"Boss mapagmahal sakalam!" Natigilan si boss sa pagsusuot ng necktie nang bigla akong pumasok sa kwarto n'ya. Napangisi na lang ako at naglakad papalapit sa kanya saka hinawakan ang necktie n'ya. "Boss, ako na rito," sabi ko saka ngumiti nang matamis. Napasinghap ako nang paluin n'ya ang kamay ko saka nilayo 'yon sa necktie n'ya. "Tumigil ka. Baka mamatay na 'ko nang tuluyan kapag hinayaan ulit kitang magsuot ng necktie sa 'kin," nakakunot-noong sabi n'ya. Napaismid ako. "Akala ko ba ang habol mo sa 'kin, e, mapangasawa ako?! Diba ginagawa ng mga wife 'yan sa asawa nila?!" asik ko saka hinampas siya sa braso. "Oo nga, pero kapag ikaw ang nagsuot ng necktie ko, mabu-byuda ka nang maaga!" reklamo n'ya. "Sus, edi mag-aasawa na lang ako ulit," bulong ko. Agad naman akong ni-headlock ni