Tahimik lang ako habang naglalakad patungo sa assigned hotel room para kay Ashteroh. Walang kibo na nakasunod lang naman siya sa akin. Kasama ko na ngayon si Dustin na siyang kumakausap ngayon kay Ashteroh. "Wait." Napatigil kami at napalingon kay Ashteroh nang magsalita siya. Ipinasok n'ya ang kamay sa bulsa ng trousers n'ya, tila may kinakapa ro'n. "Is there something wrong, Sir?" tanong ni Dustin. Kinuha ni Ashteroh ang wallet n'ya saka inangat 'yon. "Nothing, I just checked if I lost something. I heard there's a mischievous thief lingering around. I have to be careful," malamig na sabi n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Alam kong ako ang pinariringgan n'ya at alam ko rin na wala akong karapatang magreklamo. Dapat masaya na ako na ganito ang paki