“Naririnig n'yo ba ang sinasabi n'yo?!” Hindi kaagad nakasagot sina Gina sa tanong ko. Napaiwas sila ng tingin sa 'kin na tila ba maski sa sarili nila, hindi nila alam ang sagot. “Wala na tayong ibang pagpipilian, Naths. Wala na tayong oras para mag-isip. Alam naming ganyan ang magiging reaksyon mo... tumulong ka man sa 'min o hindi, pupunta kami sa mansyon n'ya mamayang gabi,” sabi ni Chinu saka napabuga ng hangin. “P-Papatayin kayo ni Ashteroh kapag nahuli n'ya kayo. Binalaan n'ya na kayo nu'ng huling beses, diba? Seryoso siya... k-kaya n'yang pumatay ng tao. Nakita ko 'yon noon, sa mismong harapan ko pa. B-Baka hindi ko siya makumbinsi kapag nahuli n'ya kayo. M-Makinig kayo sa 'kin, tutulungan ko kayong magnakaw sa iba. Kaya ko nga kahit mag-isa, e. H'wag naman kayong magpadalos-dalo