SKYE
Today is Friday at patungo na ko sa gym para sa volleyball try-out. Hanggang alas tres lang ng hapon ang klase ko kaya tamang-tama lang para may oras pa ko para makapag-ready. The badasses already said good luck to me when we saw each other earlier in the morning. Pupunta raw sila mamaya sa gym para suportahan ako.
Natutuwa akong makilala sina Lynn, Hillary, Rillette, Piper at Finley. Maraming estudyante ang ilag at umiiwas, pero mas marami pa rin ang nagtataasan ng kilay sa kanila. Hindi na lang nila iyon pinapansin dahil ayaw raw nilang masayang ang oras nila sa mga taong iyon.
Nakilala ko na rin yung sinasabi nilang Cliffer Montalvo na pinakabata na basketball player at kaibigan din nila. Magkaklase kami sa dalawang major subjects ko. I'm taking up Bachelor of Fine Arts, same course and year level with him. Maraming na-credit na subjects mula sa former school ko kaya masasabi kong okay yung class schedule ko sa MEU this semester. Besides, tapos na ang Finals namin at isang linggo na lang din kasi ang natitira bago matapos ang semester nang ma-kick out ako.
Tahimik si Cliffer. Sobra. Kapag hindi mo siya kinausap, hindi ka rin niya kakausapin. Kung ano lang yung tinanong mo, iyon lang din ang sasagutin niya. Kumbaga, makakaramdam ka ng hiya kapag kinausap mo siya. Pakiramdam mo kasi, hindi ka niya papansinin lalo na kung ayaw niya sayo. Pero, nang minsang makita kong kasama niya ang mga kaibigan niyang lalaki, madaldal naman siya. Nakakapagyabang at nakikipaglokohan pa nga siya sa mga ito. Siguro talagang ganun lang siya. Tahimik sa ibang tao, pero madaldal pagdating sa mga kaibigan niya.
Pagdating ko sa gym, medyo marami na ring nakapila sa registration area. And I was already filling out the form when I saw a pair of shoes standing in front of me. "Look who's here." I lifted my head and met the gaze of the b***h I met three days ago. May hawak din siyang form bago iyon ibinigay sa isang babaeng nagbabantay sa registration area.
"You'll try-out in the volleyball team? Lakas din naman ng loob mo, ano? Why don't you just back out and go home?"
"Why? Are you scared that you'll not gonna make it on the volleyball team because of me?" I mocked before I finished and gave back the form to the registration area.
"No. Why would I? And who are you, anyway? Even though you're not here, I'm sure that I'll make it to their team."
"Good luck, then," I said sarcastically before turning around.
Pero, agad din niya kong pinigilan sa braso dahilan para muli akong mapaharap sa kanya. She was glaring at me. "Don't turn your back on me when I'm still talking to you, bitch." Then, she grinned playfully. "Ayokong mapahiya ka lang kapag inilampaso kita mamaya. So, a piece of advice. Don't embarrass yourself in front of many students here. Go home now."
"No one will go home."
Sabay kaming napalingon sa nagsalitang iyon. It was Piper, walking towards to our direction. She stopped in front of us. "Both of you came here to try-out, right? And you, Avery." At binalingan niya ng tingin yung babae. "Why don't you impress us later in playing volleyball instead of bitching around?"
Si Piper naman ang sinamaan nito ng tingin. "Watch your mouth, b***h. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo?"
"Of course not. You're our Captain's younger sister, so better if you behave well and do your best inside the court. Baka ikaw pa ang magpahiya sa kanya kapag nagkalat ka mamaya. And I also don't care if you're Uno's flavor of the week. We both know that your flirting relationship with him will not stay longer, so you better enjoy it while it lasts. I'll pity you if he dumps you sooner or later," Piper answered, emphasizing the 'flirting relationship' words.
Mas lalong tumalim ang tingin ng babaeng tinawag niya sa pangalang Avery, pero hindi na niya hinintay pang sumagot ito at hinila na niya ko papunta sa isa sa mga bleachers ng gym.
"The nerve of that b***h. Kung hindi lang talaga siya kapatid ni Captain at bagong kalandian ni Uno, matagal ko nang binato ng bola ang pagmumukha niya. Tsk."
"Kapatid siya ng volleyball captain n'yo?" Pinigilan ko ang sarili kong magkomento sa sinabi niyang kalandian ito ni Uno.
"Don't worry, Skye. It's not a big deal. Kahit kapatid pa ni Captain si Avery, sa talent, skills and good attitude pa rin siya tumitingin. Avery may have the talent and skills, but she doesn't have a good attitude. By the way, maya-maya rin ay nandito na yung apat para panoorin at suportahan ka. Good luck and do your best."
"Thanks, Pipe." Bahagya pa kong ngumiti at tumango sa kanya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Yes. It's not a big deal, actually. But, it's an advantage for her. Nevertheless, I should focus on my play later. I must do my best to be part of the volleyball team.
-----
At exactly four in the afternoon, the volleyball captain assembled us. "I'm Savannah Castillo, senior level and the captain of the volleyball team. I'm happy because the number of students that wanted to try-out this year were doubled compared last year. Out of twelve who tried-out, only three made it to our team. Piper, Stella and Eunice. Now, I wonder how many of you will pass and join us. Let's see what you've got, girls." Kinuha niya ang bola at ngumiti. "And impress me."
Medyo na-pressure yata ako sa huling sinabi niya. Ilang sandali pa, sinabi niyang hahatiin kami sa apat na team at maglalaban-laban. Isa-isa na niyang tinawag ang mga pangalan at kung saang team kami.
"Skye Lei Montenegro. Team A."
I went to the side of my team when she called my name.
"Avery Castillo. Team B."
Tumingin ito sa direksyon ko at umirap bago tinungo ang kabilang team. Lihim akong napangisi at napailing. Good thing, we don't belong on the same team. At mukhang tama lang na sa Team B ito. B stands for 'b***h' just for her.
Unang naglaban sa court ang Team C at D. At habang naglalaro sila, kapansin-pansin ang unti-unting pagdami ng mga estudyanteng nanonood. After three sets, Team C won. The volleyball captain called for Team A and B for the next game. I took a deep breath before standing from the bleacher. Naglakad na ko kasama ang mga ka-team ko sa court.
"Skye!"
Nilingon ko ang tumawag na iyon. Nakita ko sina Lynn, Hill, Rillette, at Finley sa di-kalayuan at kumakaway sa direksyon ko. "Good luck!" they said in unison. I smiled and waved back at them.
Team B possessed the ball for service. Nang masalubong ko ang tingin ni Avery, nakangisi siya nang nakakaloko at para bang hinahamon niya talaga ako. Hindi ko na lang siya pinansin pa. When all of us were already in the position, Savannah whistled to start the game.
Kahit ito ang unang beses na nakita at nakilala ang mga ka-team ko, masasabi kong may teamwork at strategy kami. Although sa first set, Team B ang nanalo. 25-20 ang score. Kaya nga ganun na lang kung ngitian ako ni Avery. As if she was telling me that they've already won. All I can say is, it was too early for her to think that she won. Dahil sisiguraduhin kong kami ang mananalo sa next set of game.
Bago pa man magsimula ang second set, narinig na namin ang tilian ng mga estudyante. The gorgeous and conceited guys entered the gym and walking towards the volleyball court. And one of them caught my attention. Seryoso siyang naglalakad at nakatingin sa direksyon ko. My heart was pounding so fast.
Nandito siya. Nandito si One.
"Uno babe!" narinig kong sigaw ni Avery mula sa likuran ko at nasa kabilang court na kumakaway. When I looked back, I saw him smirking and waving back at her.
Bigla yatang umurong ang lahat ng kilig sa katawan ko at lihim na napaismid. So, it's Uno, not One. Bakit kasi kapag seryoso siya, kaparehong-kapareho ni One? Tsk.
I couldn't help myself but to feel annoyed at him. Ewan ko ba. Just seeing him around and that stupid smirk on his face, it makes me feel pissed. Maybe because of his reputation being the certified playboy in this campus. Ang ayoko kasi sa lalaki ay yung hindi seryoso at pinaglalaruan lang ang damdamin ng babae. At ganun si Uno kaya may dahilan ako para mainis sa kanya, 'di ba?
Pumito na si Savannah hudyat na simula na ng second set. Nasa amin ang possession ng bola at ako rin ang magse-serve. Itinuon ko lang ang buong atensyon sa pag-spike ng bola kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko na sa akin naka-focus ang tingin ng lahat. Especially Uno.
Dumaplis ang bola sa kamay ng kalaban kaya nag-outside ito. "Nice one, Skye," puri ng mga ka-team ko at nakipag-apir sakin.
And the game continues. I could really feel that this second set is ours. Lamang kami ng six points. 20-14 na ang score. Nang magkaroon ako ng pagkakataon para mag-spike ng bola, agad ko iyong ginawa. Nag-dive si Avery para habulin iyon, pero lumihis ang direksyon ng bola nang tamaan niya.
"Yeah, boy! That's how you really hit the ball!" Narinig kong sigaw ng badass gals na agad kong ikinalingon sa direksyon nila at ngumiti.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa harapan nang mahagip ng tingin ko si One na nakatayo at nanonood na rin sa di-kalayuan. Alam kong siya na iyon dahil nasa kabilang side lang ang kakambal niya. Nasa pagitan nila ang best friend nilang si Ash.
Lihim akong napangiti at mas lalong ginanahan sa paglalaro. Talagang nanonood na siya ngayon.
Gaya ng instinct ko, kami nga ang nanalo sa second set sa score na 25-19. Pagdating naman ng last set, naging dikit ang laban. Sa tuwing mag-i-spike ako, hindi ko man sinasadya, pero palaging si Avery ang nakaka-receive ng bola. Kapag hindi niya iyon nasasalo nang maayos, panlilisikan niya ko ng mata, pero ipinagkikibit-balikat ko na lang. It's just a game at hindi ko na kasalanan kung pikon siya.
Natapos ang third set at kami ang nanalo. And of course, tuwang-tuwa ang team namin. Pumalakpak ang volleyball captain para makuha ang atensyon naming lahat.
"Listen up, guys. All of you really have the potential, talent and skills. But, only some of you did really impress me. We will post the names who passed and will join our team by next week on the bulletin board. Thank you." And with that, she left.
Ang iba sa amin ay nagpaalam na rin at umalis na. Lumapit naman sakin yung limang babae.
"Nice play, Skye," Rillette complimented.
"Ang galing mo," papuri naman ni Finley.
"Pero mas magaling ka sana kung ang mukha ni Avery 'b***h' Castillo ang pinuntirya mo sa bawat hampas mo ng bola." Natawa kami sa komentong iyon ni Hillary. "Kidding aside, talagang magaling ka. Sana sa basketball ka na lang nag-try out."
"Stop recruiting her, Hill. Malakas ang kutob kong mapapabilang na siya sa amin. We need a strong hitter like her," komento naman ni Piper.
I hope so. "Thanks, girls. And thank you for cheering me earlier."
"Sus! Maliit na bagay, Skye," sabi naman ni Lynn.
Ilang sandali pa, lumapit na rin ang mga kaibigan nilang lalaki. "Yow, girls. Hey, Skye!" pagbati nila sa 'kin.
I smiled and greeted back. Naipakilala na sila sa akin ni Lynn two days ago, kasabay nang pagpapakilala sa 'kin sa kambal at kay Ash. At masasabi kong bukod sa guwapo ang mga lalaki, talagang mayayabang at maloloko rin sila.
Nakita kong lumapit din ang kambal kasama si Ash. Nakita ko rin ang paglapit at paglingkis ni Avery kay Uno. Itinuon ko na lang ang tingin ko kay One at pinigilan ang sarili kong mapatingin sa direksyon ni Uno kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko na patuloy pa rin siyang nakatitig sa 'kin habang pinanlilisikan naman ako ng mata ng babae niya.
"Ang lakas mo mag-spike, Skye," nakangiting papuri ni Ash.
"Thanks, Ash."
"You really hit the ball so hard and powerful."
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa papuring iyon ni One. And at the same time, bigla akong nahiya nang maalala ko 'yung first meeting namin. Kaya pakiramdam ko ay hindi lang niya ko pinupuri sa laro ko kanina, kung hindi pati na rin nang tamaan ko siya ng bola noong Monday. "T-thank you, One."
"You're great out there."
Napalingon ako nang sabihin iyon ni Uno. He smirked, then looked at his 'fling'. "Babe," he added. And in response, Avery smiled widely and kissed him.
Gusto ko sanang isigaw sa kanila na 'Get a room!', pero umiwas na lang ako ng tingin. 'Yung kalandian naman pala niya ang pinupuri niya. Then, why was he directly looking at me when he said those words? Tsk.