Chapter 8

2206 Words
Pagkalabas ni William ng pintuan ng silid ni Juaquim ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Hindi niya alam ang dahilan ng ngiting iyon. Sabi nga walang clue. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa labas ng ospital. Maliwanag na rin naman at umaga na. Hanggang sa magtuloy siya ng parking lot at sumakay sa kotse niya. Hindi niya alam kung saan galing ang magandang mood niyang iyon. Talagang kahit sarili niya ay pinagtatakhan niya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho at tumigil sa isang gusali. Dahil umaga pa ay wala pa gaanong sasakyan ang parking lot ng lugar na iyon. Kahit napakaagap pa ay bukas na iyon. Hindi katulad ng iba na maghihintay ka pa ng alas otso ng umaga. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa loob noon at kumuha ng isang pushcart at nagtuloy sa milk, coffee, biscuit and fruit section. Dumaan din siya sa bilihan ng mga disposable cup, plate, spoon and fork. Nakapila na siya sa counter ng may makita siyang isang set ng laruan. Napangiti siya at dinampot iyon at kasama sa kanyang binayaran. Pagkalabas niya sa grocery ay dumaan naman siya sa isang restaurant at nag-order ng take-out good for three persons. At habang naghihintay ay kumain na rin naman siya. Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa sasakyan. Pagkalapag ni William ng lahat ng kanyang pinamili ay pumasok na rin siya sa driver seat. Akmang bubuhayin na niya ang engine ng sasakyan ng muli niyang balingan ang mga pagkaing pinamili na nakalagay sa back seat. Muli niyang inilibot ang paningin sa lugar kung saan siya naroroon. "Fvck! What happening to me?" bulalas niya. "How do I do these things? Why doesn't it seem like me?" Hindi pa rin niya mapaniwalaang saad. Mangha muli niyang tiningnan ang mga pinamili. Muling inalala ang pamimili niya ng kung anu-anong klase ng gatas, tinapay at kape. Ang pagpila sa cashier ng supermarket. Less the restaurant. Madalas siya sa ganoon. Muling ibinaling ni William ang mga mata sa unahan at nagpakawala ng isang malutong na tawa. Hindi niya mapaniwalaan ang mga ginawa niya sa mga oras na iyon. Hindi siya ang taong pupunta sa grocery para lang mamili ng kung anu-ano. Mayroon siyang inuutusan para gawin iyon para sa kanya. Itatawag lang niya ang mga kailangan niya, and viola. Makalipas ang isa o dalawang oras ay dadalahin na ang mga iyon sa condo niya. Pero ngayon for pete sake! Siya pa talaga ang namili at pumila sa cashier para sa ibang tao. "Ibang tao?" Nailing na lang siya at nagpatuloy pa rin sa hindi mapigilang tawa. Halos hindi na siya makahinga katatawa sa nangyayari sa kanya. Mula ng kumita siya ng sariling pera, pera na ang gumagalaw para sa kanya. Pero ang pagkilos niya ngayon para sa ibang tao. Nakakapanibago, ngunit hindi niya malaman kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Kakaiba at talagang namamangha siya sa damdaming iyon. "Atasha." Napakunot noo naman si William ng wala namang kaabog-abog ay nasambit niya ang pangalan ng dalaga. Nailing na lang siya. Sinulyapan niya ang suot na relo. Alas otso na rin ng umaga. Itinuloy na niya ang pagbuhay sa sasakyan habang pinagtatawanan pa rin ang sarili. Muli siyang nagmaneho pabalik sa ospital. Ilang katok ang narinig nila hanggang sa bumukas ang pintuan. Sumilay ang ngiti ni Juaquim ng makita ang mukha ng kung sino mang kanina ay nasa kabilang panig ng pinto. "Hi po!" bati ni Juaquim sa pumasok. "Kumusta na ang pakiramdam?" "Mas mabuti na po ako ngayon. Salamat po ulit." Doon naagaw ang atensyon Nanay Rosing. "Oh hijo bumalik ka." "Para po sa inyo." Tukoy ni William sa kanyang mga pinamili. "Nag-abala ka pa. Hindi pa nga nagsisimula sa trabaho sa iyo ni Atasha ay napakalaki na kaagad ng utang namin sa iyo. Baka mamaya ay hindi masapatan ng anak ko ang magiging sahod niya sa magiging trabaho niya. itong nagastos namin sa ospital. Alam kong hindi basta-basta, lalo na at napakaganda ng serbisyo dito at napakalaki nitong ospital." Puno ng pangambang saad ng matanda. Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni William. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po iyon kukulang at lalabis pa," makahulugan niyang sagot. "Si Atasha po pala?" "Natutulog pa rin po ang mommy ko." Si Juaquim na ang sumagot. Napakunot noo naman si William ng mula pa alas singko ng umaga hanggang alas otso y media at tulog pa rin si Atasha. Bigla naman siyang nakaramdam ng pag-aalala para sa dalaga. "Para sa iyo?" "Sa akin po? Kaya lang po---." "Huwag ka ng mahiya, nang makita ko iyan. Ikaw talaga ang naalala ko. Kaya magpagaling ka na kaagad," ani William ng ibigay niya kay Juaquim ang nabili niyang laruan. "Salamat po," masayang saad naman ng bata. Matapos maibigay ang laruan kay Juaquim ay binilinan na niya ang maglola na kumain na rin. Mabilis niyang nilapitan si Atasha at pinulsuhan. Normal naman ang pulso nito ngunit nakakapagtaka namang tulog pa rin ito sa mga oras na iyon. Ilang oras na bang tulog ito? Walang paalam na lumabas si William at nagtungo sa nurse station. Paalis na ang nurse na siyang nagsabi na siya ang nagturok ng pampatulog kay Atasha. "Sir may problema po ba?" Bulalas nito ng biglang haklitin ni William ang braso ng dalaga. Gulat din naman ang bumalatay sa mukha ng mga kasamahan nitong sa tingin ni William ay siyang karilyebo nito. "Bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin si Atasha?" may diing tanong ni William na ikinangiti naman ng nurse. "Akala ko naman po ay kung ano na. Five to six hours po ang epekto ng pampatulog na itinurok ko po kay Ms. Bonifacio." Saglit itong tumingin sa suot na relo. "Mamaya lang po ay magigising na rin si maam. At mapapansin po ninyong narefresh po siya. Isa pa po ay makakaramdam po siya ng konteng sakit ng ulo. Painomin lang po ninyo ng paracetamol. Ito po." Ibinigay ng nurse ang isang tableta. "Kahit po hindi pa siya kumakain basta masakit ang ulo paggising niya ipainom po ninyo iyan. Tapos pagkalipas ng ilang minuto at nagugutom po si Ms. Bonifacio at pakainin na rin po ninyo at sure na mawawala na po ang sakit ng ulo niya." Paliwanag ng nurse na ikinahinga ng maluwag ni William. "Pasensya na." "Walang problema sir. Alam ko namang nag-alala ka lang sa girlfriend mo." "Girlfriend ko?" Turo pa ni William sa sarili. "Opo di po ba girlfriend ninyo si Ms. Bonifacio? Sabi po kasi ninyo sa amin kanina na boss kayo ni Ms. Bonifacio. Ganoon naman po ang uso ngayon di ba? Boss ang tawagan pero magkasintahan naman. Sige na po. Malayo pa byahe ko. Duty pa po ulit mamaya." Nasundan na lang ni William ng tingin ang papalayong nurse. Ang mga kapalitan naman nito ay abala na rin sa kanya-kanyang ginagawa. Tumaas na lang basta ang gilid ng labi ni William. Mukhang iba ang interpretasyon ng iba ng magpakilala siyang boss ni Atasha. Sabagay sino nga bang mag-iisip na totoong employee, employer sila kung hindi naman mukhang pangkatulong ang mukha ni Atasha. "Sabagay mukha naman talaga itong boss. Kaya nga talagang nang makita ko ang larawan niya. Inasam ko na rin na siya ang maging ina ng aking anak. Not in a way na nanaisin at iisipin ng iba. Anak lang talaga." Napahugot ng hangin si William at naalala na naman ang maganda at maamong mukha ng dalaga. "Bagay kaya?" Nailing na lang siya at nangiti sa nasambit. "Baliw." Muli siyang bumalik sa silid na inuukupa ni Juaquim. Nakita niyang kumakain na si Nanay Rosing at si Juaquim. "Kain po." "Kain ka na hijo." "Salamat po. Salamat Juaquim busog pa ako. Para talaga sa inyo iyan. Kumain ka ng madami para mas mabilis kang gumaling ng hindi na mag-alala ang mommy mo." "Opo," sagot ni Juaquim at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. "Saan ka nga pala galing hijo?" "Sa nurse station nay. Mamaya pa daw po siguro magising si Atasha." "Salamat naman kung ganoon. Akala ko ay kung ano ng nangyari kay Atasha ng bigla kang lumabas," naisagot na lang ng matanda. Muli ay nilapitan ni William si Atasha. Naupo siya sa pang-isahang upuan na nasa may parteng uluhan ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para haplusin ang buhok nito at alisin ang nakatabong buhok sa mukha ng dalaga. "Ano meron ka at bakit sa tinagal-tagal ng panahon. Parang may kung anong hindi maipaliwanag ang damdamin ko?" tanong ni William sa natutulog na dalaga. Nasa kalahating oras pa ang lumipas ng marinig ni William ang pag-ungot ni Atasha. Dahil sa walang ingat nitong pagkilos ay muntik pa itong mahulog sa sofa kung hindi lang mabilis ang pagkilos ni William at kaagad itong nasalo. "Careful!" bulalas ni William ng alalayan niyang makaupo si Atasha. "Ang sakit ng ulo ko," reklamo nito ng bigla itong mapaupo ng tuwid. "Juaquim! Anak! Nasaan ang anak ko?" gulat na bulalas ni Atasha ng bigla siyang tumayo ng walang pag-iingat dahilan para muli na naman siyang bumagsak. Napahilot na lang ng noo si William sa naging kilos ni Atasha. Kung hindi niya ito nasalo na naman ay baka kung ano na talagang nangyari dito. "Walang ingat!" bulong ni William na ikinagulat ni Atasha. Noon lang pumasok sa isip niya na nasa tabi niya ang lalaki at ito ang nakaalalay sa kanya. Iniupo na lang siya nito sa upuan. "Nasaan ang anak ko? Anong nangyari?" "Tulog ang anak mo kaya huwag kang maingay. Kapapasok lang ng nurse kanina at pinainom ng gamot si Juaquim. At nakakain na rin." Saglit na natigilan si Atasha ng marinig na sambitin ni William ang pangalan ng anak. Bakit parang naiiyak siya sa mga oras na iyon ngunit pinigilan niya. Dahil hindi niya alam ang dahilan. "Kaya huwag kang maingay. Narito tayo sa loob ng pribadong silid ng ospital. Kanina nawalan ka ng malay at nakatulog ka. Anong ginagawa mo sa sarili mo? Paano mo madadala ng maayos ang anak ko kung hindi mo aalagaan ang sarili mo?" singhal ni William, ngunit pabulong para si Atasha lang ang makarinig. "Alam mo namang wala akong mahanap na trabaho di ba? Kaya halos wala pa akong pahinga mula pa noong nakaraan hanggang sa kahapon. Pero huwag ka pong mag-alala. Magagawa ko ang trabaho ko. Kailangan ko lang ng pahinga bago mo ipagawa sa akin." Naiintindihan naman iyon ni William. Hindi lang niya maipaliwanag ang pag-aalalang sumulpot sa kanyang damdamin para kay Atasha. Ganoon din sa anak nitong, kung hindi pa niya ipinagpilitang ilipat sa ospital na iyon ay maaaring napahamak na ito. "Pasensya na," ani William na ikinatango ni Atasha. Nailing na lang si William. Ano bang kasalanan niya at siya pa talaga ang humihingi ng pasensya? Gayong wala naman siyang kasalanan. "Nakakapagtaka," bulong na lang niya sa sarili. "Anong nakakapagtaka?" Pinaningkitan pa ni Atasha ang binata. "Wala sabi ko maganda ka," sagot ni William at mahinang humalaklak. Pinamulahan naman ng pisngi si Atasha. Ngunit alam niyang walang ibig sabihin ang sinabing iyon ni William. "Salamat ha," nakangiti pa niyang sagot para sakyan lang ang sinabi nito. Doon biglang nahinto sa pagtawa si William. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa ngiting iyon. Na kahit kay Teresa ay hindi niya naramdaman. Biglang nakaramdam ng pagkalito si William. Kaya naman agad siyang napatayo. "Kumain ka na lang kaya muna." Natawa na lang si William ng kusang sumagot ang sikmura ni Atasha. "May ipapakain ka naman ba? Makaalok naman." "Anong akala mo sa akin puro lang si alok? Tss," ani William at tinalikuran na siya. "Nay." "Ayan hijo nariyan pa rin sa supot ang pagkain ni Atasha. Marami ulit salamat." "Wala pong ano man." Kinuha ni William ang pagkaing binili niya para kay Atasha. Kinuha na rin niya ang isang bottled water para hindi na ito tumayo pa. "Si Juaquim inay?" "Maayos na anak. Halos hindi na tumataas ang lagnat niya. Bali sinat na lang. Ang oobserbahan na lang ay ang pagtaas at pagbaba ng platelets niya hanggang sa maging normal." "Mabuti po kung ganoon." Akmang tatayo si Atasha sa kinauupuan ng pigilan niya ni Nanay Rosing. "Kumain ka na muna. Katutulog lang ni Juaquim. Pagnilapitan mo at hinalikan mo. Alam mo na, gusto ng anak mong katabi ka. Baka hindi ka makakain." "Sige po inay mamaya na lang." "Oo anak." "Salamat," ani Atasha ng ibigay sa kanya ni Willam ang pagkain niyang nakalagay pa sa mamahaling transparent food container. "Kumain ka na. Baka mawala ang pagtataray mo." "Ano!?" Hindi na siya sinagot ng binata at nagkunwari na lang itong may kung anong kinukutingting sa cellphone nito. Binuksan na kang ni Atasha ang lalagyan ng pagkain. Lalo lang siyang nagutom ng masamyo ang masarap nitong aroma na noon palagi niyang natitikman. Once in her life, she afford everything. Ngayon natitikman niya ang ganoon, dahil sa lalaking magiging boss niya sa trabahong ibinigay nito sa kanya. Mangha namang nakatingin si Nanay Rosing sa binata at kay Atasha. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mayroon sa dalawa. Ngunit sa nakikita niya sana ay maging magandang simula iyon para sa anak-anakan niya. Kahit ang sinabi ni Atasha sa kanya na kinuha itong katulong ng binata habang namamalagi ito bansa at aalis din ito ng bansa makalipas ang ilang buwan. Ay iba pa rin ang ipinapahiwatig ng mga kilos kaysa sa mga salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD