"Shet na malagket. Sana si Havon ang makatuluyan ni Hazel," sabi ko saka napayakap nang mahigpit sa unan. Natigilan si Ashteroh sa sinabi ko at inalis ang pagkakaakbay sa akin. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya nang hampasin n'ya ako ng unan sa mukha. Naiinis na kinuha ko ang unan sa kanya saka hinampas din ang mukha n'ya. "Grabe ka, boss! Ganyan ka na porke binasted kita!" asik ko saka sinakal-sakal pa siya. Napaubo naman siya at itinulak ang mukha ko palayo sa kanya. Gagong 'to, parang kanina lang ang sweet n'ya. Panay ang halik at yakap tapos bigla na lang nanghahampas. Siraulo amputa. Nandito kaming dalawa sa may living room nanonood ng palabas. Dapat sa kwarto n'ya kaso sabi ko dito na lang sa sala para hindi ako makatulog. Romance 'tong pinapanood namin. Buti napilit k