“Boss, makikipag-meet ako sa friends ko.” Nakalambitin lang ako sa likod ni boss habang nagsusuot siya ng relo. Halos magusot na ang blazer n'ya pero tila wala na naman siyang pakialam do'n. “Sino?” tanong n'ya. Umalis ako sa pagkakalambitin sa kanya saka hinarap siya. “Yung mga kaibigan kong magnanakaw. Magbo-bonding lang kami,” sabi ko saka napakamot sa batok ko. Natawa si boss. “Paano ba ang bonding n'yo? Magnakaw?” tanong n'ya. Naiinis na kinagat ko siya sa panga saka yumakap sa batok n'ya. Natawa na lang siya saka yumakap din sa baywang ko. Bigla kasing nag-text sa akin si Gina at nagyayayang makipagkita. Magbonding daw kami. Baka nga pagnanakaw ang bonding na tinutukoy n'ya. “Boss, pansin ko hindi ka nag-aalmusal bago pumasok,” sabi ko saka tumitig sa kanya. “Kape lang naman