RFYH 4

1221 Words
“ANO’NG INIISIP MO?” tanong sa akin ni Clyde nang mapansin niya na nakangiti ako habang naglalakad kami. Oo nga pala, kasama ko nga pala ‘tong isang ‘to. Kasama ko na nga siyang maglakad pero siya pa rin ang laman ng utak ko. Sino ba kasing makapagsasabi na magiging best friend ko pala ang lalaking tinatawag ko na siga noon? Kahit na ito ang gusto sa amin ni mama, hindi niya pa rin ine-expect na talagang magiging mag-best friends kami. To the point na mas madalas ko pang makita si Clyde kaysa sa mga magulang ko. “Iniisip mo kung gaano kaguwapo ang best friend mo, ‘no?” dagdag niya pang tanong sa akin bago siya pumuwesto sa harap ko at nag-pogi pose pa talaga roon. “Ako lang ‘to.” “Ew! Asa!” kaagad ko namang sagot sa kan’ya na naging dahilan para mapanguso siya habang ganoon pa rin ang pose niya. Siyempre ay joke lang naman ‘yon, ‘no! Alam ko naman na guwapo talaga siya. Kaya nga kahit na naglalakad lang naman kami rito sa hallway dahil ihahatid niya raw ako sa room ko ay pinagtitinginan pa rin siya ng mga kababaihan dito na para bang isang celebrity ‘tong nasa harap ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit palagi niya pa rin akong hinahatid papunta sa room ko kahit na hindi naman na kailangan. Una sa lahat, may dalawang paa naman ako para maglakad. Pangalawa, kaya ko namang maglakad mag-isa. At panghuli, ang layo kaya ng building niya sa building ng room namin. Mauuna pa niyang madaanan ang building niya pero mas pinipili niya pa rin talaga na ihatid muna ako bago siya bumalik doon. Dalawa kasi ang building dito sa school na pinapasukan namin, at malas lang dahil magkaiba na nga kami ng section, magkaiba pa kami ng building. Gusto nga niyang lumipat sa section ko pero pinigilan ko lang siya. Kailangan din naman niyang matutong mag-isa, kagaya ko. “Naaalala mo ‘yong unang araw na nagkakilala tayong dalawa?” tanong ko sa kan’ya nang magpatuloy na kaming maglakad. Nakita ko na pinagtitinginan siya ng ilang mga kababaihan na nasa kan’ya-kan’ya nilang classroom pero hindi ko na lang sila pinapansin. Sanay na ako sa ganitong klaseng atensiyon kapag kasama ko si Clyde. Sikat kasi siya sa kababaihan. Guwapo ito, matangkad, miyembro ng music club at captain pa ng basketball team. Siya talaga ‘yong tipo ng lalaki na gugustuhin ng lahat, puwera lang sa akin. Eh, mas lalaki pa ang tropa sa akin ng isang ‘to! Paano ko siya magugustuhan, hindi ba?! I-try kaya nilang mapunta sa posisyon ko ngayon, ewan ko lang kung magkagusto pa sila sa damuhong ‘to! “Oo naman. Bakit ko naman makakalimutan ‘yon, eh mukhang tigre ka noong mga panahon na ‘yon?” kaswal na sagot niya sa akin bago niya ako sinulyapan ng tingin. “Ako, mukhang tigre? Ikaw naman, bayawak!” pang-aasar ko sa kan’ya bago ako ngumisi, pero katulad noong mga bata pa kami ay hindi na naman niya pinansin ang pang-aasar ko sa kan’ya. “Anyway, naalala mo ‘yong sinabi mo noong araw na ‘yon na magdadala ka ng masarap na ulam, tapos itlog lang din naman ang dala mo!” Hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko noong maalala ko na naman ang pangyayaring ‘yon. “Akala ko ba ay masarap na ulam ang dala-dala mo? At sa pagkakaalala ko, ang sabi mo ay hindi ‘yon itlog,” wika ko sa kan’ya pagkabalik niya rito sa loob ng bahay. “Wala si mama, eh.” Hindi niya nagawang sabihin ‘yon nang diretso sa akin. Halatang nahihiya siya dahil ang sabi niya sa akin kanina ay masarap daw ang ulam na dadalhin niya, tapos hindi naman pala. Wala namang kaso sa akin ang itlog, pero natatawa lang talaga ako sa pagmumukha niya. Mukha siyang batang pinagkaitan ng kasiyahan. “Wala kasi si mama no’n kaya hindi ako nakapagpaluto sa kan’ya,” sagot nito sa akin habang nakapamulsa at pabaling-baling ang tingin sa kaliwa at kanan niya. Natawa na lang ako dahil ang defensive ng tono ng boses niya. Dahil doon ay may na-realize ako. Alam ko na kung bakit madalas niya akong samahan dito sa building ko. Marami kasing magagandang babae rito, at sigurado ako na kaya malikot na naman ang mga mata ng isang ‘to ay dahil naghahanap na naman siya ng mabibiktima niya. Mahilig kasi sa barbie itong si Clyde, pero real-life barbie ang mga nilalaro niya. Hindi ko alam kung bakit trip niyang magpapalit-palit ng babae, eh ang bata pa kaya niya! Paano na lang kaya kapag tumanda na kami, hindi ba? “Hoy, Hamster, hindi ka ba natatakot sa karma-“ Itatanong ko lang naman sa kan’ya kung hindi ba siya natatakot na baka maging malupit sa kan’ya ang tadhana dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan, kaya lang ay hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla ba naman siyang pumunta sa likod ko at h-in-ead lock ba naman ako! Nakalimutan yata niyang babae ako- ay mali, ganito nga pala talaga ang ginagawa niya palagi para buwisitin ako! Palibhasa ay hanggang dibdib niya lang ako dahil sa tangkad niya kaya naman kahit pilitin kong hablutin ang buhok niya ay hindi ko magawa. Kapre! “Huwag mo akong tawaging hamster, pandak. Masisira reputasyon ko niyan, eh,” bulong niya sa kaliwang tainga ko habang nakapulupot pa rin ang kanang braso niya sa leeg ko. “Sino’ng pandak, ha? Matangkad ka lang!” bulyaw ko naman sa kan’ya habang sinusubukan kong makawala pero sadyang malakas ang kapre na ‘to. “Saka, wow! Reputasyon? Mayroon ka? Aray!” Itong isang ‘to, bigla na lang akong binatukan gamit ang kaliwang kamay niya. Double kill na ‘yon, ah! ‘Yong totoo, paano nagkakagusto sa kan’ya ang mga babae rito sa school sa gan’yang ugali niya? Siguro ay ginayuma sila nito ni Clyde! Sinamaan ko siya ng tingin nang makita ko na nagpipigil siya ng tawa. Unti-unting lumulobo ang pisngi nito habang nakatingin sa akin na nakatingala lang sa kan’ya ngayon. “Kailan ka kaya magbabago, ano?” seryosong tanong ko sa kan’ya habang umiiling-iling. "Feeling mo ay barbie doll ang mga babae kung pagpalit-palitin mo, eh." Karma na lang talaga ang gaganti niyan para sa kan'ya. I wonder kung anong klaseng karma iyon. "Grabe ka naman sa akin!" Hinawakan pa nito ang dibdib niya na para bang nasaktan talaga siya sa sinabi ko kahit na hindi naman. "Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang talaga malaman kung sino kaya ang babaeng para sa akin." "So, magbabago ka lang kapag nakita mo na 'yong babaeng para talaga sa iyo?" tanong ko naman bago ko siya pinagtaasan ng kilay ko. "Uh huh." Tumango ito bago pinaglaruan ang labi niya gamit ang daliri niya. Ginawa niya iyon habang nanatili ang tingin niya sa akin. Napatahimik ako dahil sa sagot niyang 'yon. Medyo nailang din nang bahagya kaya umiwas na lang ako ng tingin, umaasa na hindi niya mapapansin ang pag-iiba ng reaksiyon ko. He knows me for years. Limang taon na kaming magkaibigan, pero ganoon pa rin ang ugali niya. I smiled bitterly when a painful realization hit me. Maybe that girl who will change him wasn't me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD