Chapter 11

1859 Words
"William," tawag ni Atasha sa pangalan ng lalaki. Hindi niya malaman kung kinakabahan ba siya o ano. Basta hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Nasa loob na sila ng silid kung saan isasagawa ang sperm insemination. Hindi naman iyon ganoong kakomplikado katulad ng iba, na pati ang egg cell ng nais na maging ina ay ililipat din sa kanya. Hindi naman ganoon ang mangyayari dahil tamang ang sperm lang ng lalaki ang itatamin sa kanyang sinapupunan. Hinintay din kasi nila kung kailan siya fertile. Para mas may malaking pag-asa na mabuntis siya kaagad. Sabi nga ay wala namang problema at naiintindihan niya iyon. Higit sa lahat ay maayos naman talaga ang lahat. Kaya lang ay hindi niya alam kung bakit kung kailan nakahiga na siya sa hospital bed at nasa loob na ng laboratoryo ng ospital kung saan gagawin ang sperm insemination ay saka pa siya nakaramdam ng iba't ibang pakiramdam. Noong mangyari sa kanya ang bagay na iyon na naging dahilan para ipagbuntis niya ang anak. Kaya naipanganak niya ng kanyang si Juaquim ay hindi naman siya nakaramdam ng takot. Ang takot lang na kanyang nararamdaman noon ay kung paano niya bubuhayin ng mag-isa ang anak. Gulong-gulong siya ng mga panahong iyon. Ngunit mas nakakatakot pala sa pakiramdam ang pangyayari ngayon kaysa sa nangyaring iyon sa natural na paraan. Noon ang iniisip lang niya ay paano ang anak habang lumalaki. Ngayon ang iniisip niya ay paano kung hindi mangtagumpay? Ilang beses iyong gagawin sa kanya? Hindi niya alam ang sagot. Bigla na lang kumabog ang kanyang dibdib. Habang nakatingin sa kisame ng kwartong kinalalagyan. Naramdaman na lang ni Atasha ang paghawak ng isang mainit na kamay sa kamay niya. Kaya naman nabaling ang kanyang paningin sa kung sino man ang gumawa noon. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kapanatagan ng makita si William. "Kinakabahan ako," pag-amin niya. "Huwag kang kabahan. Sinabi naman ni Dra. Marquez na hindi masakit at wala kang mararamdaman. Kaya huwag kang mag-alala." "Paano kong hindi ako kaagad mabuntis?" "Di susubok at susubukan nating muli. Atasha look, you're a healthy woman. You can carry a child as many as you can. Kung gusto mong magbuntis taon-taon ay pwede. Kaya huwag ka ng mag-alala." "Taon-taon!" eksaherado niyang bulalas. "Ano ako baboy?" Narinig nila ang mumunting hagikhik ng doktor. Halos mamula naman ang pisngi ni Atasha dahil sa pagkapahiya. "You are not pig. You're a dragona. Kaya huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano. Huwag mong sabihin na ngayon ka pa nakakaisip na magdalawang isip. Kung kailan nakahiga ka na dyan at nakaready na ang lahat. Don't try me Atasha!" ani William na parang pinipigilan lang ang sarili para hindi tuluyang lumabas ang inis. "Sinasabi ko lang! Sinabi ko bang uurong ako! Kinakabahan ako Mr. Del Vechio. Anong akala mo lang sa gagawin sa akin? Kukuhanan lang ng blood sample para hindi kabahan? Nakakainis ka! Lumayas ka na ngang masungit ka! Baka nga mamaya ay magdalawang isip pa ako. Iwan kita dito at maghanap ka na lang ng ibang babaeng magdadala ng anak mo!" Habol hiningang saad ni Atasha. Nagtataas-baba pa ang kanyang dibdib sa inis na nadarama sa lalaking kaharap. Ang takot na kanyang nadarama ay napalitan ng pagkairita. "Aba't!" "Ano? Sasabat ka pa!" may diing saad ni Atasha. "Naku dragona ka!" Halos pantayan din ni Willam ng diin ang pagsasalita ni Atasha. "Mr. Del Vechio, calm down. Okay na. Ako na ang bahala kay Ms. Bonifacio," pakiusap ng doktor na iiling-iling lang sa kanilang dalawa. "Lalabas na lang muna ako dok." "Mabuti pa nga. Kakairita!" Kahit nagsasagutan silang dalawa ay hindi naman mapigilan ng doktor na maaliw sa kanila. Lihim na lang itong nangiti, habang patuloy na inihahanda ang mga gagamitin para sa gagawin kay Atasha. "Napakasungit mo talaga," ani William at tumalikod na kay Atasha. "Sa ating dalawa ikaw ang masungit!" Nailing na lang si William sa sagot na iyon ni Atasha. "Hay oo na lang. Relax ka lang dragona." "Oo na! Labas na sungit." Hindi na nagsalita pa si William at lumabas na lang siya sa silid na iyon. Nasundan na lang ng tingin ni Atasha ang sumarang pintuan. Napahugot siya ng hangin at muling ibinaling ang paningin sa may kisame. "Mukhang komportable na kayo ni Mr. Del Vechio sa isa't isa ah," wika ng doktor na ikinakunot noo ni Atasha. "Komportable na ba ang ganoon? Halos hindi nga magpalamang. Aba bawat salita ko ay may sagot." Nais sana niyang isatinig sa doktor ngunit sinarili na lang niya. "Sabagay ikaw din naman. Kada salita noong tao ay may sagot ka rin," komento ng isang parte ng isipan niya. "At ako pa ang may kasalanan ganoon?" dagdag pa rin ng isipan niya. Napailing na lang siya ng wala sa oras. "Paano po ninyo nasabi?" Sa halip ay naging tanong na lang niya. "Hindi naman sa totoo kong kilala ang binatang iyon. Ngunit alam ko ang ugali ni William. Tahimik lang iyan at seryoso. Pero tingnan mo at nakikipagsagutan pa sa iyo. Tipong malalapit lang sa kanya ang kaya ang kayang pantayan ang pakikipagsagutan din sa binatang iyan. Ganoon ang ugaling alam ko kay William. Pero sa nakikita ko kanina alam kong komportable siya sa iyo at ganoon ka din sa kanya." "Naku dok malabo po iyon. Siguro dahil ako ang magdadala ng anak niya. Kaya siguro kahit masama ang ugali ay nagpipilit pa iyang magpakabait sa akin. Kita po ba ninyo kung magsungit. Nakakairita." Mangha namang napatingin si Atasha sa doktor ng bigla itong tumawa. Sa isip-isip niya ay wala naman siyang nasambit na katawa-tawa para maging ganoon ang reaksyon ng doktor. "May nakakatawa po ba?" maang niyang tanong. "Sa katunayan ay inaalis lang ni William ang kabang nararamdaman mo. Sa tingin ko kanina ay nakita niyang kinakabahan ka. Pero tingnan mo ngayon. Ano nang nararamdaman mo? Kinakabahan ka pa ba? Natatakot? O ano?" Parang doon lang naisip ni Atasha ang lahat. Iyong kakaibang nararamdaman niya kanina ay hindi niya namalayan na wala na. Siguro nga ay kinakabahan siya. Pero sa mga oras na iyon ay nawala na ang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Kung takot ba iyon o ano. Ngayon normal na ang lahat. "See. Tama ako di ba?" dagdag pa ng doktor sa sinabi nito kanina. "Naku dok imahinasyon mo lang iyan. Sa katunayan, nararamdaman kong nagngingitngit ang bunbunan ng masugit na iyon." "Hay Atasha, pero mabuti talagang nawala ang kaba mo. Dahil ready na rin naman ang lahat ng gagamitin natin. Simulan na natin. Pikit ka na Atasha." Dahan-dahang ipinikit ni Atasha ang mga mata. Alam naman nilang dapat lihim lang ang gagawing iyong sa kanya. Naramdaman niya ang paglalagay ni Dra. Marquez ng facemask sa kanyang mukha. "Relax Atasha," wika pa nito at naramdaman pa niya ang pagbukas ng pintuan. Base sa boses ng mga pumasok tatlong babae iyon. Hindi lang siya sigurado kung lahat ay doktor o may nurse. Hanggang sa may itinurok sa kanya. Mula doon ay unti-unti siyang pinapanawan ng malay hanggang sa tuluyan ng bumigay ang kanyang diwa. Samantala, sa halip na sa mismong sa labas lang ng laboratoryo ay lumabas ng mismong ospital si William. Tinungo niya ang kotse niya at tinawagan ang kaibigan. "Hey, kumusta? Long time no call," bati ni Jacobo na ikinaismid niya. "Gago! Kagabi lang tayo magkausap." "Ows! Kagabi lang ba iyon? Eh! Kumusta ka naman. Ngayon na iyon di ba?" "Yeah. Pero hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naiinis ako na minsan nag-iinit ang ulo ko. Hindi ko mapigilan. Bakit kahit maayos naman ang pakikipag-usap ko kay Atasha hindi talaga maiiwasan na para bang---." Hindi alam ni William kung paano itutuloy amg sinasabi sa kaibigan. "Parang ano?" "Para kasi kaming magnet. Alam mo iyon." "Oi congratulations. Ayaw mo noon? Mas lalo lang kayong magkakalapit sa isa't isa. Malay mo naman sa tinagal-tagal ng panahon na wala kang lovelife ay magka-lovelife ka na. Sabi nga, love moves in mysterious way. Baka iyan na talaga ang way para hindi mo na lang basta, surrogate mother mo iyang si Ms. Bonifacio. Kundi wife material and mother na talaga ng anak mo," masayang turan ni Jacobo na biglang ipinagngitngit ng kalooban ni William. "Gago! As I've said we are like a magnet. But not a magnet with a same poles. We are not attract with each other. We repels one another. Iyong tipong pagmagkakalapit kami, para bang pareho kaming naghahanap ng pwedeng pag-awayan." "Kung nililinaw mo, di naintindihan ko sana. Pa magnet-magnet ka pa. Akala ko kasi pag magnet. You two are attracted with each other. Malay ko bang hindi kayo magkasundo. Pero teka nga. Hindi pala kayo magkasundo ay bakit siya pa rin ang napili mong maging ina ng anak mo. Ang dami pa namang iba. Sinabi ko naman sa iyo na kung hindi mo siya bet ay hahanap ako ng iba." "Sino bang gago ang bigla na lang nang-abala sa akin para magdown ng fifty thousand sa kung saan. Nagmadali pa ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Tapos ayon naman pala ay para lang sa anak ng dragona na iyon." "So nagsisisi ka ng tinulungan mo ang hamak na babae na wala namang ibang nais kundi ang kaligtasan ng kanyang anak?" "No!" "Ayon naman pala eh. Hindi ka naman pala nagsisisi. Bakit naman parang naghihimutok ang iyong butsi?" "Fvck you ka Jacobo!" "Galit ka nga. Ay kung ayaw mo kay Ms. Bonifacio. Huwag mo ng ituloy iyang nais mo. Ihahanap na lang kita ng babaeng pwedeng maging ina ng anak mo. Iyong nagastos mo kay Ms. Bonifacio ay ako na lang ang magbabayad sa iyo. Sayang pa naman iyon. Napakaganda, kung hindi ko lang talaga alam na may anak siya ay hindi ko maiisip na dalagang ina iyon." "Pwede ba, tigilan mo ang pag-iisip ng kung ano sa dragona na iyon." "Oh, akala ko ba ayaw mo sa kanya?" "Hindi ko sinabing ayaw ko sa kanya. Sa akin lang, huwag mo siyang isipin, ako na ang bahala sa kanya." "Ang labo mo pare. Pero sige sinabi mo eh Stop na me. Pero ikaw magrelax ka lang. Nasaan ka ba ngayon?" "Papunta sa condo." "Akala ko nasa ospital ka? Paano si Ms. Bonifacio?" nagtatakang taning ni Jacobo. "Kaya na iyon ni Dra. Marquez. Babalik na lang ako mamaya." Narinig ni William ang paghugot ng hangin ni Jacobo. Sa tingin niya ay nakuha din nito ang ibig niyang sabihin. "Okay. Sana ay maging maayos ang gagawin nila kay Ms. Bonifacio. Para naman matupad mo na rin ang nais mo. Isang lalaking anak na tagapagmana, pero walang kikilalaning ina. Tsk." Nailing na lang siya sa inasal ng kaibigan. Sabagay ay totoo ang sinabi nito. Ngunit saka na lang niya iisipin ang bagay na iyon. Sa ngayon, sana ay matagumpay na maipagbuntis ni Atasha ang kanyang anak. "In my condo?" "Aye, aye sir. I'm on my way." Natawa na lang si William sa naging sagot ni Jacobo. Masaya siyang maging kaibigan ang binata. Sa kabila ng madalas nilang hindi pagkakaintindihan ay hindi naman natatapos ang kanilang pag-uusap ng hindi nagkakaunawaan. Sa huli ay magkasundo pa rin sila, kahit na anong mangyari, o kahit anong pinag-awayan nila. Kung away ngang matatawag ang pagsasagutan nilang dalawa. "Fvck you a*shole!" dagdag pa ni Jacobo. "Fvck you too!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD