CHAPTER 7: The Twins' Father

2658 Words
NATHAN "Balita ko pumapasok na anak ni Dave," sabi ko habang sabay kaming naglalakad ni One dito sa mall. "Yes, and fully-recovered." I nodded. Hindi rin biro ang pinagdaanan ng pamilya nina Dave at Cristine. Sino ba namang magulang ang matutuwa kung mabingit sa kamatayan ang nag-iisa mong anak, di ba? Si Dave, tatahi-tahimik lang 'yan, pero kapag bumanat na 'yan sa 'yo, durog na durog ang ego mo diyan. Noong mag-agaw-buhay ang anak nilang si Cliffer, poker-faced man siya, pero ramdam namin yung sobrang galit niya. Idagdag pa na panay ang iyak ng asawa niya. Ayaw na ayaw pa naman niyang nakikitang umiiyak si Cristine. Tapos ganun pa ang nangyari sa anak nila. Double-torture iyon sa kanya. Tahimik at wala man siyang sabihin, alam kong katakot-takot na sumpa at mura na ang ginawa niya sa isip niya. Kung hindi lang siguro namin siya bantay-sarado noong mga panahong iyon, baka kung ano ng katarantaduhan ang ginawa niya. Pero kung ako siguro ang nasa posisyon niya, baka magwala ako at hunting-in ko ang mga gumawa no'n sa kambal namin ni Mine. Hindi namin inalagaan at iningatan ang mga anak namin para lang mabugbog nang gano'n. At hindi mo nga sinasaktan, maski lamok ay hindi mo hinahayaang makadapo rito, tapos ay kung sino lang ang mananakit sa anak mo? Nakakagago, 'di ba? May dalawang babae kaming nakasalubong na malapad ang ngiti samin. Yung medyo may edad ng babae ay nakatingin sakin habang ang kasama nitong babae na kaedaran siguro ng kambal namin ni Mine ay nakatingin kay One. Siguro ay mag-ina sila.  Nang ngumiti ako, impit silang napatili at bahagyang lumapit samin. Naglabas ang dalaga ng phone at siguro magpapa-picture sa anak ko. Ibubuka pa lang nito ang bibig nang biglang nagsalita si One. "He's married and I'm one of his sons." Agad namang napasimangot ang mag-ina at umalis na rin. Natakot yata sa kasupladuhan ng anak ko. Nang sundan ko sila ng tingin, lumingon pa sa direksyon namin ang mag-ina at ngumiti. I gorgeously smiled back and just waved my hand to them. Iba na talaga kapag gwapo. Habulin na nga, nililingon pa. I heard One tsked. "Stop flirting, 'Pa. Isusumbong kita kay Mama." Agad kong nilingon si One. "Nginitian ko lang, nakikipag-flirt na agad? Kung nakikipaglandian man ako, isang babae na lang ang nilalandi ko ngayon. Alam niyo 'yan. At ikaw? Bakit ang suplado mo sa magandang dilag? Mukhang magpapa-picture pa naman sa 'yo." "I'm not interested," sagot niya, seryoso at medyo salubong ang kilay.  Natatawang napailing na lang ako sa sagot niya. Sa kambal, si Uno ang happy-go-lucky and sweet vocally habang si One ang tahimik at hindi masyadong showy sa nararamdaman. Kapag naging expressive naman siya, doon mo naman mararamdaman na special ka. Si Uno ang masasabi kong nagmana sa ugali ko at si One naman ang pinaghalong magkapatid na Mine at Miller. Pero, ang talagang pareho nilang nakuha sa 'ming mga magulang ay ang angking katalinuhan ni Mine at ang hindi maitatangging kaguwapuhan mula sa 'kin. Akala ko nga, si One ang magmamana sa pagiging studious gaya ni Mine. Pero, nagulat kami nang si Uno ang mas naging mahilig sa pagbabasa noong mga bata pa sila. Kaya nga sa murang edad, kinailangan na nitong magsalamin dahil nagkaroon na ng diperensiya sa mga mata. Kapag wala itong eyeglasses, nahihirapang matukoy ng mga tao kung sino sa kanilang dalawa sina Uno at One. May ilang beses na rin kasing nagpanggap si Uno bilang One, and vice versa. Isa sa mga kalokohan nila noong kabataan nila. Pero, ngayong nagtanggal na ng eyeglasses si Uno at pinalitan ng contact lenses, muling nahirapan ang mga taong tukuyin kung sino ang sino. Sa pag-uugali na lang nila pinagbabasehan. Kapag playboy, si Uno. Kapag snob, si One.  "One, laro tayo. Mag-suggest ka ng laro na sa tingin mo ay matatalo mo ko," nakangising pahayag ko. Kapag kami ni Uno ang magkasama sa mga ganitong lakad, ganito rin ang ginagawa namin. Ang nagiging laro namin? Kung hindi sa basketball, pagalingan naman sa pagporma ng babae. Saglit siyang nag-isip bago tipid na ngumiti. "Basketball." "As I expected. Ayaw mo ng paguwapuhan?" "We're even. Walang matatalo sa 'tin dahil sa 'yo galing ang genes namin ni Uno." I tapped his shoulder. "Very nice answer. Mana talaga kayo sakin." At hinimas-himas ko muna ang baba ko bago muling ngumisi. "How about pagporma sa babae? Ayaw mo?" "I'll lose to you. You're an expert on that department, 'Pa." "Hindi rin. Kahit tumayo ka lang, marami pa ring maa-attract sa 'yo. Kahit nga siguro tumabi ka sa basurahan, ikaw pa rin ang mapapansin nila. Gano'n kalakas ang charisma mo, anak. Parang ako lang," sabay tawa ko. He winced. "That's my problem. Kahit wala naman akong ginagawa, patuloy pa rin silang naa-attract sakin. Kahit hindi ko rin naman gustong mangyari iyon."  "I understand you, One. Been there, done that. Iyan talaga ang isa sa mga pogi problems natin. Mahirap, pero masasanay ka rin," pahayag ko habang tumatango-tango. Although, alam kong may iba pa siyang ibig sabihin doon. Kapansin-pansin iyon sa tono ng boses niya. It was full of bitterness. Nakarating kami sa TimeZone at agad na tinungo ang basketball shooting game. Nang pareho na kaming nakapwesto, bahagya ko siyang nilingon. "If I win, you'll talk to your twin brother and make it up to him." "And if I win?" he asked. I shrugged. "It's up to you. Do whatever you wanted to do. It's your choice." He let out a sigh. "Hindi naman kami magkaaway ni Uno, 'Pa." "Pero, hindi rin kayo nagpapansinan at nag-uusap for more than three months now. Very close kayo at hindi mapaghiwalay noon, pero tingnan niyo ngayon. Natitiis niyo ang isa't-isa." "Alam n'yo naman ni Mama kung bakit. Besides, mas mabuti na rin muna sigurong magkalayo kaming dalawa. Pabor sakin at mas pabor sa kanya." Ilang sandali ko siyang tinitigan bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Let's start. A deal is a deal, okay?" Tumango lang si One habang naka-focus ang tingin sa basketball ring na nasa harap namin. Pagkatapos naming i-swipe pareho ang card namin ay nagsimula na kaming maglaro.  Same lang ang score namin. 100-100. We played for another round. And same result. When we played for the third round, same pa rin ang score namin. Only two balls left. Sabay naming nai-shoot ang isang bola. "Si Mama 'yun, ah? May kasamang lalaki." Napalakas ang pagtira ko sa huling bola kaya tumama sa ring. Pero, wala akong pakialam kung hindi nag-shoot. Agad akong lumingon sa likod at hinanap si Mine. "Nasaan? At nasaan ang kasama niyang lalaki? Kung may kaguwapuhan siyang taglay, humarap siya sa 'kin." Napalingon ako kay One nang marinig ang mahina niyang tawa. "Kidding. Wala si Mama. Magkasama sila ni Uno, 'di ba?" I narrowed my eyes on him. "You distracted me," I stated. "And it was effective, 'Pa. I won," he answered, grinning. Nang makita ko ang score, lamang nga siya ng one point. I shook my head before looking at his direction again. "Tuso ka rin, 'no? Manang-mana ka sa Mama mo. Alam na alam ninyo kung paano ako idi-distract. Tsk." ----- "Alam mo ba kung bakit ikaw ang kasama ko ngayon instead of Uno?" tanong ko kay One. Nakaupo at nakatambay kami dito sa labas ng mall. Pagkatapos naming maglaro sa TimeZone ay dumiretso na kami rito para hintayin si Mine at ang kakambal niya. He just shrugged in response. "Sabi kasi ni Mine, baka mag-hunting na naman daw kami ng mga babae ng kakambal mo. Sagot ko naman, single naman ulit siya, kaya okay lang na mag-enjoy." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Kaso, sumobra yata yung ginawa ni Uno na pag-e-enjoy. Every week or every other day, iba-iba ang katawagan niya ng babe, honey o cupcake. Sumobra ang kalandian." He grinned. "Kanino pa ba magmamana? Sa 'yo lang naman, Papa." I grinned back. "Pero, hindi na 'ko gano'n nang makilala ko ang Mama n'yo."  "Then, siguro hindi pa nakikilala ni Uno ang babaeng katulad ni Mama kaya gano'n siya. O nakilala man niya ang babaeng iyon, niloko naman siya nito." Nilingon ko siya. Nakita ko ang dumaang emosyon sa mga mata niya at ang mariing pagkuyom ng mga kamao niya. "Galit ba si Uno sa 'kin, 'Pa?" "Why the sudden question?" "Kahit wala siyang sabihin, pakiramdam ko galit siya sa 'kin. Kahit hindi niya 'ko sumbatan, pakiramdam ko ay sinisisi niya 'ko sa paghihiwalay nila ng ex niya." "Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa kakambal mo, One? Hindi niya sasabihin kung galit o nagtatampo siya sa 'yo?" Saglit siyang natigilan, pero hindi sumagot. Tumingin ako sa malayo. "Sa inyong dalawa, si Uno ang palaging vocal sa nararamdaman niya. Natatandaan mo ba noong mga bata pa kayo kapag nagtatalo habang naglalaro? Sasabihin niya sa 'yo directly kapag naiinis at nagtatampo siya sa 'yo. Kapag ikaw naman ang naiinis, tahimik ka lang at hindi namamansin. Magsasalita ka lang at sasabihin mo sa kanya iyon kapag nakulitan ka na sa pagtatanong niya. Alam mo kung bakit? Dahil kapag sinasabi mong okay ka lang at hindi ka galit, malakas ang pakiramdam niyang hindi talaga iyon ang nararamdaman mo. Magkakambal kayo kaya ramdam niya rin kung ano ang nararamdaman mo. "Nang masaktan siya, never ka niyang idinamay sa galit at inis niya sa ex niya. Dahil alam niya na wala kang ginawang masama. Wala kang kasalanan. Besides, alam naman natin kung ano talaga ang dahilan kung bakit hindi kayo nagpapansinan, 'di ba? Mas lumaki lang ang gap ninyo nang maghiwalay sila ng babaeng iyon." He heaved a deep sigh. "People always compared the both of us. Bakit magaling si Uno sa ganyan, ikaw hindi? Mas madaling pakisamahan si Uno kaysa sa 'yo. Kayang gawin ni Uno, malamang kaya mo ring gawin 'yan. At marami pang pagkukumpara sa 'min na hindi ko na mabilang at matandaan pa. Noong mga bata pa kami, hindi namin iyon pinapansin. Wala kaming pakialam. But, now it's different. Nakakapagod din palang marinig na ikinukumpara ka sa ibang tao lalo na sa kakambal mo. It sucks and I hate it. Kailangan ba magaling din ako sa kung saan siya magaling? Kailangan ba maging magkatulad kami sa lahat ng bagay?" "No, One. You don't need to be like him. Both of you might have the same face, but still different from each other. You don't need to be someone just because people told you to do so." "That's what they expected from us." Ako naman ang huminga nang malalim bago muling tumingin sa direksyon niya. "Kami nga ni Mine ay hinahayaan lang kayo sa kung ano ang gusto n'yo, 'di ba? Never naming ipinilit sa 'yo na gawin mo ang isang bagay na gusto ni Uno. At hindi rin namin pinilit si Uno na gawin ang bagay na gusto mo. Tapos sa kung sinong tao lang kayo makikinig dahil ipinagkukumpara kayo?" "But---" "Listen, One," I cut him off. "You can lose yourself trying to please everyone." Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Sumimangot ako at napakamot sa ulo. "Takte naman. Bakit ba ako ang nag-a-advice sa 'yo? Dapat si Mine, eh. Siya ang expert sa mga ganito. Kung ang problema mo ay babae, madali lang para sa 'kin na payuhan ka. Sabi kasi ng Mama mo, kapag si Uno ang pinayuhan ko, baka kunsintihin ko pa ang paglalandi nito. Dakilang kunsintidor pa naman daw ako. Seriously? Sa guwapo kong 'to? Naisip niyang kinukunsinti ko ang kakambal mo?" Nagdududang tumingin siya sa 'kin. "Hindi nga ba, 'Pa? Ikaw ang nagsabi kay Uno na huwag muna seryosohin ang pag-ibig, 'di ba? Kaya ayun. Hindi na siya seryoso sa pakikipagrelasyon." Napangiwi ako. "Ang ibig ko naman kasing sabihin doon ay habang hindi pa niya totoong nakikilala ang babaeng muling magpapatibok ng puso niya, huwag muna siyang makipagrelasyon. I didn't know that he will take it literally." "Dahil hindi mo nilinaw sa kanya. It only proved how not good you are in giving advices like that." Pagak akong tumawa at ginulo ang buhok niya. Nainsulto yata ako do'n, ah?  Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "But seriously, One, you don't need to please everyone. Both of you are not oblige to do that. You're not Uno. And Uno is not you. Kung may mga bagay man na nag-e-excel ka kay Uno and vise versa, mas marami pa ring mga bagay na pareho ninyong gusto at napagkakasunduan. You will share what's yours, and Uno will do the same. Huwag lang sa babae. Iyon ang hindi pwedeng i-share sa bawat isa." Bahagya siyang ngumisi bago tumingin sa malayo. I did the same. Iyon talaga ang problema ng kambal namin ni Mine. Palagi silang ipinagkukumpara. Alam ko ang pakiramdam na ikumpara sa ibang tao. Masakit at nakakainis. At iyon ang nararamdaman nila kaya mas pinili nilang lumayo muna para mawala ang anino nila sa isa't-isa. Pero, hindi pa rin pala mawawala. Mas lumala pa nga ang pagkukumpara sa kanila lalo na nang maging playboy si Uno. "Seriously, One, mag-usap na kayong dalawa. Hindi mo ba siya nami-miss?" "I'll think about it." "Okay. By the way, hindi n'yo pa rin magagamit ang kotse ninyo. Grounded pa rin kayo ni Uno sa paggamit ng sasakyan for this whole month. Mag-i-school bus pa rin kayo kasama ng iba ninyong kaibigan."  He frowned. "What? You told us that we're only grounded using the car for three months." "Yes, and I'm extending it for another month. But on second thought, puwede ko na namang ibalik sa inyo ang sasakyan." "And what's the condition?" I grinned playfully. "Just say the magic word, One. Just say the word and you can have it back." And he exactly knows what magic word I was talking about. Ilang minuto rin kaming nagtitigan bago siya ngumisi at umiwas ng tingin. "Well, riding a school bus for another month is not that bad." Nagsalubong ang kilay ko. "At talagang mas pinili mo pang magtiis ng isang buwan kaysa aminin kung gaano ako kaguwapo, ano?" "I won't give you the satisfaction, 'Pa." "Aba, bastos kang bata ka. Parehong-pareho kayo ng Mama mo. Ayaw pang aminin sa mga sarili n'yo iyon, pero deep inside naman, isinisigaw ninyo kung gaano ako kaguwapo. Tsk." He just chuckled in response. Naiiling na tumingin na lang din ako sa mga taong dumadaan. After a few minutes of silence, "I wish I was him." Muli akong napatingin kay One nang marinig iyon bago bumuntong-hininga. Alam kong ang kakambal niya ang tinutukoy niya. "Iyan din ang sinabi sa 'kin ni Uno. He wished he was you." Nagtatakang lumingon lang siya sa 'kin at nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang ibig kong sabihin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Let's admit it. Kahit iisa lang ang mukha ninyong dalawa, ikaw ang mas habulin ng mga babae, One. Si Uno ang tipo ng lalaking maloko, happy-go-lucky, sweet and very expressive. The exact opposite of you. Suplado, tahimik, not so sweet and not showy.  "Madaling magustuhan si Uno ng kahit na sinong babae sa unang tingin, pero kapag nakita at nakilala ka na nila, sa 'yo sila mas nahuhulog. Hindi mo man sila pansinin, naa-attract pa rin sila sa 'yo. Bakit? Dahil mas naku-curious ang mga babae sa mga katulad mong cold and mysterious ang datingan. Kaya nga pati 'yung---" "'Pa, let's drop that topic. Naiinis lang ako kapag naaalala ko 'yun," putol niya sa sinasabi ko sabay simangot. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kanya noong binata pa 'ko. Ganyan na ganyan din ako kapag naiinis. Guwapo pa rin.  "So, 'yun nga. Mas na-cha-challenge kasi sila sa 'yo. Kaya nga nang makilala at ma-in love si Uno sa ex niya, ginawa niya ang lahat para rito. Para huwag itong magkaroon ng dahilan para ma-fall out of love sa kanya. He even treated that girl as his princess. Masyado kasi siyang naniwala sa mga fairy tales na binabasa ni Mine sa inyo noong mga bata pa kayo. Kaya ayun. Hindi niya alam na wicked witch pala ang babaeng minahal niya." "She's worse than a wicked witch."  "Kahit na si Uno ang unang nakilala ng mga babae, sa 'yo pa rin nagkakagusto ang karamihan sa kanila. Sana raw siya ay ikaw dahil kahit wala kang gawin, effortless mong nagagawang magkagusto sa 'yo ang mga babaeng maaaring nagugustuhan niya." He smiled bitterly and looked down. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa, pero bahagya akong nagulat sa sunod niyang sinabi.  "Aanhin ko naman ang sandamakmak na mga babaeng iyon kung nasa kanya naman ang buong atensyon ng babaeng gusto ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD