Chapter 4

2788 Words
Napakunot noo si Atasha ng pagbaba niya ng tricycle ay may nakaparadang magandang sasakyan sa harapan ng bahay nila. Sinilip pa niya ang paligid at baka naman napadaan lang. Pero ang sasakyan ay hindi na umaandar. Talagang nakatigil ito. Nilapitan niya ang sasakyan ngunit walang kahit anong makikita sa loob. It was highly tinted, hindi lang niya sure kung bullet proof. Ang alam lang niya talagang mahal iyon. Kung baga, doon sa kotse niya noong siya pa si Atasha Castellejo; ay hindi nalalayo ang presyo ng bagong-bagong sasakyan na iyon. "Why you take so long? Mula ospital ba hanggang dito ay dapat abutin ng isa at kalahating oras?" Napaiktad si Atasha ng marinig na naman ang baritonong boses na iyon. Hindi naman niya napansing may lalaking nakaupo sa upuang nasa tabi ng bahay nila. Masyado siyang namangha sa sasakyang nakikita niya ngayon. O mas madaling sabihing namimiss din niya ang sasakyan niya. Hindi naman iyon galing sa mommy at daddy niya. Dahil regalo iyon ng Kuya Allen niya. Pero hindi ibinigay sa kanya noong pinalayas siya. Bigla na naman niyang naalala ang kuya niya. Kung hindi sana nawala ang koneksyon nila. Alam niyang kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan nito. "Mind on earth lady! Saan ka na ba nakarating?" inis na saad ng lalaki kaya napalunok siya. Hindi naman niya sinasadya na mawala sa sarili. Sa dami niyang pinagdaanang hirap. Sino nga ba ang hindi na lang basta matutulala? "Pasensya na," taging naisagot niya dito. "Bakit napakatagal mo? It almost hour and a half na akong narito. Pero ikaw kadarating mo lang!" reklamo ng lalaki na ikinakunot noo ni Atasha. "Oh wait mister. Who are you again? I didn't know you. Isa pa bakit ka ba inis na inis? Pinapalamon mo ba ako para magalit ka ng ganyan?" Hindi na napigilang wika ni Atasha. Pagod na nga siya sa paghahanap ng trabaho. Labis pa siyang nag-aalala sa kalagayan ng anak. Pero heto at may lalaking wala yatang balak magpakilala. Pero kung makasigaw ay daig pang nabili ang buong pagkatao niya. Saglit na natigilan ang lalaki. Mukhang kinakalma nito ang sarili. "Okay Miss, ako ang nagpadala ng pangdown mo sa ospital para sa pagpapagamot ng anak mo. So may karapatan akong magsalita at mainis dahil sa napakatagal kong naghinatay dito sa iyo. Tapos ngayon ka lang nakauwi sa maliit na bahay ninyong ito," wika ng lalaki na nagpapanting sa ulo ni Atasha. Napahugot naman ng hangin si Atasha para kahit papaano ay hindi sumabog ang labis na galit niya. Konte lang. "Aba't nalait mo pa nga ang bahay namin mister. For your information, wala ni isang kusing na galing sa iyo ang ipinagpagawa ng inay sa bahay na iyan para laitin mo lang. Isa pa, hula ko na rin na ikaw iyong lalaking nagbigay sa akin ng pangdown para sa pagpapagamot sa anak ko, dahil sa kaarogantehan ng pagsasalita mo. Ibig ko lang sabihin ginoong hindi maginoo, na hindi ko alam ang pangalan mo. At kung itatanong mo ang pangalan ko sure ako na alam mo na. Aasa pa ba akong hindi mo alam ay alam kong nagpaimbestiga ka na. Bago pa ninyo ako tanungin kung payag ba akong maging bahay bata ninyo ang matres ko. Isa pa huwag kang kasigaw okay. Matres ko lang ang binabayaran mo, o mali pa pala. Matres ko lang ang babayaran mo at hindi ang buong pagkatao ko, kaya manahimik ka sa pagiging arogante mo. Baka hindi kita matantya masapak kita. Papasukin mo muna ako ng bahay dahil pagod na pagod ako. Sa loob tayo mag-usap at sa loob mo din iputak iyang nais ilabas ng butsi mo," ani Atasha kaya naman natameme lang ang lalaking kanyang kaharap. Kahit walang sinasabi ay naupo na lang si William sa bakanteng upuan na sa tingin niya ay salas iyon. Maliit lang talaga ang bahay na iyon. Ngunit dahil sa wala naman siyang gaanong nakikitang gamit ay lumawak ng kaunti. Nakikita niya si Atasha sa kusina. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito. Maliban na lang sa may kung ano itong isinalang sa kalan. Sinundan na lang niya ng tingin ang kung anu-anong ginagawa nito. Ilang saglit pa at lumapit ito sa kanya at iniabot ang isang tasa ng kape. Napatingin tuloy siya sa labas. Hapon pa lang at katirikan ng araw. Pero ang ibinibigay ng babae sa kanya ay mainit na tasa ng kape. "Seryoso ka?" nag-aalangang tanong ni William na ikinakunot ng babae. Lihim siyang napangiti. Tama ang kaibigan niyang si Jacobo, maganda ito at mas lalo na sa malapitan. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit wala itong asawa. At bakit matapos itong mabuntis ay hindi man lang ito pinanagutan ng nakabuntis dito. "Seryoso saan? Sa pagpapainom ko sa iyo ng kape? Malamang. Kaya nga iyan ang ibinibigay ko sa iyo di ba? Ayaw mo?" "Salamat." Wala namang nagawa si William kundi tanggapin ang kapeng ibinibigay nito sa kanya. Kahit napakainit ng panahon at pinagpapawisan na siya ng sobra ay hinigop pa rin niya ang kape. Nasundan na lang niya ng tingin si Atasha ng hinayon nito ang electric fan para buhayin at itutok sa kanya. "Mabuti naman nakaramdam din," sa isip-isip niya. "Pasensya ka na, sure na mayaman ka at hindi ka sanay sa ganitong lugar. Kaya lang wala kaming air-conditioned at wala rin kaming mga juice. Kape lang ang meron dito sa bahay. Hindi ka naman pa espesyal para ikuha pa kita ng juice sa maliit naming tindahan. Kaya pagtiisan mo iyang kape," paliwanag ni Atasha na ikinatango na lang ni William. Naupo si Atasha sa upuan sa harap ng lalaking bisita niya. Kanina pa sila magkausap ay hindi man lang niya alam pa ang pangalan nito. "Mister pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Ang hirap naman kasing kanina pa tayo nag-uusap ay ni pangalan mo ay hindi ko kilala. Samantalang ako sigurado akong kilala mo ako. Isa pa ikaw ba talaga ang nangangailangan daw ng matres ko? Sa tingin ko naman ay bata ka pa at malakas. Bakit hindi ka na lang maghanap ng mapapangasawa?" "Hindi ko kailangan ng asawa. Anak lang ang kailangan ko at hindi ko kailangan ang mga babaeng katulad ng ex-fiancèe ko na manloloko." "Easy, relax. Nagtanong lang ako kung bakit ayaw mong maghanap ng asawa ang dami mo ng sinabi. Hindi ko kailangan ng dahilan mo. Kung ayaw mo ay di ayaw mo period. Ngayon anong pangalan mo? Isang beses pang hindi mo sagutin malilintikan ka ng talaga sa akin." Lihim namang napangiti si William sa talas ng dila na ipinapakita ni Atasha. Parang lahat ng sasabihin niya may sagot itong may halong pagkasarkastiko at pangbabara. "Okay Atasha, una sa lahat hihingi muna ako ng tawad kung ang salubong ko sa iyo kanina ay medyo hindi mo nagustuhan. Medyo nainip lang talaga ako kasi napakatagal mo. I'm Will---." Nahinto sa pagsasalita si William ng mas maunang magsalita si Atasha. "At hindi ko talaga nagustuhan ang kaarogantehan mo. Pero salamat sa pagpapahiram sa akin ng pera. Kung hindi dahil sa iyo hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ng anak ko. Ang anak ko lang ang natitirang meron ako." Napakunot noo si William. Pero bigla din niyang naisip na sabagay, wala itong asawa kaya maaaring iyong anak na nga lang nito ang mayroon ito. "Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Huwag kang sabat nang sabat. Kaya nauudlot eh. I'm William Del Vechio. Kailangan ko pa bang ipakilala ang buong pagkatao ko?" tanong ni William na ikinailing na lang ni Atasha. "Hindi na wala naman akong pakialam kung sino ka. O kung gaano kayaman ang pamilya mo o kung gaano ka kayaman. Ang mahalaga sa akin ay malaman ko ang mga kondisyon mo sa papasukin kong ito. Gagawin ko ito para sa anak ko," paliwang na lang Atasha. Hindi na niya kailangan pang malaman kung gaano kalawak at kakilala ang pangalan nito. Kilala niya ang mga Del Vechio. Isa rin ang pamilya ng mga ito sa mayayamang nakilala niya. Hindi naman sa personal ngunit maingay sa lipunan dahil sa yaman. Ang Del Vechio ay masasabing katulad din ng kanyang pinagmulan. Ganoon din ang iba pang mayayamang kilala at tanyag ang mga pangalang iniingatan. Ang Fuentez, Miller, Veridiano, Del Valle. May isa pa eh sa isip-isip ni Atasha. Tama Cavendish, madami pa, ngunit hindi na niya maalala ang iba pa. "Okay by the way, sagutin mo ang ilang mga katanungan ko. Alam mo naman siguro itong iniaalok ko sa iyo. Kailangan kong mabigyan mo ako ng anak na lalaki. Kung magiging maayos ang usapan nating ito. One hundred thousand a month in ten months habang dala-dala mo sa sinapupunan mo ang anak ko. Ten months ang ibinibigay ko sa iyo, dahil ang ikasampung buwan ay pinaka bonus mo. Lalo na at matapos kang makapanganak hindi ka makakapagtrabaho at makakabalik kaagad sa normal na buhay mo. At pagkatapos ng kontrata babayaran kita ng limang milyon." Napalunok si Atasha, kung ang buhay niya noon ang aalalahanin niya. Ang one hundred thousand ay katumbas lang ng isang sunglasses niya. At ang limang milyon, dalawang araw na pang-shopping lang niya sa ibang bansa. Pero ngayon ang perang makukuha niya ay magiging savings niya para sa pag-aaral ni Juaquim. Para mabigyan niya ng magandang buhay ang anak. "Paano kung babae ang maging anak mo?" "Alam ng doktor ko kung paano magiging lalaki ang anak ko. Doktor nga sila di ba? "Sabi ko nga." "Ano payag ka na? Sayang din ang offer ko sa iyo. Wala kang mahahanapan ng sa loob ng sampung buwan magkakaroon ka na kaagad ng instant ilang milyon." Gusto mang paikutin ni Atasha ang itim sa mga mata ay pinigilan niya. Masyadong mayabang ang lalaking kaharap niya. Pero tama naman ito, sa sitwasyon niyang iyon. Walang magbibigay sa kanya ng ilang milyon. "Para sa anak ko pumapayag ako. Kaya lang wala ka bang babaeng nais magdonate ng egg cell niya para siyang maging ina ng anak mo? Kasi kung tutuusin naiisip mo bang pwedeng maging anak ko rin ang sinasabi mong anak mo nadadalahin ko sa sinapupunan ko sa loob ng siyam na buwan?" Napaayos ng upo si William. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Ilang beses paulit-ulit. Kung hindi lang niya kailangan ng pera para sa anak ay hindi niya kailanman gagawin ang bagay na iyon. "Kaya nga naghahanap ako ng maayos na babaeng magdadala ng anak ko para siya ang maging ina ng anak ko. Tapos hahanapan mo ako ng egg cell ng ibang babae, Atasha?" hindi makapaniwalang tanong ni William sa dalaga. Napalunok si Atasha ng banggitin ni William ang pangalan niya. Parang kay sarap pakinggan. Napatitig siya sa mukha ng lalaki. At iwinaksi ang kung ano mang agiw na dumadaloy sa isipan. "Hindi mo ba naiisip na masyadong malaki ang ibabayad ko sa iyo kung maghahanap pa ako ng ibang babae." Napaismid si Atasha sa isipan. Kung sa sitwasyon niya ngayon totoong napakalaking halaga ng perang iyon. Napahugot siya ng hangin. Hindi na niya dapat balikan ang nakaraan. "Pero bakit ako?" "Bakit ikaw? Ano sa palagay mo kung bakit ikaw?" Parang nagpanting ang tainga ni Atasha ng sagutin din ni Willam ng tanong ang kanyang tanong. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo Mr. Del Vechio. Oo nga at may nakuha na akong fifty thousand sa iyo. Pero mahirap bang sagutin ang tanong ko. Ang isa pa pag hindi ako nakapasa sa expectations mo magiging utang ko pa rin naman ang fifty thousand na iyon at babayaran ko pa rin sa iyo. Kaya pwede ba, sumagot ka ng naaayon sa tanong ko! And don't answer my questions with another fvcking question!" inis na saad ni Atasha na ikinanganga ni William. Hindi akalain ng binata ang sagot na iyon ni Atasha. Wala sa itsura nito ang pagiging mataray at matapang nito. Atasha's appearance was soft, gentle and fragile. Hindi makabasag pinggan. Pero sa nakikita niya ngayon, appearance can be deceiving. "I'm sorry," pagsuko niya. "Una sa lahat sinabi ko na sa iyo na ayaw ko ng asawa. Napag-alaman kong wala kang asawa at may isang anak. Isa kang dalagang ina at sigurado akong wala ka rin namang balak mag-asawa. Lalo na at ayon sa pagpapaimbestiga ko ay wala ka man lang sinagot ni isa sa mga manliligaw mo." "Ano pa ang nalaman mo sa akin?" biglang sabat ni Atasha. Gusto niyang malaman kung may lalabas talagang balita tungkol sa babaeng anak nina Tasha at Arturo Castellejo. Pero hanggang ngayon ay wala. Iyon din ang duda niya kaya hindi na niya nakausap ang kapatid. Namanipula na ng mga magulang niya ang lahat. Talagang pinutol nang mga ito ang koneksyon niya sa mga ito. "Maliban sa hindi ka matanggap sa mga kompanya ay wala kang maayos na trabaho. Tindahan lang ninyo dito sa bahay ang pinaka pinagkukunan ninyo ng panggastos sa araw-araw. At noong mga nakalipas na taon ay naging katulong ka, tindera at kung anu-ano pa. Maliban doon ay wala na. Pero ito curious talaga ako. Bakit hindi ka matanggap sa trabaho sa mga kompanya?" "Tsismoso ka rin eh. It's non of your business Mr. Del Vechio." "Isa na lang, bakit wala kang asawa? Nasaan ang ama ng anak mo?" Napapikit si Atasha sa tanong na iyon. Parang gusto niyang tadyakan ang lalaking kaharap. Kinalma niya ang sarili bago ito muling hinarap. "Nasa Venus. Baka nakikipagpatentero kay Lucifer. Doon nila naisip maghabulan. At nag-eenjoy sa larong taguan. Okay na?" Napangiwi na lang si William sa naging sagot ng dalaga. Pakiramdam niya ay may hindi magandang pinagdaanan ito at ang ama ng anak nito. "Hindi na ako magtatanong ng personal." "Goods, okay back to business. Ano pa ang dahilan kung bakit ako ang napili mo?" "Maganda ka," walang ligoy na sagot ni William. Natigilan si Atasha. Bakit parang kay sarap sa pakiramdam ng sabihin ni William na kaya nais nitong magkaanak at siya ang ina ay dahil sa maganda siya. Napalunok si Atasha, mali ang mag-ilusyon sa mga oras na iyon. Muli ay tinitigan niya si William para pakingga ang sasabihin pa nito. "Isa pa mabibigyan mo ng magandang genes ang anak ko. Genes mo at genes ko. Sure na magandang lahi ang ipapanganak mo. Don't worry. We don't need to do it in natural way. Mabubuntis ka sa pamamagitan ng sperm insemination. Walang gagalaw sa iyo. Isa pa isipin mong after mong manganak magiging maganda ang buhay ng batang isisilang mo." Kahit nahihirapan siyang tanggapin ang kapalaran niya ay wala naman siyang magagawa. Tama ito, kahit sabihing kalahati ng bubuhay sa batang dadalahin niya ay dugo at laman niya, magiging maayos ang buhay nito. At si Juaquim magkakaroon din ng maayos na buhay, pagnagkataon na siya na nga ang magiging surrogate nito. "Para sa anak ko. Pero pwede bang walang makaalam ng gagawin ko kung sakali?" "Pag-uusapan nating muli iyan pagmaayos ang katawan mo at maayos mong madadala ang anak ko. Pati ang kontrata ay pag-uusapan din natin pag-ayos na ang lahat." "Sige," tipid niyang sagot. "Okay kung ganoon at parang nagkakasundo na tayo kahit papaano. Sumama ka na sa akin sa ospital. Kailangan ko ng medical records mo kung fit ka para maging surrogate mother ang anak ko. Hindi naman ako papayag na babayad ako ng basta lang na walang kasiguraduhan ang kalusugan ng magiging anak ako," ani William at nagsimula ng tumayo. "Sandali lang naman. Agad-agad? Umuwi nga ako para kumuha ng damit ng anak ko. Pwede bang sandali lang. Isa pa ay inilalaga ko pa ang itlog ng pugo at mabuti daw iyon para mabilis na tumaas ang platelets ng anak ko. Maghintay-hintay ka lang naman ng saglit. Pero kung gusto mo, umalis ka na susunod na lang ako sa ospital kung saan man iyang sinasabi mo." "No need. I'll wait you. Hindi ka naman siguro aabutin ng bukas." Napatayo bigla si Atasha at biglang napahawak sa baywang at matalas ang tinging tinitigan si William. Kanina pa siyang nagngigitngit sa mga pinagsasasabi nito. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili. Pero talagang pilit pa rin niyang nilalawakan ang kanyang pasensyang pinipigtas nito. "Mr. Del Vechio nagmamadali nga ako. Aabutin pa ba ng bukas ang tagal ko? Kung wala ka rin lang namang sasabihin ay manahimik ka na lang at maghintay ka lang dyan. Iaayos ko lang ang ilang gamit ng anak ko at ng Nanay Rosing ko. Pagkatapos ay babalatan ko na rin ang itlog ng pugo. Pagkatapos ay aalis na tayo. Tu me entiendes? Dami mong satsat," ani Atasha na laglag pangang sinundan na lang ng tingin ni William ng pumasok ito sa isang silid sa bahay na iyon. Napaturo pa si William sa sarili. "Ako pa ang sinabihan niya na kung naiintindihan ko siya? Ay naiintindihan ko talaga siya. Napakatalas ng dila," naipuna na lang ni William at umayos siya ng pagkakaupo. Hinigop na lang niyang muli ang natitira niyang kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD