Chapter 12

2253 Words
Dahan-dahang iminulat ni Atasha ang mga mata. Doon niya napagtantong wala na siya sa loob ng laboratoryo kung saan isinagawa ang sperm insemination sa kanya. Hindi niya akalaing sa pagpikit niya ng mga mata ay makakatulog siya ng ganoong katagal. Pati ang paglipat sa kanya sa silid na iyon ay hindi niya namalayan. Hindi niya alam kung anong oras na sa mga sandaling iyon. Ngunit base sa nakikita niyang kadiliman mula sa labas ng bintana ay gabi na. Doon itinaas niya ang kamay, at nakita niya ang hose na nakalagay doon at alam na niya kung ano iyon. Nais sana niyang bumagon ngunit, pakiramdam niya ay nanghihina siya. Napabuntong-hininga na lang siya sa kawalan ng kalakasan. Nagulat pa siya ng marinig niya ang pagpihit ng seladura ng pintuan. Sa halip na madatnan siyang gising ay mabilis na ipinikit ni Atasha ang mga mata. Narinig niya ang dalawang boses ng lalaki na nag-uusap. "Anong sabi ng doktor?" tanong ng isang lalaki na hindi niya kilala. "Mga one week siguro. Malalaman na ng ganoong kaagap kung nagdadalangtao na ba si Atasha sa anak ko." Sigurado si Atasha na si William iyon. Base na rin sa tuwang naririnig niya sa boses nito. "Paano kung hindi naman pala successful? Uulitin na lang ba ulit?" "Siguro." "Pumayag ba siya?" nag-aalangang tanong ng kausap ni William. Hindi malaman ni Atasha kung paano pa magkukunwaring tulog pa rin siya. Naramdaman niya ang paglapit ni William sa kanya. Base na rin sa natural nitong amoy na nasasamyo niya. Halos hindi niya napigilan ang paglunok ng biglang lumundo ang kamang kinahihigaan. Nagpapasalamat nalang siya na, nagawa niyang itaas ang kumot na nakabalot sa kayang katawan hanggang sa itaas ng kanyang leeg. Bago tuluyang nabuksan ni William ang pintuan ng silid. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagdampi ng mainit at malambot na bagay sa kanyang sentido. Alam niya kung ano iyon. Lalo na at naramdaman niya ang hininga nito. "Oi! Bakit may paghalik?" tudyo pa ng kasama nito. "I just want to thank her. To tell her that I care for her." "What? Si William na nawalan ng pakialam sa babae nagkaroon ng care sa babaeng ngayon lang niya nakilala? Unbelievable!" Hindi mapigilang bulalas ng kaharap. "Dont over acting Jacobo! Hindi bagay sa iyo! Hindi ka naman kagwapuhan!" "Aba at akala mo gwapo ka? Kung hindi ako gwapo. Lalo ka naman. Ako na hindi sinasayang ang panahon para magmukmok sa isang sulok at sayangin ang ilang taon sa wala naman palang kwentang bagay. Ako pa ang sinabihan mo ng hindi naman kagwapuhan. Ay ano ka na?" Nailing na lang si William. "Oo na lang ang yabang mo." "Let see. Pag nagising yang si Atasha mo. Itanong natin kung sino ang mas gwapo sa ating dalawa." Mabuti na na lang at nagawa pang ibaling ni Atasha ang ulo sa kabilang parte ng kinahihigaan niya kaya hindi nakita ng dalawang lalaki ang pagngiti niya. Sa takbo ng usapan ng dalawa parang biglang narealize ni Atasha na ang ugaling ipinapakita sa kanya ni Willam ang pagiging masungit nito ay ipinapakita lang nito na totoo ito at walang halong pagkukunwari. "Huwag ka ngang maingay. Pag nagising ang baby ko," ani William na hinaplos pa ang ulo ni Atasha. Muli namang napalunok si Atasha. "Baby! What! Ako nga ay huwag mong mapagloloko Del Vechio! Anong relasyon ninyo ni Ms. Bonifacio? Aba't wala pang isang buwan kayong magkakilala. Isa pa may pa sperm insemination pa kayong nalalaman ay pwede naman pa lang, in natural way na lang. Di hindi na kayo gumastos na dalawa. Isa pa pag walang nabuo madali ng ulitin masarap pa... Aray!" Masama ang tinging ipinukol ni Jacobo kay William ng batuhin siya ni William ng mansanas na nakapatong sa lamesa. Mabuti na lang at mabilis niyang nasalo iyon. "Anong problema mo Del Vechio?" "Wala akong problema maliban sa bibig mo Martinez." "Ano namang masama sa sinabi ko?" inosente pa nitong tanong. "Wala kaming relasyon ni Atasha. The baby I said is the baby in her womb. My son," walang prenong saad ni William. Pakiramdam ni Atasha ay gusto niyang maiyak. Sabagay kahit masungit ang lalaki ay may kabaitan naman talaga itong taglay. At tama ito. Wala silang kahit na anong kaugnayan ng lalaki maliban sa dalahin niya sa sinapupunan ang anak nitong dugo at laman din niya. At pagkatapos ng isang buwan after niyang makapanganak ay babalik na siya sa dati niyang buhay. Kasama si Juaquim at si Nanay Rosing. At ang anak na kanyang isinilang, mawawalan na siya ng kahit na katiting na karapatan dito. Dahil binayaran lang siya ng ama nito na ipagbuntis ang sanggol. Gusto man niyang maiyak sa sitwasyon. Ngunit kahit ang mga luha niya ay walang karapatang bumagsak at magdamdam. "Okay ang seryoso mo eh. Komento ko lang naman." Dinig niyang sagot na lang ng lalaking nagngangalang Jacobo. "Mas mabuti ng nagkakalinawan tayo. Hindi ko kailangan asawa. Anak lang ang kailangan ko." Napalunok na lang si Atasha, para alisin ang bikig sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya sa mga sinasabi ni William tungkol sa kanya. Alam naman niyang walang magkakagusto sa kanya dahil dalaga siyang ina. Na ngayon ibenenta pa ang matres para magkapera. Kung tutuusin pwede na rin siyang tawaging babaeng mababa ang lipad. Babaeng bayaran. Babaeng walang dangal. Hindi pa rin ipinapaalam ni Atasha na gising na siya. Gusto niyang pakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa na tungkol sa kanya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni William. "Pero alam mo bang, kahit wala pang kasiguraduhan, umaasa akong magkakaroon ako ng anak na si Atasha ang ina. Hindi ko alam kung bakit unang kita ko pa lang sa kanya, gusto ko na kaagad hilingin na siya na sana ang maging ina ng anak ko." "Bakit? Dahil hindi ka na lugi. Dahil maganda at siguradong mabibigyan ka ng gwapong anak?" "Isa na iyan. Lalo na ng makita ko kung gaano kagwapo ng anak niyang si Juaquim. Kamukhang-kamukha ni Atasha ang anak. Kaya kung sino man ang tatay ng anak niya. Napakamalas na lalaki dahil pinabayaan niya ang kanyang mag-ina. Pero naging pabor pa rin sa akin. Dahil sa pag-iwan niya kay Atasha. Nagkaroon ako ng pagkakataon na magkaroon ng anak na si Atasha ang ina." "Sabagay nga. Kaya lang wala talaga akong makitang impormasyon tungkol kay Atasha. Iyong sinabi mong galing siyang ampunan? Bakit walang record? Para ba siyang isang kabute na bigla na lang sumulpot at naging isang Atasha Bonifacio. At iyang Nanay Rosing niya. Hindi naman siya ang nagpalaki kay Atasha. Basta isang araw nagulat na lang ang mga kapitbahay nila na may isang Atasha sa bahay ni Nanay Rosing," paliwanag pa ni Jacobo. "Ay si Juaquim? Anak ba niyang talaga? Pero kamukha naman niya ang bata." "Huwag mong pagdudahan ang bagay na iyan. Dahil nakita ng kapitbahay na nagbuntis talaga si Atasha at nanganak." "Okay, nasabi ko lang naman. Pero sa katauhan niya, siguro hindi na mahalaga kung saan siya galing. Basta sa tingin ko mabuting tao si Atasha. Lalo na sa nakikita ko kung paano niya pinalaki ang anak niya. Maliban sa napakatalas ng dila pagkausap ako." Natawa na lang si Jacobo sa sinabing iyon ni William. Kahit mahina ang boses ng dalawa. At dahil totoo namang gising na siya ay naririnig na naman niya ang pagbabangayan ng dalawa. Na mamaya ay magkakasundo at mag-aaway na naman. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Atasha sa mga naririnig. Kahit masakit ang katotohanang bayaran lang siya ni William at walang kahulugan ang kabaitang ipinapakita nito sa kanya pag mabait ito ay napanatag ang kalooban niya. Huwag lang isama pag masungit ito. Hindi na napigilan ni Atasha na mapaungot ng bigla siyang matawa sa sinabi ng lalaking si Jacobo na tama lang ang tawag niya kay William na sungit. Dahil totoo namang masungit ito. "Atasha!" gulat nitong wika na may halong pag-aalala. "May masakit ba sa iyo?" tanong pa nito at dahan-dahang ibinaling sa pwesto nito ang ulo niya. Pasalamat na lang si Atasha at napigil na niya ang tawang nais kumawala sa kaya. "Ah, ayos lang ako. Medyo nangalay lang ang leeg ko sa pwesto ko," ani Atasha na sa tingin niya ay bumenta naman kay William ang sinabi niya. "You sure?" "Oo naman." Nakita ni Atasha na nakahinga ng maluwag si William. Alam naman niyang hindi para sa kaya ang pag-aalala nito. Kundi sa anak na dadalahin niya sa sinapupunan niya. Lihim siyang napabuntong-hininga. Doon dumako ang kanyang paningin sa lalaking nagngangalang Jacobo. "Hi! I'm Jacobo Martinez. Kaibigan ni William. I know you're Atasha Bonifacio. Ako talaga ang nakahanap sa iyo. Bali iyong inutusan ko siya ang nakakakilala kay Mama Ricky. Siya ang nagsabi sa akin ng tungkol sa iyo. Tapos ipinakilala kita sa masugit na ito." Sabay turo kay William na masama ang tingin sa kaibigan. "Sana ay mapagtiisan mo ang ugali ng isang ito. Isa pa huwag kang mag-alala. If you need help. I'm just an one call a way and I'll be there. Isa pa I have a question. Sino ang mas gwapo sa aming dalawa?" Hindi mapigilan ni Atasha ang matawa sa sinasabi iyon ni Jacobo. Kahit papaano ay mabait naman ang kaibigan ng masungit na William na iyon. Higit sa lahat napatawa siya. "Dapat ko bang sagutin," aniya. "Huwag na lang alam na natin ang sagot. Baka biglang mag transform si Del Vechio," bulong ni Jacobo na nakatanggap ng isang suntok sa braso, mula kay William. "Hindi ka lang masungit. Brutal ka pa," baling nito sa kaibigan. "Kaya manahimik ka na lang Martinez." "Okay fine," nakangising saad ni Jacobo sabay dukot sa bulsa ng isang tarheta. "Here is my num---." Nahinto sa ere ang kamay ni Jacobo sa pag-aabot sana ng calling card kay Atasha ng hablutin iyon ni William at isilid sa sariling bulsa ng pantalon nito. "There's no way, no chance, that she needs you. She's fine, good and okay. No need for your help Jacobo." "Sinabi ko bang ngayon? Malay mo in the future." Kakamot-kamot sa ulo na paliwanag ni Jacobo. "Hindi niya kailangan ng tulong mo sa future." "Are you sure?" may panunudyo nitong tanong sa kanya. "Hundred one percent sure." "Okay sabi mo eh," ani Jacobo na nag-okay sign pa kay William. Ngunit kay Atasha nakatingin. "Ibigay ko na lang ang number ko sa iyo pag wala sa tabi mo ang masungit na ito," bulong ni Jacobo sa kanya. Napangiti na lang si Atasha sa kakulitang iyon ni Jacobo. Gamit ang isang kamay na walang nakalagay na hose ay karayom ng dextrose, ay palihim siyang nag-okay sign sa binata. "Lumayas ka na ngang Jacobo ka. Bumulong ka pa. Dinig ko rin naman." Hindi na nakapagprotesta si Jacobo ng hilahin ito ni William at sapilitang itinulak palabas ng pintuan. Lihim na natawa si Atasha sa kilos ni William na parang bata. Sa tingin ni Atasha, kung wala lang sila sa ospital ay sigurado siyang naibalya na nito ang pintuan at nakalika na iyon ng nakayayanig na lagabog. "Why are you laughing dragona?" may inis na saad ni William habang papalapit sa kanya. "Bakit ba ang sungit mo? Wala namang ginagawang masama ang kaibigan mo. Masama bang magbigay siya ng number niya?" "Babaero ang lalaking iyon!" "So?" "So what?" "Wala naman akong balak makipaglandian. Feeling ka naman. Ang sungit mo talaga." "Ako pa talaga. Ikaw nga itong---." Natigil sa pagsasalita si William ng mapansin niya ang pagngiwi ni Atasha. Bigla siyang binalot na kaba. "A-anong nararamdaman mo Atasha? A-ayos ka lang ba?" Batid ni Atasha na kinakabahan nga ito. Base na rin sa tono ng boses ni William. "Sandali lang tatawag ako ng doktor." Akmang tatalikod ito ng hawakan ni Atasha ang kamay niya. "Ayos lang ako. Kumalam kasi ang tyan ko. Medyo nagugutom na ako," ani Atasha. Sa totoo lang wala namang masakit sa kanya. Ngunit effective ang drama niya para matigil sa pagsusungit ang kasama niya. "Anong gusto mong kainin?" Gustong magdiwang ng kalooban ni Atasha ng marinig ang mahinahon nitong tanong. Parang hindi si William na masungit ang kaharap niya. Parang anghel na naputulan ng sungay, este ng pakpak pala. "Burger sana. Iyon katulad noong nakaraan?" nahihiyang saad ni Atasha. Sa totoo lang hindi naman niya gustong samantalahin si William. Kaya lang sabi nga, once in a million lang may ganoong pagkakataon. Dahil pagkatapos ng lahat, babalik na ulit sa normal ang lahat. "Okay burger. May nais ka pa ba?" "Ang cellphone ko sana. Kukumustahin ko si Juaquim at si Nanay Rosing." Hinanap ni William ang cellphone ni Atasha sa bag ng dalaga ngunit wala ng battery iyon. Kaya naman ni-charge na lang muna iyon ni William. "Used my phone. Siguro naman tanda mo ang numero ng Nanay Rosing mo. Lalabas lang ako at bibili ng pagkain mo. Ibibilin din kita sa nurse. Pag may kailangan ka. Tawagan mo lang sila. Pindutin mo lang yan." Itinuro ni William ang bagay na nasa kanyang ulunan. Abot naman niya iyon, kung talagang kailangan niya ng tulong. "Sige salamat." "Sige na. Mabilis lang ako. Habang wala ako makipag-usap ka muna sa anak mo. Pagpagod ka na magpahinga ka. Maliwanag." Halos mahigit ni Atasha ang paghinga ng bigla na lang siyang nginitian ni William. Sa sungit ng lalaki ay hindi niya akalaing may itatamis ang ngiti nito. "O-okay," sagot ni Atasha. Tuluyan ng lumabas ng pintuan si William. Ganoon na lang kabilis at kalakas ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. "Ngiti lang iyon, pero bakit parang nagdedeliryo ka na?" tanong ni Atasha habang nakahawak sa dibdib niya. Habang ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD