Chapter 5

2321 Words
Sabay na bumaba ng sasakyan sina William at Atasha. Mariing inilibot ni William ang tingin sa hindi kalakihang ospital. Napakunot noo pa siya ng mapansing may kalumaan na ang ospital. Parang itong ospital na madami ng pagsubok na pinagdaanan. Sa madaling salita. Ospital na niluma nang panahon. Ngunit kung siya ang may kapamilyang kailangang dalahin sa ospital ay hinding-hindi niya itutungtong sa ospital na nasa harapan niya ang kapamilya niya. Parang mas magkakaroon ito ng sakit sa kanyang nakikitang kalumaan. Kinakalawang na ang mga bintana sa ikatlong palapag ng ospital. Siguro ay hindi na nagagawang linisan. Ang pintura ay natitiklap na. Ngunit sabagay, labas lang naman ang kanyang hinusgahan at hindi ang loob. Napatingin siya kay Atasha sa kanyang tabi ng magsalita ito. "Papasok na ako sa loob. Dadalahin ko lang ito sa inay at sa anak ko," ani Atasha na itinaas pa ang dalawang dalang paper bag. Isa para sa mga damit at gamit ni Juaquim at Nanay Rosing at ang isa ay sa pagkain. "Dyan sa ospital na iyan mo talaga dinala ang anak mo," ani William na tunog pamimintas. "Oo. Bakit?" "Masyado ng luma. Pakiramdam ko ay baka mas lalong magkasakit ang mga pasyenteng ipapasok dyan." Napakunot noo si Atasha. "Ano sa tingin mo ang iisipin ko kaninang nakita kong sumuka ng dugo ang anak ko? Ni wala nga akong pambayad sa ospital. Tapos maiisip mong dapat ay sa magandang ospital ko dinala ang anak ko?" Hindi mapigilang bugso ng damdamin ni Atasha. "Buhay iyong hinahabol ko. Naiintindihan mo ba? Mamimili pa ba ako ng ospital. Alam mong ikaw pa ang nahingan ko ng tulong. Kaya wala kang karapatang husgahan ang ospital na kahit papaano ay nagligtas sa buhay ng anak ko," naluluhang saad ni Atasha ng maalala na naman niya ang kalagayan kanina ng anak. Kaya kahit nag-iinit ang ulo niya ay malaki pa rin ang pasasalamat niya sa aroganteng katabi niya. Napailing na lang si William. "Ilabas mo ang anak mo sa ospital na iyan. Ayaw kong mahawahan ka ng ibang sakit dyan. Baka magkasakit ka pa, mahirap na," utos ni William na ipinagtataka ni Atasha. "Bakit? Concern ka sa akin?" umaasang tanong ni Atasha. Mula ng mawala ang dating Atasha, si Nanay Rosing at ang anak na lang niyang si Juaquim ang naging concern sa kanya. "Dream on Ms. Bonifacio. I was concern to your health. Dahil kung talagang compatible ang katawan mo na magdala ng anak ko. Hindi ako makakapayag na maging sakitin ang kanyang ina at baka mamaya ay maging sakitin din siya. No way. Kaya nga ako magbabayad para masiguradong healthy ang anak ko. Tapos magiging sakitin siya, ng dahil sa kapabayaan mo!" singhal ni William. Napapatangong napasimangot na lang si Atasha. "Gets ko na, hindi mo kailangang sumigaw. Dyan ka na lang at baka matetano ka pa sa loob. Hanggat hindi mo pa ako nadadala sa doktor mo, wala kang karapatan sa buhay ko. Ipinapaalala ko lang, matres ko lang ang babayaran mo kung sakali at hindi pagkatao ko. Nagkakaintindihan ba tayo? Sige na mabilis lang ako sa loob. Nakakahiya naman sa iyo at baka mahawahan pa ng sakit ang pagkatao mong hindi naman ganoong kagwapuhan." Napasimangot na lang si William sa huling sinabi ni Atasha. "Oo na lang." Wala na rin naman siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Sinundan na lang ni William ng tingin si Atasha na papasok sa loob ng ospital. Nangiti na lang siya. Sa lahat ng pagkakataong may sasabihin siya sa dalaga. Mayroon din itong matinding sagot sa kanya. Kaya naman mas lalong dumagdag sa kanyang pagnanasa na maging maayos ang test na gagawin kay Atasha. Para sana ito na talaga ang makuha niyang surrogate para maging ina ng kanyang anak. At the aged of thirty, healthy naman siya at maaaring magkaroon ng anak, mag-asawa lang siya. Pero ang lahat ng iyon ay nagbago. Naalala na naman niya ang pagkawala ng kasintahang hindi naging tapat sa kanya. Kung maibabalik lang niya ang buhay nito ay paulit-ulit niyang ipapamukha dito ang ginawa nitong panloloko sa kanya at kung sino ang niloko nito. Naalala na naman ni William ang huling gabi ni Teresa. Dahil sa labis na pagmamahal niya dito noong hindi pa niya nalalaman ang kataksilan nito ay nagawa niyang maglasing. Malinaw ang isipan niya. Naging mabait naman siya kaya nga nagawa niyang tumulong. Ngunit ang pagtulong niyang iyon ay nauwi sa isang pangyayari. Dahil sa takot niyang kahit wala na ang fiancée niya ay parang nagloko pa rin siya. Kaya iniwan niyang walang bakas ang gabing iyon. Ngunit dalawang buwan ang nakalipas ay hindi siya patahimikin ng kanyang konsensya. Binalikan niya ang lugar na iyon. Pero wala ng cctv footage na maipakita ang nasabing lugar. May mga taong nagtungo doon para burahin ang kuha ng cctv. Kahit ang lugar na iyon ay pinuntahan niya. Ngayon wala siyang idea sa naganap noong panahong iyon. Ang natatandaan lang niya, lasing siya at totoo ang naaalala niyang tagpo dahil nagising siya sa silid na iyon. Ngunit mabilis ding umalis. Hanggang sa maalala niya ang isang bagay na maaaring maging palatandaan niya. It was a tattoo sign of faith, hope and love. Ngunit paano naman niya mahahanap ang tattoo na iyon? Kung ang tattoo na iyon ay nakita niya mismo sa tagong lugar. Nailing na lang siya. Napatikhim din si William ng makarinig siya ng isa ding tikhim. Hindi niya akalaing malayo na ang narating ng kanyang isipan. "Kanina ka pa?" tanong ni William sa mukhang inip na inip na dalaga. "Not really. I'm here for almost fifteen minutes and your mind is out of nowhere. Saan ka na ba nakarating? Natuyo na ang laway ko kakatikhim ngunit walang epekto sa paglalakbay mo. Mabuti na lang at napansin mo ding narito na ako. Balak ko na sanang hampasin ang ulo mo eh. Para lang iparating sa iyo na nasa harapan mo na ako," paliwanag ni Atasha na ikinangiwi ni William. "Why so harsh Ms. Bonifacio? Pagnagkataon magiging boss mo ako." "Ah sorry. Nga pala. Sinasanay lang kita sa mga mood swings," may pagkasarkastikong saad ni Atasha na ikinakunot noo ni William. "Don't mind me. Pumunta na tayo sa pupuntahan natin at hinihintay na ako ng anak ko. Nagpaalam din lang ako sa nanay na makikipagkita ako sa inutangan ko. Which is half truth." Wala ng inaksayang oras si William ng sumakay na sa passenger seat si Atasha. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama sa dalaga. Kung tutuusin ay napakapino nitong kumilos kahit ang pagsasalita nito minsan ay parang napabayaan sa kalye. Tantiyado ang bawat galaw. At may hinahong kasopistikadahan. Napahugot siya ng hangin. "May nais ka bang sabihin Mr. Del Vechio?" tanong ni Atasha habang binabagtas nila ang daan patungong ospital. "I don't want again to interfere your privacy. But can I have a question?" Napailing na lang si Atasha. Hindi na daw magtatanong pero heto na naman. Wala na rin naman siyang nagawa kundi pagbigyan ito. "Go ahead, ask." "Sigurado ka bang mahirap ka lang? I mean hindi sa dini-degrade ko ang isang mahirap. Kaya lang, you look expensive, kahit sabihing lumang pantalon at blouse lang ang suot mo. Hindi ka mukhang mahirap. Kahit saan kita tingnan. Sigurado ka bang pumapayag kang maging ina ng anak ko. Baka mamaya ay mayaman ka pala at ilaban mo ang karapatan mo bilang ina ng anak ko. Hindi ako papayag," may diig saad ni William. Naiintindihan naman ni Atasha ang mga bagay na napansin sa kanya ng binata. Kahit naman sabihing mahirap na siya ngayon ay hindi naman nawala ang kilos niya mula noon hanggang ngayon. Pamumuhay lang naman niya ang nabago. Pero iisang tao pa rin siya. "Huwag kang mag-alala. Kahit alam ko sa sarili ko ang totoo. Na magmumukhang ibinebenta ko ang sarili kong anak ay nauunawaan ko ang papasukin ko. Hindi man niya ako makilala bilang ina ay alam kung magkakaroon siya ng magandang buhay. Habang si Juaquim kahit papaano ay magkakaroon din siya ng maayos na pamumuhay dahil sa perang ibibigay mo. Oo hindi iyon sasapat sa habang-buhay. Pero magiging magandang simula iyon para kay Juaquim. Kahit mahirap sa kalooban ko itong gagawin ko. Alam kong magiging maayos ang buhay ng mga bata. Nang anak mo at ng anak ko," sagot na lang ni Atasha. Natigilan naman si William sa sinasabi ni Atasha. Bakit may kung anong saloobin na kumukurot sa puso niya? Gayong wala naman siyang pakialam sa dalaga. Napahugot siya ng ng hangin. Naalala na naman niya ang tanong niya sa dalaga. "Pero hindi mo sinagot ang isa kong tanong, sure ka bang mahirap ka lang. Isa pa, sometimes you always answer me in English. Don't get me wrong for what I---." Natigil sa pagsasalita si William ng sabayan siya ni Atasha sa pagsasalita. "So? Why? Ipinagbabawal na ba ngayon dito sa Pilipinas ang pagsasalita ng Ingles? English is our second language. A subject in school. What's wrong with that. Don't get you, to wrong me? You accused me of something. Aargh. What's your point?" Naiinis na si Atasha. Kung wala lang sila sa byahe ay talagang sasapakin niya ang lalaking katabi. "I can't accused you. I just wondering. So I asked why?" "Just wondering," may pagkasarkastikong saad ni Atasha. Answering questions with questions? You annoyed me Mr. Del Vechio." Inirapan pa siya ni Atasha kaya naman palihim siyang natawa. "Okay hindi ako mayaman. Nakikita mo bang mayaman ako? Isa pa papayag ba akong maging surrogate mother ng anak mo kung mayaman ako?" Napatango na lang si William. Sabagay, sino nga bang mayaman ang papayag na ibenta ang matres nito para lang magkapera? Napailing na lang siya. "O baka kung ano pang maisip mo. Alam kong nagpaimbestiga ka," ani Atasha na alam naman talaga niya. "Oo, sa isang sikat na university ka nakapagtapos ng pag-aaral. Paano mo maiipaliwanag ang bagay na iyon. At isa pa, you don't have a parents name. Iyong Nanay Rosing na sinasabi mo ay hindi mo naman nanay." "Because I'm an orphan," pagsisinungaling niya. "And well, nakita mo naman pala na nakapagtapos ako ng pag-aaral kaya dapat alam mo na kung bakit ako ganitong makipag-usap sa iyo. Isa pa scholar ako doon kasi matalino ako. Ngayon maliwanag na ba sa iyo ang lahat?" "Ay bakit nga hindi ka matanggap-tanggap sa mga kompanyang ina-apply-an mo?" Napalunok bigla si Atasha. Ilang beses pa niyang pinagana ang isipan dahil sa tanong na iyon. Pero ano ba ang dapat sasabihin niya? "Answer me Ms. Bonifacio. Gusto ko ding malaman ang dahilan. Hindi sa curious lang ako. Baka kasi mamaya ay may tinataguan ka pa pala. Baka naman itinatago mo lang ang anak mo sa tatay nito. Itago mo din sa akin ang anak ko pagnagkataon." Napahugot ng hangin si Atasha. "It's non of your business Mr. Del Vechio. Pero dahil curious ka, ito ang dahilan. I'm a single mother, kasi nabuntis ako at hindi pinanagutan. Okay. So sino ang tatanggap kaagad sa akin sa trabaho? I need to take care of my son on my own. Hindi naman pwedeng kasama sa trabaho. So ayan hindi ako matanggap sa trabaho. Ngayon lang naman ako nakakapaghanap ulit ng trabaho. Dahil naiiwan ko na ang anak ko sa Nanay Rosing. Idiot!" Halos magpawis ang mga kamay ni Atasha sa palusot na sinabi niya. Pasalamat na lang siya at medyo mahaba ang sinabi ni William sa kanya ay gumana ang isip niya sa pag-iisip ng dahilan. Hiling lang niya ay tanggapin na nito ang paliwanag niya. "Sabagay," sagot nito sabay kibit balikat. Nakahinga ng maluwag si Atasha ng sa tingin niya ay gumana ang palusot niya. "Wait! Did you. Did you call me idiot!" hindik na tanong nito sa kanya at siya naman ang hindi na nakapagsalita. Napatingin siya kay William habang patuloy na nagmamaneho. Nginitian na lang niya ito ng ubod tamis, ngunit hindi na siya sumagot. Pero lalo lang yatang nalukot ang mukha nito. Mas matangos pa yata ang nguso nito kaysa ilong nito. Lihim siyang nangiti at nanahimik na lang. Itinoon na lang niya ang tingin sa labas ng sasakyan. Hanggang sa makarating sila sa isang malaking ospital at walang nangahas na magsalita pa sa kanila. Sa isip ni Atasha ay baka masilip na naman ng lalaki ang pagtawag niya dito ng idiot malagot pa siya. Pagkababa nila ng sasakyan ay sumunod na lang si Atasha kay William hanggang sa makarating sila sa tapat ng pintuan ng doktor na siyang susuri sa kanya. Ilang beses pang kumatok si William hanggang sa lumabas ang isang may edad ng babae. "Tuloy ka Mr. Del Vechio. Siya na ba?" tanong ng doktor na ikinatango ng binata. "Yes doktora. She's Atasha Bonifacio." "Okay Mr. Del Vechio, Ms. Bonifacio pasok kayo." Magkasunod silang pumasok sa loob at pinaupo sila ng doktor sa magkatapat na silya sa may lamesa nito. "Okay magpapakilala muna ako. I'm Dra. Marquez ako ang magiging doktor mo pag makakapasa ka sa lahat ng laboratory test na gagawin sa iyo. Kilala ko si Mr. Del Vechio, kaya huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan. Ready ka na ba hija?" tanong ng doktor na ikinatango niya. "Opo, ready na po ako," ni Atasha. "Para kay Juaquim," bulong pa ni Atasha na umabot naman sa pandinig ni William. "Mr. Del Vechio, hintayin mo na lang kami dito," wika ng doktora na ikinasang-ayon niya. Naupo na lang siya sa upuang naroroon. Nasundan na lang ni William ng tingin si Atasha at ang doktor habang papasok sa pinaka laboratoryo ng doktora. Nakakakita siya ng kaunting pag-aalinlangan sa mga mata ng dalaga kanina habang kausap nila ang doktor. Ngunit agad ding nawawala sa determinasyong ang makukuha nitong pera sa kanya ay para sa anak nito. Hindi niya kayang husgahan ang pagkatao ni Atasha. Mas lamang ang paghanga na kanyang nadarama sa dalaga. Matapang itong makipag-usap sa kanya, pero sigurado siyang hindi iyon ang natural nito. Ngunit isa lang ang masasabi niya. Isa itong mabuting ina. Sa likod ng sa unang tingin pa lang niya dito ay may lihim ito sa likod ng pagkataong ipinapakilala nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD