SKYE "Ano bang gagawin kapag nabasa ko na ang lahat ng ito?" tanong ko kay Uno habang nakatuon ang tingin sa papel na pinapabasa niya sa 'kin. "You'll go up on stage and recite everything on that paper in front of all the MEU students." Hindi lumilingong iniabot ko sa kanya ang hawak ko. "Maghanap ka na lang ng ibang partner mo na magaling sa memorization at recitation." I looked at his direction when I heard him laughing. "Kidding. Not literally recitation. At the end of the month, you'll take a written exam regarding those things." Sabay turo pa niya sa hawak kong papel. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago muling bumalik sa pagbabasa. I hate memorization. Masyadong nai-stress ang utak ko pagdating sa mga bagay na ganyan. Kaya nga mas pinili ko ang Fine Arts. Besides, mas gusto ko k