinlangan ni Atasha sa gagawin nito. Ngunit bilang isang ina ay gagawin pa rin nito ang lahat ng makabubuti para sa anak. Kahit pakiramdam nito ay napakasama nitong ina. Isa iyon sa hinangaan niya kay Atasha. Kaya naman mula ng una nilang pagkikita ng dalaga sa bahay nito ay gusto na niyang ito ang maging ina ng kanyang anak. Sa kabila ng katarayan nitong taglay, na sana ay hindi mamana ng anak niya.
"Huwag kang mag-alala. Pangako ko sa iyo, walang ibang mas mahalaga sa akin kundi ang magiging tagapagmana ko. Ang anak ko."
Tumatangong muling pinasadahan ng tingin ni Atasha ang kontrata nila ni William at wala ng pagdadalawang isip na pumirma.
"Close contract," wika ni Atasha.
"Wala ka ng hihilingin?"
"Mahalin mo lang ang anak ko. Dahil totoong anak ko ang dadalahin ko. Sapat na iyon sa akin."
"Okay pangako. But Atasha, a contract is a contract. No feelings attached."
"Yes noted sir! And we sealed it with a bang," ani Atasha ng bigla na lang niyang bigwasan si William na ikinabagsak nito sa sahig.
"What the heck!? Are you out of your mind Ms. Bonifacio?"
"It's normal to seal a contract. And we're not lovers then. We are just an employee and employer here. A punch is much better than any other seal. So the deal is close. Sayonara," ani Atasha at iniwan na si William sa silid na iyon kung saan sila magkausap.
Naiiling na nasundan na lang ng tingin ni William ang dragonang dalaga. Dahil sa amo at ganda ng mukha nito. Ganoon din sa pino ng kilos nito. Ay may nagtatagong dragon sa katauhan nito.
Kahit maayos ang kanilang naging usapan mula ng araw na iyon, ay itinatak ni Atasha sa sarili na walang ibang mahalaga kay William kundi ang anak nito na dadalahin niya. Ngunit bakit siya nito hinalikan sa mga oras na iyon.
"W-William. I'm sorry." Hindi malaman ni Atasha kung para saan ang paghingi niya ng tawad. Dahil sa katunayan ay wala naman siyang ginagawang kasalanan sa lalaki. At ito ang humalik sa kanya at hindi siya. Tumugon lang siya dito.
"Ssh. Wala kang kasalanan. Hindi ako hihingi ng tawad dahil hinalikan kita."
"Dahil ba ang tingin mo sa akin ay babaeng bayaran? Bayaran ang matres," paglilinaw niya.
"Hindi ganoon. Kundi dahil napakaganda mo," hindi mapigilang puri ni William.
Para namang nahinog na kamatis ang pisngi ni Atasha at dahan-dahang lumayo sa binata. Kung hindi pa siya lalayo sa mga oras na iyon ay baka ipagkanulo pa siyang lalo ng kanyang katawan at isipan na naaakit sa binata. Baka siya pa ang kusang humalik ditong muli.
"Atasha."
"Hmm," hindi malaman ni Atasha kung bakit kay lambing ng tugon niyang iyon. Gusto talaga siyang ipagkanulo ng sarili niya. "Nakakahiya," anas pa niya sa isipan.
"Kain na tayo," biglang pag-iiba ni William sa usapan.
"Oh! God!"
Doon lang naalala ni Atasha ang niluluto niya. Hindi niya napansin na buhay pa rin pala ang apoy nito. Kaya naman ang niluto niyang adobo ay halos magmantika na. Hindi naman ito sunog. Ngunit ang sauce ng adobo na gusto niya ay wala na. Naiga na iyon. Masarap pa rin naman. Kaya lang sa oras na iyon gustong-gusto niya ng sauce ng adobo. Lalo na at naalala niyang may pabili siyang manggang hilaw kay William.
"Bakit mo ako hinalikan? Nawalan tuloy ng sauce ang adobo. Iyon pa naman ang gusto ko." Hindi na napigilan ni Atasha ang maiyak.
Nailing na lang si William ng para itong batang naupo sa sahig at ngumuyngoy dahil sa naubos na sauce ng adobo.
"Atasha masarap pa din naman iyan. Isa pa ano bang masama kung walang sauce."
"Alam kong masarap. Paborito nga iyon ni Juaquim. Pero gusto ko ang sauce noon, iyon ang masama. Kasalanan mo ito eh. Kung hindi mo ako hinalikan. Hindi ko iyon makakaligtaan. Wala na, naiga na siya dahil sa iyo!" sisi pa ni Atasha kay William.
Nawala na nga ang tensyon sa kanilang dalawa dahil sa halik na kahit si William ay hindi malaman sa sarili kung bakit niya ginawa. Pero ng matuon ang kanyang mga mata sa labi ni Atasha ay hindi na niya napigilan ang sariling angkinin ang labing iyon.
Alam din niyang may-usapan sila ng dalaga. No string attached, pure contract lang ang mamamagitan sa kanila ng dalaga. Ngunit may kung anong damdamin ang nag-udyok sa kanya na halikan ito. Damdaming kahit noon na alam niya sa sariling mahal niya si Teresa ay hindi napukaw ang damdaming si Atasha lamang ang gumising.
Wala na siyang planong magmahal, mula ng mawala si Teresa. Lalong nawala ang plano niya ng malaman niyang niloko lang siya ng dating kasintahan. Ngunit may kakaiba kay Atasha na pakiramdam niya ay ginigiba ang depensa niya para muling maramdaman ang bagay na akala niya ay nakulong na sa puso at isipan niya, five years ago.
Napahugot ng hangin si William. Mali ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi maaaring mabali ng kung sino man kahit si Atasha pa iyon. Na ang gusto lang niya ay anak at hindi ang katuwang sa buhay.
"Atasha pwede bang tumigil ka na sa pag-iyak. Para kang bata!"
"Sa naiiyak ang tao eh. Ano bang magagawa mo?"
"Mas malala ka pa sa anak mong si Juaquim! Wala ka ng magagawa sa adobo. Iyan na ang nangyari kaya pagtiisan mo na. Kung ayaw mo magluto kang muli. Hindi naman mahirap na ulitin mo na lang ulit ang pagluluto! Wag puro kaartehan Atasha!"
Natigil sa pag-iyak si Atasha ng marinig niya ang pagsigaw ni William sa kanya. Sa buong buhay niya niya iyon pa lang ang ikalawang beses na may nanigaw sa kanya. Una ay noong nagalit ang mga magulang niya dahil nalaman ng mga itong nagdadalangtao siya at walang maipakilalang ama. Tapos ngayon, oo nga at nagkakairingan sila ni William. Ngunit ngayon lang siya sinigawan nito ng ganoon.
Tumayo si Atasha at tinitigan si William ng mata sa mata. Gusto niya itong sigawan ngunit parang bigla na lang siyang nakaramdam ng pagod. Sa halip na magsalita ay naglakad na lang siya at nilampasan ang lalaki.
Pagdating niya sa may lamesa ay nakita niya ang mga dalang pagkain ni William. Ang burger at mangga na pabili niya. Napalunok pa siya ng mapansin ang isang kahon ng empanada.
Noon gustong-gusto niya noon dahil paborito nila iyon ng kuya niya. Ngunit mula ng hindi na niya ito nakasama ay hindi na siya bumili pa noon. Dahil namimiss lang niya ito.
Muli ay nilampasan lang ni Atasha ang lamesa at pumasok sa may salas. Dinaanan niya si Juaquim at inakay papasok sa silid nilang mag-ina.
Nasundan na lang ng tingin ni William si Atasha. Nailing na lang siya. Gusto man niyang humingi ng paumanhin sa dalaga dahil sa inasal at nasabi niya ay hindi muna niya ginawa.
Pagod din siya sa trabaho, tapos ay ganoon pa ang madaratnan niya. Ngunit alam niya sa sarili niyang mali siya, lalo na at nagdadalangtao ito. Masyado itong sensitive.
Niligpit na lang muna niya ang mga ginamit ni Atasha at tinakpan ang niluto nito. Ang mga pasalubong niya sa mag-ina ay inayos na lang din muna niya.
"Atasha." Doon niya napansin ang ointment na nakapatong sa lamesa. Alam niyang si Juaquim ang may dala noon. Pati ang paso ni Atasha ay hindi na niya nagamot.
Matapos sa kusina ay hinayon na rin muna ni William ang kanyang silid. Mamaya na lang muna niya kakausapin ni Atasha pag malamig na ang ulo nito. At humupa na ang inis nito sa kanya.
Eksaktong pagbukas ni Atasha ng pintuan ng kanyang silid ay ang pagsara naman ng pintuan ng kwarto ni William.
Napatingin naman si Juaquim sa ina. "Mommy saan po tayo pupunta?"
Pagkapasok nila ng silid ay binihisan niya si Juaquim. Sa totoo lang ang masama talaga ang loob niya kay William. Gusto niyang makalanghap ng hangin. Kaya naman inaya niya ang anak na umalis. Nagpapasalamat na lang siyang abala ito panonood at hindi napansin ang sagutan nila ni William kanina.
"Doon muna tayo sa Nanay Rosing. Uwi na lang tayo dito sa isang araw. Nagpaalam na naman ako kay Tito William," pagsisinungaling pa ni Atasha sa anak.
"Talaga po? Yehey makakasama natin si Lola Rosing."
"Oo anak, doon muna tayo."
"Thank you mommy. Tayo na po. Namimiss ko na po si lola," ani Juaquim na inakay na rin ni Atasha.
Kasabay ng pagpasok ni William sa kanyang banyo ay ang paglabas ng mag-ina sa kanyang condo.
Habang abala siya sa pag-iisip ng sasabihin kung paano hihingi ng tawad kay Atasha. Hindi niya namamalayang nilayasan na muna siya ng buntis na nagtatampo sa kanya.