CHAPTER 6: The Twins' Mother

1997 Words
MILES It's Sunday. Nate and I decided to have a lunch out with the twins. After this, we will go shopping. Muli kong sinulyapan ng tingin ang kambal na tahimik lang kumain.  Ang bilis ng panahon at mga binata na sila. Parang kailan lang, sila pa yung mga batang pasaway at makukulit na ang inaaptupag lang ay paglalaro at pag-aaral. Ngayon, mayayabang at malalandi na rin sila gaya ng ama nila. Pero, matalino rin sila kaya hindi lang sila puro kayabangan at kalandian. I heaved a deep sigh. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa pagbabago ng pakikitungo nila sa isa't-isa. Nagbago sila, especially Uno. And it all happened because of a girl. Although, alam kong hindi lang ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit nagbago ang samahan nilang magkakambal. Nang matapos kaming kumain, binalingan ko ng tingin ang asawa ko. "Nate, magkita tayo after one hour. Pupunta na muna kami ni Uno sa supermarket."  "Okay, Mine. Tuturuan ko muna si One mag-girl-hunting." "Me?" twins asked in unison. Kapag ganito kasing naggagala kami, si One ang kasama kong magpunta sa supermarket habang si Uno naman ang kasama ni Nate. I admit, si One ang mas malapit sa akin, habang si Uno naman ay kay Nate. But this time, napag-usapan na naming mag-asawa bago pa man kami lumabas ng bahay na si Uno ang sasama sakin habang si One ang isasama niya. Kailangan na naming makausap ang kambal bago pa man tuluyang magkalayo ang mga loob nila sa isa't-isa. "Yes, you. Kaya tumayo ka na diyan, Uno, at marami pa tayong bibilhin sa supermarket," sabi ko sa kanya bago tumayo. "Hey, Mine. May nakakalimutan ka yata?" sabay hawak ni Nate sa braso ko. "Ano?" He pouted, I frowned. "Ano 'yan?" Mas lalo pang humaba ang nguso niya. "'Yung kiss ko." "Nasa parehong lugar pa rin naman tayo, Nate. Bakit kailangang may kiss pa?" "Baka kasi ma-miss mo ang kagwapuhan ko. Mabuti na yung may baon ka." I rolled my eyes at him. Our twins just chuckled and shook their heads.  "Go on, 'Ma. Just kiss him already." "Yeah. So, 'Pa can stop embarrassing himself." "Hindi ko kaya ikinakahiya ang kagwapuhan ko. Alam na alam niyo 'yan kaya---" He stopped talking when I planted a kiss on his cheeks. "See you later, Nate." At hinila ko na si Uno papuntang supermarket. "Hoy, Mine! Sa lips dapat!" he yelled at me. "Just be thankful that she kissed you, 'Pa. It rarely happened in the public," I heard One says to his father. "'Yun na nga, eh. 'Di sana nilubus-lubos na niya!" Natatawang napailing na lang kami ni Uno nang magkatinginan kami. "Our father never failed to show how much he loves you anywhere and anytime, 'Ma." I smiled. "I know. At iyon nga ang pagkakapareho niyo ni Nate bukod sa kayabangan at kalandian na namana niyo sa kanya. Very vocal kayo sa pagmamahal niyo." Hindi siya nagkomento, pero nakita ko ang saglit na pagdaan ng sakit sa mga mata niya. I held his hand before dragging him to the supermarket. ----- "How's Cliffer? Balita ko pumapasok na siya," tanong ko habang tumitingin ng mga gulay na pwedeng bilhin. Nasa tabi ko lang si Uno habang siya ang nagtutulak ng cart. "He's okay, 'Ma. He already recovered." Four months ago, nagulat na lang kami sa balitang isinugod sa ospital ang anak nina Dave at Cristine. He was badly beaten. At hindi lang iyon, muntik pang mawala ang nag-iisang anak nila nang mag-flatline ang heartbeat nito. Buti na lang at na-revive pa siya ng mga doktor.  Hindi ko alam ang pakiramdam nang mawalan ng anak - na huwag naman sanang mangyari sa 'min - pero, damang-dama ko ang naramdaman ni Cristine. Halos wala siyang tulog kakaiyak at kakabantay sa anak nila. Isang buwan din kasing na-comatose si Cliffer. Magkakaganoon din siguro ako kung isa kina Uno at One mangyari iyon. Then, the day after that, nabalitaan naman namin mula sa university na nasangkot sa away ang mga basketball players. Binugbog at inaway daw ng mga anak namin, kasama ang mga anak ng mga kaibigan namin ni Nate, yung mga kalaban nila. Nalaman din kasi namin na yung mga kalaban pala nilang iyon ang bumugbog sa anak ni Dave. Siyempre, nasermunan ko yung kambal. Okay lang sana kung bugbog lang ang ginawa nila sa mga iyon, pero hindi, eh. Halos patayin nila yung mga kalaban nila. Binalian ni One ang isa sa mga iyon, habang pinaulanan naman ng suntok ni Uno ang captain ng kabila hanggang sa hindi na ito makilala pa. Sasampahan sana ng mga magulang ng mga taga-kabilang players ang mga anak namin, pero hindi na natuloy dahil inilaban namin ang ginawa ng mga anak nila sa anak nina Dave at Cristine. At kilala namin ang mga asawa namin. Mayayabang at maloloko man sila, pero hindi nila basta-basta palalagpasin ang ginawa sa anak ni Dave.  Iyon pa nga ang unang pagkakataon na nakita kong pinaboran ng mga lalaking iyon ang ginawa ng mga anak namin. Dahil kung hindi raw nila iyon ginawa, sila daw mismong mga tatay ang maghahanap at bubugbog sa mga taong gumawa noon kay Cliffer.  I nodded. "That's good news. How about you?" "What about me?" "How are you?" "Still the same, 'Ma. Gorgeous as ever." "Conceitedness aside, how are you?" I repeated, emphasizing the last word. "I'm good." "But, not as good as before." He didn't answer. Pagkapili ko sa mga gulay na bibilhin, lumipat naman kami sa meat section. "How about you and One?" I asked again while my eyes were still on the meat. "What about us?" "How was your relationship with him?" "We're okay." I stopped and gazed at him. "No, I don't think so." "We're not fighting." "It's better to fight than ignore and avoid each other. Because in that way, matatapos na agad kung anuman ang hindi niyo pagkakaintindihan. It had been three months, Uno." "'Ma, alam niyo naman ni Papa ang dahilan kung bakit hindi kami nag-uusap ni One. And I don't want to talk about it now," mahinang sagot niya. I raised my eyebrow. He pouted his lips and looked away. Napailing na lang ako bago muling ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga karne. "Okay. Pero, ano itong nabalitaan ko kay Isabelle na iba na naman ang girlfriend mo?" Isabelle is Jared's daughter, their best friend since when they were kids. Ash ang tawag nila rito.  "Babe is not my girlfriend." "You're telling me that she's not your girlfriend, and yet, you're calling that girl as your babe," I said sarcastically. "Because I don't know her name. I'm not into girls' names. Besides, she's just a fling. No feelings and strings attached." "Siguraduhin mo lang, Uno. Dahil ayokong magising na lang ako isang umaga na may kumakatok sa bahay natin at sasabihing dinadala niya ang anak mo. Baka maitakwil kita nang hindi oras. Alam mo naman ang dugong dumadaloy sa inyo. Dugong kalandian ng ama mo." Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Don't worry, 'Ma. I'm still not doing 'it'. Hanggang kiss lang sila sakin, hug and almost make out lang ang ginagawa namin." Muli ko siyang hinarap at matamang tinitigan. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya. "What happened to you, son? At nasaan na ang aking Uno na stick-to-one sa babae? Yung sweet at mapagmahal? Kelan siya babalik?" Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan niya iyong ibinaba. Damang-dama ko ang lungkot at sakit sa ngiting sumilay sa mga labi niya.  "He was gone. And he'll never come back." I sighed before standing beside him and helped him to push the cart. Tahimik kaming nagtungo naman sa mga babasagin na plato at baso. Nauna ulit ako sa paglalakad habang nakasunod ulit siya. "You know that your conceited father is not my first love, right?" maya-maya ay pahayag ko ulit. "Uh-huh. He was not even telling us your first love's name." Mataman kong tiningnan ang hawak kong mamahalin at babasaging plato. I smiled. "Dahil hindi niya kayang banggitin ang pangalan nito. Mukhang masama pa rin ang loob niya lalo na noong tinanggap ko ang pakikipagkaibigan sakin ng first love ko." "Ganoon kaseloso si Papa?" "No. Ganoon lang talaga kagago ang Papa mo." "'Ma, don't say bad words." "If I know, kay Nate niyo rin natutunan ang bad words na yun. Natatandaan ko pa kaya noong mga bata kayo. Tinanong niyo ko kung ano ang gago at tarantado kasi narinig niyo yun sa ama niyong malandi, kasama ang mayayabang niyang kaibigang lalaki. Sa kanila lang naman manggagaling ang mga salitang iyon." Lumingon ako nang marinig ang mahinang pagtawa niya. How I wish na umabot na ulit sa mga mata niya yung tuwa at saya.  "Uno." Kasabay nang pagtawag kong iyon sa kanya ay ang pagbato ko ng plato sa direksyon niya.  "Damn it!" sigaw niya pagkasalo ng plato. Salubong ang kilay na tumingin siya sakin. "What the heck was that, 'Ma? Babasagin mo ba itong plato? Buti na lang nasalo ko." Lumapit ako sa kanya at tumingin sa plato. "What do you think about that plate? Describe what you see on it." Nagtataka man ay sumagot na lang siya habang matamang nakatingin sa plato. "Not just an ordinary, but the most expensive one. This can be look solid and rigid, but it can also break easily." I nodded. "So, what do you need to do about it?" "Handle it with care and don't break it." "You're still not as hopeless and heartless as I think you are," I said, smiling. He frowned even more as I continued. "Think this plate as heart of a woman. We can be look tough and brave outside, but we're weak and fragile inside. And once a man breaks the heart of a woman, it will never be the same again. "Nate is not my first love, but he's my one true love. At naniniwala rin akong first love mo lang ang ex mo, Uno. Not your one true love." He just stared at me and didn't answer.  "Palagi ko kayong pinapaalalahanan ni One, 'di ba? Na kapag nagmahal kayo, matuto kayong gamitin din ang utak niyo, huwag lang puro puso. Use this" - pointing to his heart - "to love someone. And use this" - pointing to his head - "to protect and guard yourself. But in your case, mas umiral ang puso mo." I sighed. "You're the exact Errol Nathaniel Montecaztres when it comes to love. Handang gawin ang lahat para sa babaeng mahal niya." "Is that a bad thing, 'Ma?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "No, son. It's not a bad thing. And I admire you for that."  "I gave her everything, but it wasn't enough for her. I wasn't enough for her." "Dahil hindi siya nakontento. Hindi ka rin naman nagkulang sa kanya. Kung tutuusin nga, sobra-sobra pa ang ibinigay mo. And you know what? Dinaig mo pa nga ang mayabang na tatay mo. You're only eighteen, and yet, you already considered that girl to be your forever. You even pr---" "'Ma! Don't even mention about it. That was all in the past. At kapag naaalala ko yun, naaalala ko kung gaano ako nagpakatanga para sa isang babae. To think that she's not even worth it," he cut off.  Muntik pa 'kong matawa sa hitsura niya nang sumimangot siya. Ganitung-ganito rin ang hitsura ni Nate kapag sumisimangot. Like father, like son. I sighed. "Hindi ka nagpakatanga. Sadyang minahal mo lang talaga siya. You loved a wrong girl at the wrong time. And no, Uno. You didn't give her everything. You still have your heart. Iyon ang mahalaga. At ibigay mo lang iyon sa babaeng mamahalin mo ulit. You're maybe broken by now, but she can fix you soon." "No, 'Ma. I'm not capable to love anymore." I raised my eyebrow. "I don't believe you. Because if you're not really capable to love anymore, why you catch the plate? Because if you're really that heartless and playboy right now, you'll just let it fall for you without catching it. You'll just break it," I said meaningfully.  Umismid lang siya at hindi sumagot. I pinched his cheeks lightly and smiled. Nagmana siya kay Nate kaya alam kong kakainin niya rin ang lahat nang sinabi niya ngayon. "Magmamahal ka ulit, Uno. Titibok ulit ang puso mo para sa isang babae. And once na maramdaman mo ulit 'yon, siya na ang karapat-dapat para sayo." He returned the plate to the rack before looking at me seriously. "When that happens, I'll keep the plate away from me before I could even break it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD