Chapter 15

1745 Words
Unti-unting iminulat ni Atasha ang mga mata. Nagtataka siya kung ano ang pwesto niya. Pakiramdam niya ay nasa may sahig siya. Ngunit hindi naman nakalapat ng husto ang kanyang katawan. Hanggang sa mapansin niyang nasa kusina pa rin siya sa mga oras na iyon. Ililibot pa sana niya ang paningin ng mapagtanto niya ang mga brasong nakaalalay at nakayakap sa kanya. Doon lang niya napansin ang lalaki. "William," aniya ng mapansing seryoso itong nakatingin sa kanya. Kaya naman bigla na lang siyang napasimangot. "Anong ginagawa mo?" "Hindi mo namalayan? Nakaidlip ka, habang kalong kita. At si Juaquim, nagpaalam na sa akin na tapos na daw siyang kumain ng ice cream. Kaya maglilinis na daw siya ng sarili at magtutungo na sa silid ninyong mag-ina." "Bakit hindi mo ako ginising? Pinabayaan mo ang anak ko?" "Anong pinabayaan? Tanungin mo kaya ang anak mo. Sabi niya huwag na daw kitang gisingin para makapagpahinga ka. Mukha naman yatang may tiwala sa akin. Hindi nga nagalit ng nakatulog kang kalong kita. Isa pa ay kaya na naman daw niya at malaki na daw siya." "Bata pa rin iyon. Apat na taon pa lang ang anak ko. Del Vechio." "Alam ko. Ang sarap nga niyang maging anak. Ang matured. Pero teka nga lang, natanong ko kay Juaquim na sa kanya ang gamot na ibinigay mo sa akin. May allergy din siya?" Bigla ay naalalang itanong ni William. "Pakibitawan muna ako. Parang nag-eenjoy ka sa pagkakakandong sa akin ah." "Baka lalo ka na. Aba'y nakatulog ka pa nga. Sabi mo lang ay nahihilo ka." "Ikaw kaya ang magbuntis! Bwisit ka!" bulong ni Atasha na si William lang ang nakakarinig. Ayaw din naman niyang maririnig siya ng anak habang sinisigawan ang masungit na lalaki na kung tutuusin ay pinaka boss niya. "Relax, napakamabunganga mo talaga. Bungangera ka ba talagang dragona ka?" "Aba't akala mo ay kung sino kang sungit ka ha. Akala ko ay mabait ka na. Nagkamali ako." "Dragona ka nga. Kung hindi ka si pagalit hindi tayo magkakasagutan ng ganito." "Kung hindi ka nagsusungit hindi ako magagalit sa iyo!" ani Atasha na pigil hininga. "Hindi naman ako nagsusungit eh. Pasensya na ng matapos na ito." "Ganyan dapat. Hindi iyong madami ka pang sinasabi. Masungit na nga bwisit pa." "Tumigil na ako ha. Kaya tumigil ka na rin. Paano tayo magkakasundo." "Huwag mo akong galitin," sagot ni Atasha na ikinatango na lang ni William. Sa palagay niya ay kung walang hihinahon sa kanila. Hindi huhupa si Atasha. "Relax Atasha. Sorry na. Hindi ko sinasadyang inisin ka, o galitin ka. I'm sorry." Kailangan na rin talaga niyang mapahinahon ang dalaga. Baka mamaya ay sumama pa ang pakiramdam nito dahil sa inis sa kanya. Hindi naman niya nanaising mapahamak ang anak niya sa sinapupunan ng dalaga ng dahil lang sa away nilang walang katuturan. Dahil hindi naman talaga sila dapat nag-aaway. Napakamot na lang ng ulo si William. Wala talaga siyang lusot sa babaeng kaharap. Hiling na lang niyang sana ay hindi mamana ng anak niya ang katarayan ng ina nito. "Okay ka na?" ani William. Tumango naman si Atasha bilang sagot. "William," tawag pa ni Atasha. "Hindi mo ba alam na may mani iyong isang flavor ng ice cream na kinain mo?" tanong niya sa mahinahong tinig. Parang napagod din si Atasha sa pakikipagsagutan sa binata. "Sa totoo lang ay hindi ko alam. Tapos ng matikman ko ay masarap naman. Kaya kinain ko na lang. Hindi ko talaga alam. So sasagutin mo na ang tanong ko. Maupo muna tayo." Kanina pa silang nagsasagutan ngunit hindi man lang niya napaupo si Atasha. Gusto tuloy tuktukan ni William ang sarili. Inalalayan muna ni William si Atasha na makaupo sa silya. Siya man ay naupo na rin. Doon lang niya napansin na malinis na ang lamesa. Dahil nakapikit siya kanina ay hindi niya napansin na niligpit na pala ni Juaquim ang kalat sa lamesa at lahat ay nasa may lababo na. Napangiti na lang si William na sa murang edad marunong na si Juaquim sa buhay. Napakahusay na ina ni Atasha. Iyon talaga ang hindi maiipagkailang magandang katangian ng dalaga. "Allergy si Juaquim sa peanut. Kaya palagi akong may nakatagong gamot niya in case of emergency." "Ganoon ba? Pareho pala kami. Salamat ulit sa gamot. Kung hindi dahil doon. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa akin." "Wala iyon. Sa susunod mag-ingat ka na lang. Ikaw na nga ang bumili. Pumili ka pa ng hindi pwede sa iyo." "Ano bang flavor iyong kanina? Hindi ko naman alam talaga. Palagi lang kasi akong cookies and cream para safe. Isa pa paborito ko iyon." Napakunot noo naman si Atasha sa sinabing iyon ni William. May kung anong bagay na tumatakbo sa isipan niya. Parehong ayaw ng beans pero gusto ng lasa sa sabaw. Magkatulad na allergy sa mani. Higit sa lahat ay paborito ang cookies and cream na flavor ng ice cream. Hindi kaya? Natigilan si Atasha. Ngunit pilit niya iyong iwinawaksi sa isipan. Hindi maaari ang bagay na iyon. Napabuntong-hininga na lang si Atasha. Mali na pag-isipan niya ng isang bagay ang lalaking sa tingin naman niya ay hindi ganoon na basta na lang aalis ng walang paalam, matapos ang gabing iyon. Hindi rin ito katulad ng deskripsyon ng lalaking nakasama niya ng gabing iyon, ayon sa bartender sa pagkakaalala niya. Matanda na iyo. Walang-wala sa edad ni William. Mali ang iniisip niya. "Bakit?" tanong ni William sa pananahimik ni Atasha. "Ah wala. Ano kasi, double dutch iyong isa at may peanut iyon. Pareho kayo ni Juaquim, paborito din niya ang cookies and cream. Tapos pag may peanut, tumitikim din naman siya. Pero dapat ay may nakahanda na akong gamot niya. Alam mo na bata curious sa lasa ng mga pagkain." "Ah ganoon ba? I'm sorry . Hindi nga kasi ako bumibili noon kaya hindi ko naman talaga alam. Kung kumakain ka ng lahat ng flavor ng ice cream. Kanino nakuha ni Juaquim ang allergy niya. I mean kanino niya namana?" "Baka sa tatay niya. Hindi ako sigurado. Kaya lang kanino pa? Kung hindi naman sa akin," wala sa sariling sagot ni Atasha. "Tanong lang, nasaan ang ama ni Juaquim. Hindi naman sa pagiging tsismoso. Gusto ko lang malaman." "It's a long story. Pero hindi ko naman inililihim. Hindi ko naman ikinakahiya. Pero nagawa ko ang bagay na iyon at ayan na nga. Si Juaquim ang naging bunga." "Anong nangyari?" Napahugot ng hangin si Atasha bago muling tumingin kay William. "I have a boyfriend na akala ko siya na iyong the one ko. First boyfriend ko siya actually. Hanggang sa nalaman kong may asawa na pala siya at dalawang anak. Kaya noong araw ding iyon nakipaghiwalay ako sa kanya. Mas mabuti ng masaktan ako, huwag lang akong makasira ng pamilya. And that night nagawa kong maglasing, dahil sa sama ng loob. And something happens. Someone take advantage sa pagkalasing ko, and he took my innocence. Wala naman akong nagawa dahil kasalanan ko rin naman. Nasaktan, naglasing at nabuntis ng lalaking hindi ko kilala. Pero wala akong ibang sinisisi sa nangyari sa buhay ko, kundi sarili ko lang mismo. Ang nakakalungkot lang ay nadamay sa hirap ang anak ko. Na hindi naman niya dapat maranasan." Natahimik naman si William sa sinabing iyon ni Atasha. Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng pagkahabag sa dalaga. Sa bawat salitang binibigkas ni Atasha ay may katumbas iyong sakit sa puso niya. Bagay na hindi niya maunawaan kung bakit apektado siya. Pero ngayong kahit papaano ay may idea na siya sa pinagdaanan nito ay mas lalo niyang nauunawaan ang ugali ni Atasha. Sigurado na siyang mabait talaga ito. At ang pagtataray na ipinapakita nito sa kanya ay hindi totoo. "Hindi mo ba talaga alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi mo hinanap?" "Hindi ko nga nakita ang mukha niya at wala akong balak alamin. Masaya na ako sa buhay ko kasama si Juaquim. Mahirap man, ngunit kailangan kong mabuhay para sa anak ko. Isa pa ang tungkol naman sa iyo, ay may maganda namang patutunguhan ang ibabayad mo sa akin. At iyon ay mapupunta sa kinabukasan ni Juaquim. Mahalin mo sana at bigyan ng magandang buhay ang sanggol na isisilang ko. Sana ay maging mabuti kang ama sa kanya. Ayos lang sa akin na sabihin mong namatay sa aksidente ang kanyang ina." "Atasha." "Seryoso ako. Alam kong wala akong karapatan sa bata dahil saan man daanin ibenenta ko siya. Pero wala akong masamang intensyon. Ang nais ko lang ay mabigyan din ng magandang buhay si Juaquim. Tulad ng magiging anak mo." Hindi na napigilan ni Atasha ang maiyak. Alam naman niyang dala lang iyon ng kanyang pagbubuntis. Ngunit kahit ganoon. Totoo ang kanyang nararamdaman na nasasaktan siyang may isang anak siyang iluluwal at mawawalay sa kanya. "Pangako Atasha, aalagaan at pakamamahalin ko ang anak ko. Ako ang humiling nito at kaagad namang ibinigay. Magiging maayos ang buhay ng anak ko. Tulad ng nais mo. Kagaya ng gusto mo. Tahan na huwag ka ng umiyak." "Salamat at pasensya na." "It's okay Atasha. Magpahinga ka na rin. Alam kong napagod ka." "Paano ka?" Napatingin pa si Atasha sa tambak na dayagin sa lababo. Hindi na hinayaan ni William na gumawa pa si Atasha sa kusina. Bagkus ay inutusan na lang niya itong magpahinga at tabihan na lang ang anak nito sa pagtulog. "No need to worry. Kaya ko na ito. Puntahan mo na si Juaquim. Mag-ayos ka na lang din ng sarili mo at magpahinga ka na. Don't forget to take your vitamins. May tubig ka pa ba sa silid mo?" "Oo. Salamat. Kalalagay ko lang ulit ng isang pitchel na tubig doon." "Sige magpahinga ka na." "Sigurado ka?" "Oo. Ako na nga ang bahala dito. Sige na." Nasundan na lang ni William ng tingin si Atasha. Napangiti pa siya sa sarili kung bakit kay gaan ng kanyang pakiramdam sa mga oras na iyon. Matapos ang kanilang bangayan ay heto sila at magkasundong muli. Bagay na talagang kahit gaano sila magsagutan, nagiging maayos pa rin ang kanilang pag-uusap bago sila maghiwalay. Natigilan saglit si William ng maalala na naman niya ang sinabi ni Atasha. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit may kung anong damdamin ang lumukob sa kanya kanina sa kwento ni Atasha. Kung paano nito naging anak si Juaquim. Sa tingin niya ay hindi lang basta awa ang nararamdaman niya para sa dalaga. Hanggang sa maalala niya si Juaquim. "Allergy sa mani? What a coincidence?" naiiling na lang niyang saad. Bago sinimulang dayagin ang mga kalat sa lababo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD