Chapter 14

2448 Words
Nasa dalawang linggo na rin mula ng tumira sina Atasha at ang anak na si Juaquim sa condo unit ni William. Mula noong unang araw ng mag-ina sa condo ng lalaki ay wala namang naging problema. Maliban sa sagutan at bangayan nilang dalawa, na normal na yata sa kanila. Alas kwarto na ng hapon sa mga oras na iyon. Nasa may salas silang mag-ina habang nanonood ng t.v. Wala naman siyang ibang mapagkakaabalahan doon kundi ang manood lang ng t.v., maglaro sa cellphone o kaya naman ay matulog. Hindi naman mabigat ang pagiging katulong niya sa bahay ni William. Kaya naman pagkatapos ng mga gawain, hayon at nakatambay na lang silang mag-ina Napasulyap na lang si Atasha sa cellphone niya ng tumunog iyon. Mensahe mula kay William ang bumungad sa kanya. Sungit: Sa bahay ako magdi-dinner. Magluto ka ng masarap ha. Napataas naman ang kilay ni Atasha sa nabasa niya. "Aba't bet na bet na gawin talaga akong katulong ng sungit na ito. Kung makautos. Wala man lang please. Pasalamat siya at extra income ko din ito. Kung hindi, anong akala ng sungit na iyon susundin ko siya? Never! As in never!" bulong pa ni Atasha para hindi marinig ng anak ang sinasabi niya. Atasha: Anong gusto mo ng makapagsimula ako? Reply na lang ni Atasha. Ayaw din naman niyang makipagtalo. Wala siya sa mood para mang-away. Sungit: Kahit anong gusto mong kainin. Kung anong ulam ang nais mo. Iyon na lang din ang kakain ko. Atasha: Okay. Sungit: Ice cream? Napangiti naman si Atasha sa naging reply na iyon ni William. Parang bigla siyang nagcrave sa ice cream. Atasha: Yes please! Sungit: Flavor? Atasha: Any flavor. Basta iyong double flavor. Sungit: Note! Napangiti na lang si Atasha. Parang bigla siyang ginanahan na magluto, sa kaalamang may ice cream na pasalubong si William. Abala naman sa panonood si Juaquim. Masaya talaga siyang kasama niya ang anak sa mga oras na iyon. Kahit sabihing mawawalay din si Juaquim ng ilang buwan sa kanya pag nagsimula ng lumaki ang sinapupunan niya ay panatag pa rin naman siya. Lalo na at si Nanay Rosing ang mag-aalaga sa anak. "Anak anong ulam ang gusto mo? Dito daw maghahapunan si Tito William." Halos mamilog naman ang mga mata ni Juaquim ng marinig na doon maghahapunan ang binata. Alam naman ni Atasha na naghahanap ng kalinga ng isang ama ang anak. Kaya lang hindi niya kayang ibigay ang nais nito. Hindi niya alam kung sino ang ama ni Juaquim. Matapos ang gabing iyon ay naglaho na lang itong parang bula. Kaya naman nagpapasalamat siyang mabait si William sa anak niya. At hindi man alam ng binata ay nagpapasalamat si Atasha sa hiram na sandali ng anak niya dito. Kahit hindi iyon alam ni William. "Totoo mommy? Makakasabay nating kumain si Tito William?" "Oo anak," gulat na napangiti si Atasha ng bigla na lang siyang yakapin ni Juaquim. "Anak pasensya ka na sa mommy ha." Doon hindi na napigilan ni Atasha ang paghikbi. Hindi malaman ni Atasha kung bakit bigla na lang siyang naiyak. Kung dahil ba sa hindi niya mabibigyan ng isang buong pamilya ang anak. At sa yakap ni Juaquim na hindi man nagtatanong ay alam niyang maraming katanungan ito sa isipan. O dahil sa pagbubuntis niya. "Bakit ka po umiiyak mommy? Isa pa, para saan po at humihingi ka ng pasensya?" inosenteng tanong ni Juaquim. "Dahil hindi ko alam kung paano kita mabibigyan ng isang buong pamilya anak. Sorry dahil ganito lang si mommy. Pasensya na dahil lumaki ka na ako lang ang kinikilala mong magulang at hindi ko pa maibigay ang lahat ng pangangailangan mo. Sorry anak." "Mommy, I want to tell you something." Naguguluhan man ay tumango na lang si Atasha para sa kung ano ang sasabihin ng anak. "Ano iyon?" "I heard you one time, habang kausap mo si Lola Rosing. You cried a lot that time. Siguro dahil nahihirapan ka na dahil sa akin. But sobrang thankful ako na ikaw ang mommy ko. Hindi mo ako pinabayaan. And you love me so much." "At totoo iyon anak. Mahal na mahal kita." "I know na hindi mo kilala kung sino ang daddy ko. Na you got pregnant with someone you don't know. That I'm a product of a one night stand." "Juaquim!" Medyo napataas ang boses ni Atasha. Pakiramdam niya ay maiiyak ang anak, ngunit pinigilan ni Juaquim ang mga luhang nais ng mag-unahan sa mga mata nito. "Bakit ka nakinig? Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin noon?" Gusto mang magalit ni Atasha, ngunit ano at saan ba siya dapat magalit? Totoo naman ang sinasabi ng anak. "I'm sorry mommy," ani Juaquim na tuluyan ng naiyak. "Sshh, Juaquim. Hindi ako galit. I'm sorry kung hindi magandang halimbawa si mommy sa batang katulad mo." "No mommy. Ikaw pa rin ang pinaka the best na mommy sa lahat. Kahit hindi mo kilala kung sino ang daddy ko. Bakit ako maghahanap kung nariyan ka naman at hindi ako pinabayaan kahit kailan? Nariyan si Lola Rosing na naging kaagapay mo sa pag-aalaga sa akin. But please mommy, alam ko pong mali. Pero hayaan mo pong maramdaman kong magkaroon ako ng daddy sa katauhan ni Tito William kahit hindi niya alam. Masaya lang po akong may yumayakap at bumubuhat sa akin kahit saglit." Mas lalo namang hinigpitan ni Atasha ang pagkakayakap sa anak. "Sorry talaga anak." "Mommy, sapat na po sa akin ang maranasan kahit saglit. Hindi po ako maghahanap ng wala. Kontento na po ako sa hiram. Masaya na po ako doon." "Hay Juaquim. Sobrang swerte ni mommy dahil naging anak kita. Pero paano kung isang araw mahanap natin kung sino ang daddy mo?" Saglit na bumitaw Juaquim sa yakap ng ina. "Hindi po ako magtatanong, at hindi po ako magdaramdam. Alam ko naman pong, kung alam niya na narito ako magiging masaya siya. Pero kung hindi po siya masaya at hindi niya ako tanggap. Mahalaga naranasan ko pong magkaroon ako ng daddy kahit hindi alam ni Tito William. Experience to have a daddy is more than enough than never mommy. And I cherish that moment in my heart. Even if it last for only a month." "I love you Juaquim." "And I love you more mommy." "Sige na. Ano ng lulutuin ko. Ang drama tuloy nating mag-ina." "Because you loves me a lot," ani Juaquim na ikinatawa nilang mag-ina. "Gusto ko na lang mommy ng pritong karne ng baboy, tapos ay nilaga na maraming patatas, beans at repolyo." "Masarap nga iyan anak. Sige magsisimula na ako. Mag-enjoy ka na lang muna dito panonood ha. Magluto na ako." "Okay po mommy." Bumalik na sa panonood si Juaquim. Habang si Atasha naman ay tumuloy na sa kusina para naman makapagsimula na ring magluto. Samantala, napangiti na lang si William matapos ibaba ang cellphone niya sa working table niya. "Mukhang mabait ngayon ang dragona at hindi nang-away." Nailing na lang siya at ipinagpatuloy ang trabaho. Alas sais na rin ng gabi ng mapagpasyahan ni William na umuwi na. Tapos na rin naman niya ang trabaho. Wala na rin naman siyang appointment kaya naman nauna na niyang pinauwi ang sekretarya niya. At siya, makakauwi talaga ng maagap sa araw na iyon. Habang binabagtas ang daan pauwi ay dumaan muna siya sa convenience store para bumili ng ice cream. "Dalawang flavor?" aniya, bago dinampot ang isang tub ng ice cream na may dalawang flavor ng hindi binabasa ang flavour noon. "Tito William," masayang bati ni Juaquim sa bagong dating pagkabukas pa lang ng pintuan. Binuhat naman kaagad ang binata si Juaquim ng salubungin siya nito. "Mommy mo?" "Nasa kwarto po, maliligo daw po siya. Mainit daw po sabi ni mommy. Katatapos lang po daw niyang magluto." "Ganoon ba? Tara sa kusina lagay muna natin ito sa ref." "Wow ice cream. Matagal na po nang huli akong makatikim niyan. Hindi pa po ako naoospital," ani Juaquim na ikinangiti naman ni William. "Ngayon makakakain ka na ulit. Kaya malaki itong binili ko." "Thank you po." Ilang sandali lang din at lumabas na rin ng silid si Atasha. Naabutan na niya si Juaquim at William na magkatabing nanonood ng t.v. Kahit ang pinapanood ni Juaquim ay nursery rhymes ay hindi naman niya nakakitaan ng pagrereklamo si William. "Nagugutom ka na? Maghahayin na ako?" "Yes please! Thank you. Anong niluto mo?" "Nilagang karne ng baboy at prito. Request ni Juaquim." "Okay," ani William at nag-okay sign pa sa kanya. Nagpatuloy na lang si Atasha papunta sa kusina. Tatawagin na lang niya ang dalawa pag naayos na ang lamesa. Matapos maghayin ay tinawag na nga ni Atasha sina William at ang anak. Sabay-sabay pa silang naupo sa upuan sa may hapag. Marunong na namang kumain si Juaquim na mag-isa kaya naman hinayaan na niya ang anak at nagsimula na silang kumain. Natigil sa pagsubo si Atasha ng mapansing inaalis ni Juaquim ang beans sa nilaga nitong ulam na nasa mangkok at inilalagay sa mangkok niya. "Anak ikaw ang nagpalagay niyan sa nilaga. Pero bakit inaalis mo?" "Mommy gusto ko po ng lasa. Pero ayaw ko pong kainin." Napangiwi na lang si Atasha sa naging sagot ng anak. Oo nga pala, nakalimutan niya ang bagay na iyon. Napangiti na lang siya sa mga oras na iyon ng maalala niya. Ngunit saglit siyang natigilan ng mapatingin kay William na natigil din sa ere ang kutsara habang ginagawa ang isang bagay. Nasundan na lang ni Atasha ang patas ng beans sa lamesa na galing sa mangkok na kinalalagyan ng nilagang baboy na ulam ni William. "Anong ginagawa mo?" "Hindi kasi ako kumakain ng beans. But don't worry. I like the taste of that green beans sa nilaga." Salit-salitang tinitigan ni Atasha si William at ang anak. Hindi niya alam, ngunit gusto niyang tawanan ang pagkakataong iyon. "Why?" hindi napigilang tanong ni William. Sa tingin niya ay hindi alam ng binata ang naging kilos ni Juaquim. Dahil abala ito sa sariling pagtataggal ng beans sa nilaga. "Ah wala naman. Sana magustuhan mo." "Natikman ko na. Masarap. Thank you sa dinner. Nga pala, nasa freezer iyong ice cream na dalawa ang flavor. Hindi ko na natingnan ang flavor. Basta dalawa iyon." "Okay. Thanks kain ka na." Lihim na pinagmasdan ni Atasha sina Juaquim at William. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba talaga. Ngunit wala namang ibang dahilan talaga. Kundi nagkataon lang talaga ang bagay na iyon. Pagkatapos nilang kumain ay si Atasha na ang naglabas ng ice cream na binili ni William. Doon nakita niyang double dutch iyon at cookies and cream. "Mabuti naman at cookies and cream ang kalahati" ani Atasha at mas unang binigyan ng cookies and cream na flavor lang ang anak. Bawal kasi kay Juaquim ang may flavor na peanut dahil may allergies ito doon. "Thank you mommy. Thank you din Tito William sa pa ice cream. Favorite ko po itong cookies and cream." "Me too," nakangiting saad pa ni William na hindi na lang gaanong pinansin ang sinabi ni Atasha ang sinabi nito. Sunod na inabutan ni Atasha si William ng dalawang flavor ng ice cream. "Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong flavor ng ice cream masarap pala," komento ni William at nagpatuloy lang sa pagsubo. "Kahit naman anong flavor masarap, para sa akin. Ngunit pili lang ang kay Juaquim." "Bakit n-naman?" nauutal na tanong ni William ng bigla na lang nitong mabitawan ang hawak na kutsara. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Atasha na ikinatango lang ni William. Napatayo si Atasha sa kinauupuan ng halos mapansin niyang hindi na makahinga si William. "William, anong nangyayari sa iyo? Hindi magandang biro ito?" Naiiyak na si Atasha sa mga sandaling iyon ng bigla na lang bumagsak si William sa upuan. Mabuti na lang at mabilis si Atasha at nasalo niya si William kaya naman hindi bumagsak ang ulo nito sa sahig. Nasalo ng mga hita ni Atasha ang ulo ni William. Kahit si Juaquim ay iniwan ang pagkain dahil sa pag-aalala kay William. "Tito William," naiiyak na tawag ni Juaquim sa pangalan ng binata. "William anong nangyayari sa iyo? Magsalita ka naman oh," pakiusap ni Atasha. Habol pa rin ni William ang paghinga ngunit nagawa niyang ibukas ang bibig. "P-peanut." "Peanut?" ani Atasha habang nakakunot ang noo. Hindi kaagad maisip ni Atasha ang nais iparating ni William. Hanggang sa umiyak si Juaquim. Siguro ay naaawa sa kalagayan ng binata. "Peanut. Ano bang meron sa mani!" naiinis na saad ni Atasha at muling tumitig sa anak. "Tito William." "Allergy ka sa peanut?" tanong ni Atasha na nagawang tumango ni William. "Juaquim alam mo iyong gamot mo sa allergy," ani Atasha na ikinatango ng anak. "Kuhanin mo anak iyong bago na nasa kwarto. Kailangang maturukan si Tito William." Hindi na nagdalawang-isip si Juaquim at mabilis na tinakbo ang palabas ng kusina. Pagbalik ni Juaquim ay dalawa ang dala nitong gamot. "Hindi ko alam mommy ang luma at bago." "Ayos lang anak " Matapos makuha ang bagong gamot na hawak ng anak ay mabilis na binuksan iyon ni Atasha at itinurok sa may hita ni William. Walang isang minuto mula ng nabigyan ni Atasha si William ng gamot ay nagnormal ang paghinga nito. Hagya ng nakahinga ng maluwag si Atasha. At hindi namalayan na pati siya ay napahiga na rin sa sahig. "Mommy?" "Okay lang ako anak. Tuloy ka na sa pagkain ng ice cream. Pero sa salas ka na ulit. Manood ka ng t.v. Maayos na rin ang kalagayan ni Tito William. Magrest lang ako saglit at nahilo ako." "Ayos ka lang po talaga?" "Yes baby, I promise. Sa salas ka na lang muna." Hindi na nagtanong pa si Juaquim at sumunod na lang sa sinabi ni Atasha. Dinala na rin ni Juaquim ang kinalalagyan ng ice cream niya. "Atasha." "Mamaya mo ako kausapin. Nahihilo ako. Ako naman ay taka sa iyo. May allergy ka pala itinuloy mo pa ang pagkain." "First time kong matikman eh. Masarap pala." "Masarap! Bwisit ka, maaagasan ako sa pag-aalala sa iyo," inis na saad ni Atasha. Pilit naman inabot ni William ang kamay ng dalaga. "Relax dragona. Agas agad, huwag naman. Nagagalit ka na naman eh. Thank you ulit." "Magpasalamat ka talaga. Tinakot mo akong bwisit ka!" "Nag-alala daw, galit naman. Sungit na nga, naging bwisit pa," ani William na tinawanan na lang ang pagtataray ni Atasha. Base sa panginginig ng kamay nito ay natakot itong talaga. "Hindi ka pa ba babangon? Baka malamigan ka." "Hindi ko kaya nahihilo ako." Akmang babangon si William ng pigilan siya ni Atasha. "Bakit?" "Baka masama pa ang pakiramdam mo. Mamaya magiging okay na ako." "Hindi pwede malalamigan ka," ani William at naupo sa tabi ni Atasha. Dahil medyo nahihilo pa rin siya ay isinandal muna niya ang sarili sa may paa ng lamesa. Dahan-dahan naman niyang binuhat at kinalong si Atasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD