Chapter 3

2418 Words
Halos pangapusan ng hangin si Atasha ng makaupo siya sa isang bench sa parkeng pinagpapahingahan niya ngayon. Nais na namang tumulo ng mga luha niya sa mga mata, sa pagod na nadarama. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya para makaraos sa hirap. She was once a princess. Pero ng dahil sa gabing iyon nagbago ang lahat. Hindi naman talaga niya kilala ang ama ng kanyang anak. Ang natatandaan lang niya sa gabing iyon ay matipuno ito ngunit hindi naman talaga niya nakita ang mukha. Ayon sa amoy ng lalaki na natatandaan niya paglabas ng club ay ito ang fifty year old na lalaki na sinabi ng bartender. Ngunit noong nadala na siya sa silid na iyon. Nagbago ang amoy na iyon. Halimuyak ng isang napakabagong gwapong lalaki ang tumatak sa isipan niya, ang bango ng lalaking nakasama niya. Na siyang umakin sa katawan niya. Kaya naman lalo lang siyang naakit dito. Kaya naman sa halip na pigilan lang niya ang sarili ay hinayaan na lang niyang angkinin siya nito. Kaya naman naganap ang lahat. Hindi niya malaman kung amoy lang ba iyon ng silid kaya nawala ang amoy ng matanda. Pero iba talaga ang tumatak sa kanyang ilong. Hindi amoy matanda. Higit sa lahat ay nawala ang amoy ng sigarilyo na kanina lang ay dumaan sa pang-amoy niya. Pero noong nagaganap ang lahat, kahit ang amoy na iyon ay nawala. Kaya talagang hindi niya alam. Kahit kung iyon talaga ang matandang iyon. Hindi niya alam. Hindi din naman niya kilala ang mukhang iyon. Ngunit ang ipinagpapasalamat niya, kamukha niya ang anak. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Atasha. Kusa na lang iyong nag-unahan sa pagbagsak. Last hope na niya ang garment factory na ni minsan ay hindi nasambit ng ama. Ngunit ayaw din naman siyang tanggapin dahil sa pinag-aralan niya. Mananahi lang ang kailangan ng kompanya. Doon bumagsak siya. Ilang buwan na lang mag-aaral na rin si Juaquim. Kahit man lang sana magandang edukasyon ay maibigay niya sa anak. Gulong-gulong na talaga ang isipan niya. Hanggang na tumunog ang cellphone niya. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago sinagot ang tawag. "Yes hello," patamad niyang sagot. "Hey bakla, this is Mama Earth of the whole university, este universe. Napag-isipan mo na ba? Malaking pera itong makukuha mo dito. Pumayag ka lang. And take note bakla. Bukod sa monthly allowance na sinasabi ng kaibigan ng kakilala ko, na sinasabi ng kakilala niya, ay mas malaki pa ang makukuha mo pagkatapos mong maibigay ang hinihingi ng mayamang lalaking madatung. Milyon din iyon Atasha. Mabubuhay na kayo ng junakis mo ng maayos. Isama mo pa ang Inay Rosing mo," pangungumbinsi nito sa kanya. "Pag-iisipan ko Mama Ricky," ani Atasha. "Bakit kailangan pang pag-isipan Bebe A? Isipin mong mabuti. Magandang buhay sa inyong mag-ina at sa inay mo. Higit sa lahat magiging maganda din ang buhay ng iluluwal mo. Lahat kayo may magandan life forever and ever Bebe A." Napabuntong-hininga siya. Tama naman si Mama Ricky sa inaalok nito sa kanya. Kaya lang, paano naman niya iyon gagawin? Higit sa lahat kung sa pag-aaral ni Juaquim, pwede na siguro sa pampublikong paaralan sa simula. Mag-iisip na lang siya pag nasa kolehiyo na ito. "Promise Mama Ricky. Pag talagang wala na akong pagpipilian. Tatawagan kita." "Sige, pero sana ay pag-isipan mo kaagad. Sayang ang oportunidades na etey Bebe A. Kung ako lang ang may matres at pang beauty queen ang facelak naku. Ako na ang naggrab ng opurtunidades na etey. Sige na, Bebe A, babush na." Nagpaalam na rin ang kausap at may dumating na customer. Si Tatay Ricardo a.k.a. Mama Ricky ay nakilala niya ng minsang mawalan na siya ng malay dahil sa paghahanap niya ng trabaho. Nang makita siya nito ay dinala siya nito sa salon nito. Hanggang sa nakwento niya dito ang paghahanap niya ng trabaho. Na kahit ito ay nagtataka kung bakit hindi siya natatanggap. Hindi na lang niya nasabi ang dahilan na nakaban ang pangalan niya. Na kahit ibang apelyedo ang gamitin niya ay nadedetect naman ng system ng kompanya kung sino talaga siya. Si Mama Ricky ang nag-aalok sa kanya ng trabahong iyon. Na hindi niya malaman kung tatanggpin ba niya o hindi. Sa totoo lang nagdadalawang isip siya. Pero walang kinalaman si Mama Ricky sa iniaalok sa kanya. Ang sinigurado lang nito na totoong mayaman ang kakilala nang kakilala nito at hindi fake news. "Ano ba ang gagawin ko anak? Hindi ko na talaga alam. Gulong-gulong na ang mommy mo," anas pa niya ng makatanggap siya muli ng tawag. Napapikit na siya ng maisip na baka si Mama Ricky na naman ito. Ngunit bumangon ang kanyang kaba ng si Nanay Rosing ang tumatawag. "Nay." "Mabuti naman at sinagot mo ang tawag anak. Kanina pa akong nag-aalala kay Juaquim. May sinat siya kanina. Napagtanto ko lang noong paggising niya ay ang tamlay ng bata at namumula ang pisngi. Pinainom ko na naman ng gamot. Kaya lang anak--." Nabitin ang sinasabi ni Nanay Rosing sa sinasabi nito. Mukhang lumapit ang anak sa lola nito. Nanginginig siya sa takot. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung may masamang mangyari sa anak. Pinatay niya ang tawag at mabilis na naghanap ng tricycle. Nang may dumaan ay agad niyang pinara iyon para mabilis na makauwi ng bahay. Hindi na pinaalis ni Atasha ang driver at nagpahintay na rin siya. Hindi na siya nagbayad muna para siguraduhing hihintayin siya ng driver. Pagpasok sa loob ng bahay ay nakita ni Atasha ang anak na may bahid ng dugo ang damit. "Anong nangyari kay Juaquim, nay?" hindik niyang tanong at mabilis na binuhat ang walang malay na anak. Magkasunod si Nanay Rosing at Atasha na tinungo ang tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na ospital. "Nay ano po bang nangyayari sa anak ko?" Hindi na napigilan ni Atasha ang maiyak. Ang dami na nga nilang pinagdaraanan na mag-ina ay ganoon pa ang mangyayari sa anak niya. "Hindi ko din naman talaga alam anak. Kanina ay nahihilo lang daw siya at mataas nga ang lagnat kaya tinawagan na kita. Pero habang magkausap tayo ay sumuka ng dugo si Juaquim," paliwanag ng matanda. Napapikit naman si Atasha dahil sa narinig. Ayaw man niyang aminin ngunit parang alam na niya ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang anak. Marami mga bata ang naoospital sa kalapit lugar nila dahil sa kagat ng lamok. Ang pinakamasakit ay iyong, mayroon pang namatay dahil sa sakit na iyon. Nayakap na lang ng mahigpit ni Atasha ang anak. Habang naroon ang takot sa kanyang dibdib. Nang makababa sila ng tricycle ay si Nanay Rosing na ang nagbayad. Mabilis namang tinungo ni Atasha ang emergency room. Ilang beses siyang nakiusap sa doktor na gamutin ang kanyang anak. Ngunit dahil kulang ang kanyang pangdown ay hindi sila tanggapin sa ospital na iyon. Napahagulhol na lang si Atasha. Wala man lang naglakas loob na lapatan ng ano mang gamot ang walang malay niyang anak. Hanggat wala silang naiibigay na pangdown sa ospital. Saksi ang gilid ng emergency room sa kanyang pagtangis. Napakahirap maging mahirap. Kahit hindi niya malaman ang gagawin ay nararamdaman naman niyang hindi siya nag-iisa. Si Nanay Rosing ay nasa tabi niya. Kasama nilang mag-ina. "Malalampasan din natin ito anak." "Sana nga nay. Hindi ko kayang may masamang mangyari sa anak ko. Hindi ko kakayanin." Iyak pa ni Atasha. "Sa akin na muna si Juaquim. Baka ngalay ka na." Wala na rin namang nagawa si Atasha ng si Nanay Rosing na ang bumuhat kay Juaquim. Napatayo siya habang pilit na nag-iisip kung paano siya makakahanap ng pangdown sa ospital. Sapo ang noo ay doon niya naalala ang sinabi ni Mama Ricky. Mas kailangan niyang ipagamot ang anak niya kaysa dignidad na noon pa lang wala na sa kanya. Tinawagan niya ito. At pikit matang tinaggap ang iniaalok nito. "Hingin mo ang account number ng ospital anak. Tatawagan ko iyong kakilala ko para masabi doon sa nangangailangan sa iyo. Para makapagtransfer sila ng pera. Huwag kang mawawalan ng pag-asa Bebe A. Narito lang din ang Mama Ricky for you," ani Mama Ricky na mabilis niyang sinunod. May tumawag sa ospital na hindi niya alam kung sino. Ngunit sa tingin niya ay konektado sa paunang bayad sa ospital na sinasabi ni Mama Ricky iyon. Pagkatapos ng tawag na iyon ay hindi pa naiipasa ang pera ay mabilis na nilapatan ng pangunang lunas ang kanyang anak. Inasikaso kaagad ng mga ito ang bata. Hanggang sa magkamalay si Juaquim. "May dengue po ang anak ninyo. Ang pagsusuka ay isang sintomas ng dengue. Pero huwag po kayong mag-alala. Gagawin namin ang lahat para gumaling siya. Sa ngayon kailangan po ng pasyente na magpahinga muna," ayon sa doktor na sumuri sa kanyang anak. Sobrang init pa rin ni Juaquim at napakataas ng lagnat. Namumutla pa rin ang kanyang anak. Ngunit dahil nasa ospital na sila. Kahit papaano ay napanatag ang kalooban niya. Sinabi din ng doktor mabuti na lang at nadala kaagad ang kanyang anak sa ospital. Ang kailangan lang nito ay makapagpahinga ng maayos para sa tuluyan nitong paggaling. Ngunit nangangailangan na manatili ang bata sa ospital ng ilang araw pa, hanggang sa tuluyan na itong gumaling. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng mensahe kay Mama Ricky na nagpadala ng fifty thousand pesos ang lalaking nangangailangan ng serbisyo niya bilang paunang bayad. Kung talagang magiging compatible siya sa trabahong hinihingi nito sa kanya. At kung hindi ay magiging utang niya ang fifty thousand na ipinadala nitong bayad sa ospital. Kahit papaano ay nasolusyunan ang bago niyang problema ngayon. Inilipat na ng private room si Juaquim. Nasa loob na sila ng silid ng muling makatulog ang anak. Kasama din niya doon si Nanay Rosing. Sa ilang sandaling katahimikan ay nakatanggap siya ng tawag. It was from an unknown number. Wala siyang balak sagutin kaya pinatay niya ang tawag. Nakailang missed calls din ito bago siya nakatanggap ng mensahe. Unknown Number: Why so rude for not answering my calls sweet mistress. I'm the one you need the most. Ako ang nagdown sa ospital para sa pagpapagamot sa anak mo. Now, answer my call! Katatapos lang niyang basahin ang text ng muli itong tumawag. Napalunok pa siya sa kabang nararamdaman. Mabilis niyang tiningnan si Nanay Rosing at nagpaalam na sasagutin lang niya ang tawag na iyon. Tumango naman ito bilang sagot at mabilis na siyang lumabas ng silid. Pagkarating niya ng fire exit at saka lang niya sinagot ang tawag. "Bakit ang tagal mong sagutin ang isang simpleng phone call!" Inis na saad ng isang baritonong boses mula sa kabilang linya. "P-pasensya na po. Kalilipat lang po sa pribadong silid ng anak ko," paliwanag niya na may kalahating katotohanan naman iyon. "Okay I'll accept your excuses. But only this time. Pupuntahan kita kung saan tayo pwedeng mag-usap. O kung gusto mo dyan na sa ospital. Alam mo na siguro kung ano ang pakay ko sa iyo. No string attached just gave me a son," maawtoridad nitong saad at walang paligoy-ligoy. "Okay sir. Okay lang po bang sa bahay na lang? Kailangan ko pong kumuha ng gamit ng anak ko. Isa pa ano po ang pangalan po ninyo?" "Okay then, at your house." Napatitig na lang si Atasha sa cellphone niya ng bigla na lang nawala ang tawag. "Paano niya ako pupuntahan sa bahay? Hindi ko pa naman nabibigay ang address ko. Isa pa nagtatanong lang ng pangalan, hindi man lang ako sinagot. Hindi nga pala sinabi ni Mama Ricky kung ilang taon na ang lalaki. Paano kung hukluban pala?" Napakibit balikat na lang si Atasha. "Bahala siya, sabagay alam ko naman na mayaman sila kaya nga nakakapaghire sila ng ganoon. At akong walang pera, ako iyong kumakapit sa patalim. Pero hindi ko pinagsisisihan ang panahong mas pinili ko si Juaquim. Wala man akong pamilyang nagmamahal sa akin. Mayroon akong isang Nanay Rosing at isang Juaquim na siyang buhay at lakas sa akin. Pero sana hindi hukluban ang mukha ng lalaking iyon. Baka pumasok na lang akong katulong," nakangiwing saad ni Atasha sa huling sinabi. Humugot muna siya ng hangin bago binalikan ni Atasha si Nanay Rosing. Nagpaalam muna siya dito na ikukuha muna niya ng gamit ang anak. Magdadala din siya ng kaunting pagkain nila habang nasa ospital pa ang kanyang anak. Nakatingin sa kanya si Nanay Rosing at hiniwakan siya sa kamay ng matanda. Alam niyang nais matanong ng matanda, kung paano nangyari na mabilis na ginamot si Juaquim, gayong wala nga silang pangdown sa ospital. Ngunit naging tahimik lang ito at niyakap lang siya. "Nay, alam kong madami po kayong tanong. Ako man po ay hindi ko alam kung paano sasagot. Isa lang naman po ang masasabi ko. Kahit po kapit sa patalim, basta po para sa anak ko gagawin ko. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko po ipapahamak ang sarili ko. Para po kay Juaquim at sa inyo. Gagawin ko ang lahat, kayo na ang pamilya ko mula ng itakwil ako ng mga magulang ko. At nagpapasalamat po ako doon." "Basta palagi mong tatandaan Atasha. Narito lang ako para sa inyong dalawa ng anak mo," ani Nanay Rosing na mas lalong ikinahigpit ng yakap dito ni Atasha. "Salamat po nay. Kung hindi po dahil sa inyo. Hindi ko alam kung nasaan na kami ng anak ko ngayon. Kung maayos pa ba kami o kung humihinga pa po ba ako ngayon." Hindi na napigilan ni Atasha ang maluha, pagnaaalala niya ang araw na natagpuan siya ni Nanay Rosing. Naglalakad lang siya noon na walang patutunguhan. Pagkatapos ay bumuhos pa ang malakas na ulan. Gusto man niyang tawagan ang kuya niya ngunit doon lang niya napansin na wala na ang cellphone niya sa kanya. Walang-wala na siyang pag-asa. Hanggang sa may humintong tricycle sa tapat niya at may bumaba doong matanda. Hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi nito at puro na lang siya tango. Isinama siya nito sa bahay nito. Kinabukasan, doon na lang niya naunawaan ang pagmamalasakit ni Nanay Rosing sa kanya. "Salamat po ulit nay." "Walang problema anak. Nga pala sabi noong mga nanay na mga nagkaroon ng dengue ang mga anak ay mabisa daw pampataas ng platelets ang ubas at itlog ng pugo. Wala namang masama kung susubukan natin Atasha. Kumakain noon si Juaquim. Bumili ka ha, bago ka umuwi ng bahay para mailabon mo iyon at ang ubas berde ang hanapin mo." "Opo nay, gagawin ko po. Salamat po. Maiwan ko po muna si Juaquim sa inyo." "Mag-iingat ka anak." Hinalikan muna ni Atasha sa noo ang natutulog na anak. Bago siya muling magpaalam kay Nanay Rosing na babalik din mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD