"Nathalie... Hindi mo naman kailangang gawin 'yon para sa amin. Kami ang dapat na parusahan at hindi ikaw. S-Susubukan ko ulit na kausapin si Ashteroh Alexeev," bulong ni Gina habang nakatungo. Napatigil ako sa paglalagay ng make up at napatingin sa kanya. Tipid na ngumiti na lang ako. "Kahit pa kayo ang namilit sa akin na lokohin si Ashteroh... ako pa rin ang pinagkatiwalaan n'ya. Ako ang pinagkatiwalaan at minahal ni Ashteroh pero nagawa ko siyang lokohin at iwan... kaya sa akin siya pinakagalit, Gina. Dapat lang na ako ang parusahan n'ya," sabi ko na lang saka napabuntonghininga. Muling napatingin na lang ako sa salamin. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari. Sinabi n'ya na pagtatrabahuhan ko ang ninakaw namin sa kanya... ibig sabihin no'n hindi ko magagawa nang ayos ang trabaho