SKYE Nandito ako ngayon sa student lounge at nagbabasa ng Throne of Glass fantasy novel. Alas siete pa lang kasi ng umaga at may isang oras pa ko bago magsimula ang first class ko. Na-distract ako sa pagbabasa nang may marinig akong tumatawa. Biglang sumulpot si Avery kasama si Uno. Yes, I know it's him because of his playful smirk. At sa kanya lang naman ako nakakaramdam ng inis kapag nakikita ko siya. Nakapulupot ang mga braso nila sa isa't-isa habang naglalakad. At parang nananadya pa yata sila dahil huminto sila malapit sa kinaroroonan ko kaya kitang-kita ko kung paano sila maglandian sa harapan. Muli ko na lang itinuon ang tingin ko sa hawak na libro. Pero, nahirapan na kong intindihin pa ang binabasa ko dahil ang mga boses na nila ang naririnig ko. "Uno babe, let's have lunch