Tahimik lang na nakaupo si Atasha sa may bench habang hinihintay ang resulta ng laboratory test na ginawa sa kanya.
Naalala pa niya ang sinabi ng doktor na kahit wala ng test ay maaaring siya na talaga ang makuhang surrogate ni Mr. Del Vechio para sa inaasam nitong anak. Lalo na at pagnagkataon, ito na ang pangalawang beses niya ng pagbubuntis.
Hindi tuloy malaman ni Atasha kung matutuwa ba siya o matatakot. Ngayon pa talaga siya nagkaroon ng pag-aalinlangan. Kung kailan nakahiram na siya ng pera para kay Juaquim.
"Sayang din ang one hundred thousand every month at ang limang milyon. Kailangan ko lang magtiis ng sampung buwan matapos kong magbuntis hanggang sa makapanganak," ani Atasha habang nakatungo at nilalaro ang daliri.
Hindi niya napansin ang pag-upo ng isang bulto sa kanyang tabi. Nakafocus lang ang isipan niya sa anak at sa perang makukuha niya. Naguguluhan pa rin ang isipan ni Atasha. Kung tama ba ang gagawing desisyon. Natatakot siya sa pagkakataong makilala siya ng batang iluluwal niyang muli. Kahit saan daanin. Siya ang tunay nitong ina. Napahugot siya ng hininga.
"Kape," wika ng isang tinig kaya napatunghay si Atasha.
Nasa harapan na niya ang isang paper cup na may lamang mainit na kape. At isang supot na sa tingin niya ay burger ang laman. Paborito niya iyon noong mayaman pa siya. Gaano na ba katagal noong huli siyang nakatikim noon. Ilang taon na. Noong ipinagbubuntis niya si Juaquim ang huling beses na nakatikim siya noon dahil napakamahal. Nagcrave lang talaga siya. Kaya pinagbigyan niya ang kanyang sarili.
"Para mas lalo kang kabahan," dagdag pang saad ng lalaki kaya naman napasimangot na lang siya. Pero tinanggap niya ang kape. Pero hindi niya kinuha ang supot na naglalaman ng burger.
"Salamat," tipid niyang sagot.
"Para nasambit lang. Totoo namang pampakaba ang kape," anito na humalakhak pa. "Tanggapin mo na rin ito. Hindi ka mabubusog ng basta kape lang. Isa pa hindi iyan basta burger na pangkaraniwan mong mabibili. Freshly made iyan, with natural ingredients. Walang preservatives. Hindi iyan katulad ng mga frozen patty na nabibili mo lang ng basta," paliwanag sa kanya ni William.
Gusto sana niyang sagutin ang sinabi ng binata na alam niya 'yon. Paborito nga niya iyon noon. Pero dahil sa pagbabago ng buhay niya. Kinalimutan na rin niya ang marangyang pamumuhay. Kahit ang pagkain ng mahal at masasarap na pagkain ay kinalimutan na niya. Hindi lang niya isinatinig.
"Pwede bang iuwi ko na lang ito? Ibibigay ko sa anak ko. Hindi ko naman siya naiibili ng masarap na pagkain." Gustong maluha ni Atasha sa kanyang sinabi. Hindi man lang niya naiparanas sa anak ang buhay na kinagisnan niya noon. Ang karangyaang tinatamasa niya noon ay kabaliktaran ng buhay na nararanasan ng anak. Mahirap na siya.
"Kainin mo na iyan. Dahil advance akong mag-isip. Heto, iuwi mo. Dalahin mo sa nanay at sa anak mo," nakangising saad ni William. Hindi naman mapigilan ni Atasha ang maluha. Pero hinayaan lang din ni Willam na ilabas ng dalaga ang kung ano mang nararamdaman nito. Sa pag-iyak gagaan ang pakiramdam nito kaya hinayaan na lang niya. Wala namang tao sa pasilyong iyon. Lalo na at hapon na rin naman. Naghihintay lang sila ng resulta ng laboratory test ni Atasha.
Tama talaga siya ng pagkakakilala kay Atasha. Napakabuti nitong ina. Buti na lang at naalala niyang bumili pa ng bukod na burger. Maliban sa kanya at sa pambigay niya sa dalaga.
"Naku hindi ko na iyan matatanggap. Mahal ang burger na iyan."
"So? Wag mong sabihin na ipapakain mo sa akin ang tatlong ito? Pang-isa lang ako. Ganito mang kalaki ang katawan ko. Hindi naman ako ganoong kalakas kumain. Isa pa wala ng kakain niyan. Kaya para talaga yan sa nanay at anak mo. Kaya nga apat na burger ang binili ko at dalawang kape. Kain na, lalamig pa ang kape. Isa pa ganitong oras ang pagkakape pagkalipas ng araw. Hindi iyong sa bahay ninyo na kainitang singkad."
Hindi naman naiwasan ni Atasha na mapangiti. Napailing na lang siya. Matapos niyang umiyak ay napapatawa siya ng lalaking katabi.
Halos isang oras pa ang kanilang pinaghintay at tinawag na rin silang muli ng doktor. Pagkapasok nila ng clinic nito ay nakangiti nitong ibinigay kay William ang mga resulta ng test results ni Atasha.
"Congratulations Mr. Del Vechio. Ms. Bonifacio is a perfect match to be a mother of your son. Kahit bukas o sa susunod na araw ay pwede na kayong bumalik dito. Para sa procedure ng sperm insemination. Goodluck," masayang saad ng doktor.
"Thank you doc," sagot na lang ni William.
Napalunok si Atasha. Hindi niya malaman kung paano kokontrolin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa makarating silang muli sa sasakyan ni William.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ng binata ng mapansin ang pagtagatak ng pawis ni Atasha.
"O-oo," nauutal pang sagot ng dalaga. Hinawakan ni William ang kamay ni Atasha. Pakiramdam niya ay may mali dito. Mula ng sabihin ng doktor na maayos ang katawan ni Atasha para magdala ng sanggol ay nanahimik na ito. Higit sa lahat ay ramdam niya ang kaba nito. Biro lang naman ang tungkol doon sa kape. Masyado namang sineryoso ni Atasha.
"Ano ang problema Atasha? Sabihin mo? Kahit ano pa iyan hindi ako magagalit. Huwag ka lang biglang magkaganyan. Physically fit ka na nga. Parang magkakasakit ka naman ngayon."
Napatingin si Atasha sa binata. Doon lang niya naisip ang consequences ng pagpayag niyang maging surrogate mother ng anak nito.
"Malalayo ba ako sa anak ko ng ilang buwan? Parang hindi ko kakayanin." Nagsimula ng magbagsakan ang mga luha sa mata ni Atasha. Hindi talaga niya mapigilan ang mga luha niya sa oras na iyon.
"No! Ako nga, naghahangad na magkaroon ng anak. Tapos ilalayo ko sa iyo ang anak mo. Pero pag medyo malaki na ang tiyan mo ay iwan mo na lang siyang muli sa nanay mo. Kasi malaki na ang anak mo at walang dapat makaalam ng gagawin mo. Ayaw ko ding lumabas sa mga kung kani-kanino na kaya lang ako nagkaanak ay bumayad ako ng surrogate. Tulad mo na ayaw mo ding malaman ang gagawin mo," paliwanag ni William.
"Salamat. Ipagpapaalam ko na lang kay Nanay Rosing ng maayos ang lahat. Saan ba kami pansalamantalang titira ng anak ko pagnagkataon?"
"Sa condo ko. Huwag kang mag-alala dalawa ang silid doon at pwede kayo doon ng anak mo. Maaari mong ipagpaalam na katulong kita sa bahay. Para naman hindi ka na mahirapang magpaalam sa nanay mo. Baka gusto mo ng totohanin. Hindi naman kita pahihirapan at pagagawain ng mabigat. Luto, kaunting linis sa bahay at laba lang. May automatic washing machine ako sa condo kaya hindi mahirap maglaba. Hindi na pwedeng magpapasok ng katulong pang naroon na kayo ng anak mo. Mahirap na. At sa part mo, extra income din. Bet mo?"
Napaisip naman si Atasha sa offer na iyon ni William. Isa pa sa tagal ng panahon ay natutunan niyang lahat ang bagay na iyon. Wala siyang karapatang mag-inarte. At ang gawaing bahay. Simple na lang sa kanya, na noon hindi niya kaya.
"Sige pumapayag ako. Hindi rin naman ako mapapakali kung wala akong gagawin."
"Good! Isa pa sabihin mong mangingibang bansa din naman ang boss mo. Kaya ilang buwan ka lang mananatili bilang katulong. Kaya after mong makapanganak at makabawi ang katawan mo sa loob ng isang buwan. Malaya ka ng makakauwi sa inyo, sa anak mo."
Napabuntong-hininga na lang si Atasha. Sa dami ng iniiisp niya ay ngayon lang niya naisip ang idadahilan niya kay Nanay Rosing. Pero dahil sa sinabi ni William ay parang nabawasan ang problema niya. Mas madaling ganoon na nga lang ang idahilan niya. Hindi maghihinala si Nanay Rosing kung mawala siya ng ilang buwan at muling babalik.
"Salamat," naisagot na lang niya
"So okay ka na? Ihahatid na kita sa ospital. Pero bukas ng umaga ililipat ko ang anak mo sa ibang ospital. Dito sa ospital na ito."
"Anong sinasabi mo?"
"Napag-usapan na natin iyan di ba Atasha. Hindi ako papayag na magkasakit ka. Baka mamaya maging sakitin din ang anak ko."
"Paano ang bayad sa ospital. Ibabawas mo na naman doon sa ibibigay mo na bayad mo. Hindi ako pumayag sa nais mo para lang magluho. Ang lahat ng iyon ay para sa anak ko. Hindi para sa sarili ko," anas ni Atasha. Parang gusto niyang isupalpal sa mukha ng lalaki na mahalaga ang perang ibabayad nito sa kanya, dahil para kay Juaquim ang lahat ng iyon.
"Huwag ka ngang manigaw. Naiirita ako. Isa pa ang talas talaga ang bibig mo. Nakakapagduda ka tuloy. Ikaw lang ang nakilala kong mahirap na hindi nagpapatalo."
"Mahirap na nga ako hindi pa ako lalaban. Saan na ako pupulutin kung kaunting kanti ay iiyak na lang ako sa isang sulok. Lumaki akong mag-isa kahit maraming nakapaligid sa akin. Lahat ng pangarap ko walang natupad. Anak ko na lang ang pangarap ko, magpapaapi pa ba ako? No way. Hindi ako naging ganito ngayon para lang mapailaliman ng mayayamang katulad niyo!" inis na inis na saad ni Atasha. Kung makakabuga lang siya ng apoy ay nabugahan na niya ito. Talagang nagagalit siya. Ginagalit siya ni William. Kahit ito lang ang pag-asa niya, para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak ay talagang pinag-iinit ang tuktok niya.
"Para manahimik ka, bonus mo ng lahat ang gagastusin mo ngayon. Hindi na utang ang naidown mo sa ospital na lumang iyon. Kahit ang paglilipat ng ospital ay sagot ko na. Buo kong ibibigay sa iyo ang perang napag-usapan natin. Pag magstart ka na sa akin. Doon ko ibibigay ang kontrata. Please lang huwag ka ng komontra. Nag-aalala akong baka hindi pa matuloy sa susunod na mga araw ang gagawin sa iyo kung magkakasakit ka."
Natigilan bigla si Atasha. Lahat naman ng sinabi ni William ay pabor sa kanya. Gusto din naman niyang ilipat sa magandang ospital ang anak. Kaya lang ay budget ang problema. Pero ngayon, nasolusyunan na.
"Salamat."
Napangiti na lang si William. "Your welcome dragona."
"Anong sinabi mo?"
"Dragona, bagay kasi sa iyo. Para kang dragon."
Nailing na lang si Atasha. "Ang pangit mong kabonding pasensya na sungit." Ganti ni Atasha.
"Ako masungit?" hindi makapaniwalang tanong ni William. "Hindi ako magssusungit kung hindi ka parang dragon."
"Di ba mas bagay sa iyo?"
Nailing na lang si William at hindi na lang pinatulan pa ang sasabihin ni Atasha at baka humaba pa. Narinig pa niya ang paghagikhik ni Atasha ng wala siyang isinagot kaya napasulyap siya sa dalaga.
"Bagay talaga," bulong nito na dinig naman niya.
"Pambihira."
"Sungit talaga." Nailing na lang si William sa sinabing iyon ni Atasha.
Naging tahimik na lang silang pareho. Habang nagmaneho ay minsang sumusulyap pa si William sa dalaga. "Napakaswerte siguro kung sino man ang ama ng anak nito kung kasama mismo ng dalaga ang ama ng anak nito," sumagi na lang sa kanyang isipan. Pero wala na siyang balak pang magtanong sa personal nitong buhay. Ang nais lang niya ay maibigay nito ang gusto niya. Mabigyan siya ni Atasha ng isang lalaking anak.
Nagpasalamat na lang ang dalaga ng maihatid niya ito sa ospital. Kung saan naroon ang anak nito.
Napangiti na lang si William habang papaalis sa parking lot ng ospital. Hindi niya alam kung tama pa ba itong ginagawa niya. Ngunit masaya siyang makatulong sa dalaga. Alam niya sa sariling wala siyang ibig sabihin doon. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang anak na ito ang magbibigay.
Kinaumagahan ay nagulat na lang si Atasha ng mula sa ibang ospital ay may dumating na nurse na siyang kasama ng ambulansya na maglilipat kay Juaquim.
"Anak anong dahilan at kailangang lumipat ni Juaquim ng ospital. Baka mas malaking gastos. Saan tayo kukuha ng pampagamot," tanong ni Nanay Rosing.
Napabuntonghininga na lang si Atasha. Hindi pa kasi niya nasasabi sa matanda ang dapat niyang sabihin.
Habang inaayos ng nurse ang release paper ni Juaquim ay kinausap ni Atasha si Nanay Rosing.
"Nay pasensya na po kung biglaan. Sa totoo lang siya po ang nahiraman ko ng pera. Ganito po kasi. Alam po ninyong hindi ako matanggap sa mga kompanyang pinag-apply-an ko. Kaya po nag-apply ako bilang katulong. Ayon natanggap po ako. Kaya lang masyadong maselan ang amo ko. Lalo na at galing ibang bansa. Alam na nasa ospital si Juaquim. Baka daw mahawa siya sa sakit ay masyado pong maselan inay. Isa pa pagkalabas ni Juaquim ay magsisimula na ang trabaho ko sa kanya. Ilang buwan lang po akong magtatrabaho. Isasama ko din po si Juaquim. Pero dalawang buwan bago po siya bumalik ng ibang bansa ay iuuwi ko po sa bahay si Juaquim. Lalo na po at maglilipit po ng gamit. Pasensya na nay kung biglaan. Tapos ay maiiwan kayong mag-isa sa bahay. Ayos lang po ba?" nag-aalangang tanong ni Atasha. Totoo namang iyon ang dahilang napag-usapan nila ni William. Ngunit hindi iyon ang totoong mangyayari.
"Naiintindihan kita anak. Isa pa may cellphone naman, pwede ko kayong tawagan at pwede mo akong tawagan kahit anong oras. Kaya ko naman ang tindahan. Basta palagi kayong mag-iingat ni Juaquim ha. At Atasha pilitin mong huwag ng umiyak ha. Kahit hindi man tayo magkadugo, itinuring na kitang parang sariling anak at si Juaquim ay aking apo."
"Salamat po nay. Marami pong salamat."
At nang araw ding iyon ay inilipat na si Juaquim ng ospital. Sa ospital kung saan din sasailalim si Atasha para dalahin sa sinapupunan niya ang anak ng isang William Del Vechio.