Chapter 10

1937 Words
Tahimik lang si Atasha habang binabagtas ng sinasakyan niyang tricycle ang daang patungong ospital. Hindi niya maipaliwag ang kabang kanyang nadarama. Gusto niyang maiyak na hindi. Naipikit na lang ni Atasha ang mga mata. Malayo pa naman ang ospital lalo na at trapik sa mga oras na iyon. Alam niyang mas mauuna si William sa ospital. At siya bilang kinakabahan ay pa vip muna siya. Maghintay muna si William ng ilang sandali. "Hi beautiful." Mula sa pagkakasalampak sa kama habang nakaharap sa mga notes na kailangan niyang aralin ay mabilis na nabaling sa pintuan ang paningin ni Atasha ng marinig niya ang tinig ng isang boses na matagal niyang pinanabikan. Anim na taon siya ng huli niya itong makasama ng medyo matagal. Ayon sa mommy at daddy niya ay sa ibang bansa ito nag-aaral at ito na rin ang namahala sa kompanya sa bansang iyon sa murang edad. Habang pinag-aralan ang pagpapatakbo ng kompanya, ay kasabay noon ang pag-aaral nito. "K-kuya." Mabilis siyang umibis ng kama at tinakbo ang hindi niya inaasahang bisita. Nang magkalapit sila ay niyakap niya ito ng mahigpit at parang batang nagpabuhat. Wala namang reklamo si Allen ng bigla na kang sumaklang at nagpabuhat si Atasha na parang bata. Ngunit bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahabag ng umiyak ang kapatid. "May problema ba? Tahan na." "Wala kuya, miss na miss na kita. Dito ka na ba mamamalagi? Hindi mo na ako iiwan? Hindi ka na aalis ng bansa?" Habang buhat si Atasha ay tinungo ni Allen ang kama ng dalaga at doon ito naupo. "Miss na miss na rin Atasha. Kaya lang hindi talaga ako maaaring manatili dito ng matagal. Alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang kompanya. Isa pa nais ni daddy na pakasalan ko ang anak ng business partner niya?" Bigla namang napatunghay si Atasha mula sa pagkakasubsob sa balikat ng kapatid at dahan-dahang bumaba sa kandungan nito. Ang mga luha niya kanina ay biglaan na lang napalis dahil sa nararamdamang inis. "Sino? Magpapamanipula ka kina mommy at daddy? Hahayaan mo bang ikulong ka nila sa isang sitwasyong panghabang-buhay na maaari mong pagsisihan? Kuya naman alam kong wala pa akong maiipagmalaki ngunit hindi ko gusto ang mga plano nila. Wala silang oras sa atin. Pati kabataan mo ay hindi mo naramdaman dahil mula noong sabi ng mga katulong na tumuntong ka ng labinglima ay nagsimula ka ng sanayin ni daddy sa kompanya. Dahil nagbuntis si mommy at ipinanganak ako kaya ang trabaho ni daddy ay nalipat sa iyo. Pero pagkatapos noon ay dinala ka sa ibang bansa. At ikaw ang namahala sa kompanya doon? Napakabata mo pa. Hindi ka pa nga tapos mag-aral noon. Kailan ang huling beses na nakasama kita ng matagal? Six pa lang ako noon. Tapos pagkatapos noon. Magbabakasyon ka na lang at babalik ng ibang bansa makalipas ang ilang linggo o ilang araw. Tapos ngayon hahayaan mo ang sarili mong magpakasal sa babaeng gusto lang nina mommy at daddy!" Napahugot na lang ng hininga si Allen. Hinila niya si Atasha at pinaupo sa kanyang tabi. Gusto niyang maiyak sa nakikitang concern sa kanya ng dalaga. Tama naman ito. Walang ibang mas mahalaga sa mga magulang kundi ang pangalang iniingatan at pera. Walang panahon sa kanila ang mga magulang. Para sa mga ito na basta naiibigay ang mga pangangailangan nila ay iyon na iyon. Ngunit ang atensyon, pagkalinga at pagmamahal ay hindi man lang nila maramdaman. Uhaw sila sa aruga ng mga magulang. "Don't cry baby, Atasha. I tell you a secret. I have a girlfriend. Her name is Mae. Nagkakilala kami two years ago. Mula ng makilala ko siya nakaramdam ako ng kakaibang saya. Ngunit nito ko lang nalaman. Bali naming dalawa na kailangan din niyang magpakasal sa iba. Parang ako din. Hindi ko inaasahan iyong fix marriage na iyan. Ngunit para sa ikabubuti ng mga magulang niya at magulang natin naghiwalay kami." Bigla namang napatayo si Atasha. Gigil na gigil at parang sasabog. "What! Hinayaan mo ang girlfriend mo na mahiwalay sa iyo dahil lang sa fix marriage na iyan! Itatakas kita kuya." Hindi malaman ni Allen kung matutuwa ba siya sa ikinikilos ni Atasha o matatawa. Pero sa katunayan ay napakasaya niyang dumating si Atasha sa buhay niya. "Relax princess. Kanina umiiyak ka. Ngayon galit ka na naman." "Paano ako hindi magagalit kuya. Puso mo ang pinag-uusapan dito. Ikaw lang ang nagmamahal sa akin sa pamilyang ito. Nasaan si mommy? Nasaan si daddy? Naroon sa mga kompanya nila. Kaya kung tanggapin ang consequences kung pipiliin mo ang pagmamahal mo sa girlfriend mo. Itanan mo. Wala na tayo sa panahon ng mga mananakop. Aba uso na ang tanan sa panahong ito." Pinaningkitan ni Allen ang kapatid. "Do you have a boyfriend Atasha? For pete sake you're only sixteen at nasa kolehiyo pa lang. Ilang taon pa bago ka makapagtapos. Saan mo nakukuha ang mga sinasabi mong iyan sa akin!" "Relax kuya. Ang mga sinasabi ko sa iyo ay tungkol lang sa iyo. Wala akong boyfriend. Kung mayroon man baka hindi mo ako naabutang nag-aaral at baka naka telebabad ako ng pagpasok mo sa silid ko. Ang sinasabi ko ay sa iyo hindi sa akin." "Okay good." Wari mo ay nakahinga ng maluwag si Allen. "Anong good?" "Kasi wala kang boyfriend." "Wala naman kasi talaga. Kasi kung magkakaboyfriend ako, tapos magkakaroon ng asawa. Ngunit matutulad lang ako kina mommy at daddy. Parang inulit ko lang ang naranasan kong pera lang ang mahalaga. Anong mararamdaman ng magiging anak ko pangungulila at kulang sa pagmamahal. No way. Mas mahalaga ang atensyon at pagmamahal. Although kailangan ang pera para mabuhay. Pero kung mayroon ka na naman. Aba iparamdam mo naman ang love. Hindi pera-pera lang." "Tama ka. Kaya maghanap ka ng lalaking mas mahalaga ang pamilya. O ang pamilyang bubuoin niya. Dahil ang pera basta masikap at masipag ka. Kikita ka ng pera." "Okay. Kung maghahanap ako. Ay matagal pang panahon. Pero ngayon kuya, back to you. Nasaan na tayo? Ayon na nga bakit kailangan mong sumunod kina mommy at daddy." Sumilay ang ngiti sa labi ni Allen. "At nakangiti ka pa!" "Because my Mae is getting married to the son of the business partner of his father." "Oh! Ano namang masaya doon? So hindi mo talaga mahal ang girlfriend mo? Ikakasal na nga sa iba masaya ka pa." "She's married to a man name Allen Castellejo. Anak ng business partner ng daddy niya." "Sino namang Al---? Wait! What?" Naluluhang, nakangiti habang tumatango si Allen. "Yes princess. Ang babaeng pakakasalan ko ay ang girlfriend ko. Last week lang namin nalaman. Two weeks na mula ng maghiwalay kami. Kaya wala ng isang linggo sina mommy at daddy dito dahil sa business trip nila sa ibang bansa. At ayon ang nangyari. Hindi na nasabi sa iyo dahil ako ang nakiusap na ako na ang magsasabi sa iyo ng balita at ibalita ko na rin ang sekreto ko sa iyo. Mae is excited to see you. Pero sekreto lang natin itong tatlo princess. Ayaw kong malaman nina mommy ang nararamdaman namin ni Mae sa isa't isa. Tapos ay maging problema pa sa pagpapakasal namin. Mas mabuting isipin nila na ang pagpapakasal namin ay dahil sa kagustuhan nila." "Makakaasa ka kuya. Your secret is safe. I'm happy for you kuya." "Thank you. Ang mahalaga lang ngayon ay ikakasal man ako ay hindi iyong napipilitan lang. Dahil masaya talaga ako. Destiny plays well." "Nakalimutan mo na siya?" "Who?" "Really?" "Atasha, sino nga?" "Biro lang, ito serysoso na. Ang first love mo. Yaya told me about your first love. Sabi ni yaya kaya ka daw hindi nagkakaroon ng girlfriend kasi mahal mo pa daw ang first love mo." Naramdaman na lang ni Atasha ang pagyakap sa kanya ng kapatid at ang paghalik nito sa kanyang ulo. Gustong maiyak ni Atasha sa kanyang nararamdaman. Dahil sa kabila na hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang ay naroon ang kuya niya na mahal na mahal siya. "Hindi ko siya nakalimutan. At hanggang sa huling hininga ko hindi ko siya makakalimutan. She has a spot in my heart. Only for her Atasha. I love her so much to the point na akala ko hindi na ako muling magmamahal. But Mae came." "Bakit kayo nagkahiwalay kung mahal mo naman pala? Nasaan siya? Hindi ba nagseselos si Mae? I mean ate." "Hindi kami naghiwalay. Death is the reason why she left me. Alam ni Mae ang yugtong iyon ng buhay ko. At masaya akong tanggap niya iyon. Mahalaga lang naman daw sa kanya ay mahal ko siya at mahal niya ako. Sa part na iyon, mas lalo ko siyang minahal." "Masaya ako para sa iyo kuya. I hope someday. I found the love na totoo at hindi lang dahil sa napilitan ka lang dahil sa fix marriage. O kaya naman ay nagpakasal dahil sa nabuntis." "Atasha!" "Biro lang bata pa po ako," ani Atasha habang nakangisi kay Allen. "Pasaway." "Pero sana kuya noh." "Mangyari yan Atasha. But for now mag-aral ka munang mabuti. Kasi pagnakagraduate ka ng college. I'll buy you a gift, what ever it is." "Kahit car?" "Okay car." "Talaga?" "All for you." Halos manlaki ang mga mata ni Atasha sa naging sagot na iyon ng kapatid. Ayaw na ayaw siyang bigyan ng sasakyan ng mga magulang nila. Ngunit sa isang sabi pa lang niya sa kapatid niya. Walang pag-aalinlangan at pumayag kaagad ito. "I love you kuya." "And I love you more princess." Nagulat si Atasha ng bigla siyang mauntog sa matigas na bagay. "Ah! Aray!" sigaw niya habang hinahaplos ang nasaktang noo. "Ayos ka lang?" Napakunot noo si Atasha ng marinig ang boses na iyon. "A-anong---?" Hindi na naituloy ni Atasha ang kanyang tanong ng umangat na lang siya sa kanyang kinauupuan. Pikit pa rin siya ng mga oras na iyon. Parang gustong hilahin pa rin siya ng antok na nadarama. "W-William." "Ssh. Relax. I'm sorry kung nauntog ka. Hindi ko napansin iyong bakal sa may ulunan mo. Pero I swear hindi ko iyon sinasadya. Take a rest. Ako na ang nagbayad ng pamasahe mo." "Huh?" "Hindi ko alam kung bakit nang sabihin ko sa iyong magpahinga ka ay parang mas pagod na pagod ka pa ngayon. Nakatulog ka sa byahe habang sakay ng tricycle. Ayon sa driver ng tricycle na sinakyan mo. Kanina pa ako dito sa labas kahihintay sa iyo. Mabuti na lang at napansin ko ang tricycle na kanina pang nakatigil hindi kalayuan. Nag-alala pa si manong dahil baka daw kung anong nangyari sa iyo. Pero ng masigurado kong nakatulog ka lang ay nakahinga siya ng maluwag. Nagpakilala akong kilala kita kaya hinayaan niyang buhatin na kita. Kaya relax ka lang matulog ka muna Atasha." Hindi naman malaman ni Atasha kung bakit matapos sabihin ni William ang mga bagay na iyon ay talagang hinila na ulit siya ng antok. Ang huli lang niyang natatandaan ay buhat siya ni William at ang huling alaala ng kayang panaginip ay ang masayang tagpo at kasama niya ang kuya niya. Nailing na lang si William ng mapansin ang pantay na paghinga ng babaeng buhat-buhat niya. "At talagang nakatulog nga," naikomento na lang niya ng salubungin siya ng doktor nila. "Anong nangyari?" tanong nito habang nakatingin kay Atasha. "Sa palagay ko dok, kinakabahan siya. Nakatulog na sa sinasakyan patungo dito. Nang buhatin ko na sinabi kong mapahinga ay nakatulog na namang talaga." "Hindi bali. Kailangan talaga niya yan. Mas mabuti nga at hindi na niya kailangan ng pampatulog para lang makapagpahinga. Dahil mismong siya na ang nagkukusang magpahinga." "Okay dok," ani William at tuloy-tuloy na silang nagtungo sa isang pribadong silid na gagamitin ni Atasha. Mula sa araw na iyon hanggang sa makompirmang nagdadalangtao na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD