MABILIS na lumipas ang mga araw at unti-unti nang nakapag-adjust si Anne sa bago niyang eskuwelahan. Tinupad niya ang banta niya noon na patalsikin ang professor niya. Pinangakuan lang niya ng latest model ng Hermes bag ang dean ng kanilang department ay agad na itong tumalima para gawan ng paraan ang hiling niya. Lalo at nalaman nito na anak siya ng isa sa mga philanthropist ng Saint Rose University.
Pati ang babaeng nakalaban niya noon ay pinatalsik din ni Anne sa unibersidad. Personal niyang pinuntahan ang ama nitong senador at tinakot na kukumbinsehin ang daddy niya na huwag itong suportahan sa darating na eleksiyon kapag hindi nito inalis sa Saint Rose University ang anak.
At lahat ng iyon ay pikit-matang sinuportahan ni Don Jose Miguel para lang iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito.
"Miss Anne!" Napahinto siya mula sa pagre-retouch ng lipstick nang marinig ang pangalan niya. Pero hindi na niya ito kailangan pang lingunin dahil sa ilang araw nitong pagbubuntot sa kaniya, kahit papaano ay kilala na niya ang boses ng babae. Mayamaya pa ay umupo na sa tabi niya si Carmelita. Ito ang nerd na babaeng ipinagtanggol niya noon sa professor nila. “Miss Anne…”
Simula noong araw na ipinagtanggol niya si Carmelita ay hindi na ito tumigil sa pangungulit na maging kaibigan niya. Dahil wala naman siyang kaibigan at wala siyang balak makipagkaibigan sa school na iyon, pinagtiyagaan na lang ito ni Anne. Para lang hindi mapanis ang laway niya kapag nasa school siya.
Tiningnan niya ito nang masama dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kaniya. "What?”
“Thank you nga pala sa pagtatanggol mo sa’kin, ha? Tama lang ang ginawa mo sa teacher na ‘yon. Masama talaga ang ugali no’n. Mahilig mamahiya at mambagsak ng grades kahit pa matalino basta hindi niya nagustuhan.”
“Ilang beses ka na bang nag-thank you sa’kin?” naiinis na sagot ni Anne. “Nakakarindi na, ha?”
Pero nginitian lang siya ni Carmelita, “Hindi lang talaga ako makapaniwala na sa wakas, may isang kagaya mo ang nagtanggol sa’kin dito sa Saint Rose. Naalala ko tuloy ang kuya ko. Ayaw niya na mag-aral ako dito sa Maynila kasi baka ma-bully lang daw ako. Kaya hindi ko sinasabi sa kaniya ang ginagawa sa’kin ng professor natin at baka kung ano pa ang gawin niya. Ayokong masangkot siya sa gulo nang dahil sa’kin.”
Mahilig magkuwento si Carmelita kapag sila ang magkasama. Kahit hindi naman siya nagpapakita ng interes. Pero aminado si Anne, na minsan, naiinggit siya sa babae dahil may kapatid ito na mukhang mapagmahal. Isang kapatid na pangarap lang niya.
Napatitig siya sa babaeng kaharap. Maganda naman ito kung marunong lang mag-ayos. Napansin din niya na sa ilang araw nilang pagsasama, madalas itong namumutla at parang haggard palagi. May mga araw din na pumapasok itong namumugto ang mga mata. Wala lang siyang pake kaya hindi siya nagtatanong.
“You know, ang baduy ng pangalan mo. What if palitan natin?” mayamaya ay suhestiyon niya. “‘Carmel’ na lang para may dating naman.”
“Iyon din ang sabi sa’kin ng boyfriend ko. Kaya nga ‘Carmel’ lang ang tawag niya sa’kin.” Napansin niya ang lungkot sa boses nito bago napayuko.
Napaarko ang kilay niya. “You have a boyfriend?”
Nakayuko pa rin na tumango si Carmelita. “Yes, Miss Anne. Taga-ibang school siya. Third monthsary nga sana namin ngayon pero isang buwan na siyang hindi nagpaparamdam sa’kin,” dagdag pa nito sa boses na parang paiyak.
Pero dahil hindi naman siya interesado sa buhay ng iba kaya nagkibit-balikat lang ang dalaga.
“By the way, Miss Anne…” kapagkuwan ay wika ni Carmelita at saka mabilis na dinukot sa bag ang cellphone at binuksan ang f*******: account. "I'll show you something..."
Bahagya lang niyang sinulyapan ang screen ng cellphone nito nang ipakita nito ang isang post sa f*******: group ng Saint Rose University. Hindi na sana iyon papansinin ni Anne kung hindi lang tungkol sa kaniya.
Ang sabi ng nag-post, kung gaano raw kaganda ang mukha niya, ganoon naman kasama ang ugali niya. Arrogant, vain, at b***h pa raw siya. Ang taas-taas daw ng tingin niya sa sarili. At alam naman daw niya na marami ang naiinis sa kaniya. Pero mas nag-e-enjoy pa raw siya.
Aminado naman si Anne sa nabasa niyang iyon. But she doesn’t give a damn what they think of her.
Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang huling sinabi ng nag-post na babae. Na feeling-era at mukhang An-an daw siya sa sobrang kaputian. At malandi pa raw siya!
Sa lahat ng pinakaayaw ni Anne ay `yong tawagin siyang malandi. Dahil ni minsan ay hindi siya nang-akit ng lalaki. Masiyado siyang maganda para gawin iyon.
"I don't need anyone else’s validation or judgement. Pero `yong sabihan akong mukhang An-an at malandi?" She gritted her teeth. "Ibang usapan na `yon."
“Oo nga, Miss Anne. Mas malandi pa nga ang Ava na ‘yon. Hindi lang talaga niya matanggap na mas pinagkakaguluhan ka na ngayon ng mga lalaki dito sa campus kaysa kaniya,” tukoy ni Carmelita sa babaeng nag-post.
Ang Ava na iyon daw ang itinuturing na campus sweetheart ng Saint Rose University. Pero nasapawan na ni Anne simula nang dumating siya rito.
“Sabihin mo sa’kin kung saan ko makikita ang babaeng ‘yon. I will skin her alive! How dare she to call me flirt?”
Kahit si Carmelita ay halatang natakot sa naging reaksiyon ni Anne. "Sa Forbidden po siya mabilis tumambay, Miss Anne."
“Forbidden?”
"Isa iyon sa mga sikat na bar dito sa Maynila na pinupuntahan ng mga estudyante. Hindi ko nga lang alam kung bakit pinangalanan iyon na Forbidden,” paliwanag ni Carmelita. "Siguro dahil tanging mga influential personality lang ang puwedeng makapasok.”
“Kung gano’n, samahan mo ako sa lugar na iyon. Mamayang gabi din, babalatan ko ng buhay ang Ava na ‘yon!”
Bukod sa pagiging arogante, kilala rin si Anne sa pinanggalingan niyang school sa Italy na, ‘lintek lang ang walang ganti’.
“Sure, Miss Anne. Magkita na lang tayo mamaya sa labas ng gate. Sasamhan kita sa Forbidden.”
KATULAD ng napag-usapan nila ni Carmelita, kinagabihan, naghintay nga sa labas ng gate si Anne. Pero lumipas ang ilang oras na hindi ito dumating, na ikinagalit niya.
Balak sana ng dalaga na sumbatan ang babae kapag nagkita sila kinabukasan. Ngunit hindi rin ito pumasok.
Hanggang sa ilang araw na itong absent at walang nakakaalam kung bakit. Hindi rin naman niya tinanggap ang cellphone number ni Carmelita nang ibigay nito iyon sa kaniya noon. Kahit ang tinitirhan nito ay wala rin siyang ideya. Hindi tuloy niya alam kung paano ito kokontakin.
Mabuti na lang at narinig ni Anne sa mga kaklase niya ang bar na sinasabi ni Carmelita, na nagkataong mga kaibigan pala ng Ava na iyon. Hindi na raw kasi pumapasok ang babae at nag-drop out na.
PINUNTAHAN ni Anne ang address ng bar na narinig niya sa mga kaklase niya. Katulad nga ng sinabi sa kaniya ni Carmelita noon, hindi basta-basta nagpapapasok ang mga guwardiyang nagbabantay sa labas. Kailangan pa niyang patunayan na anak nga siya ni Don Jose Miguel Monteguado.
Pagkatapos mapatunayan ang pagkakilanlan ni Anne, saka lang siya sinamahan ng dalawang security guard sa loob ng bar. Pinasuot siya ng masquerade mask na isa raw sa requirements para makapasok.
Iba’t ibang klase na rin ng hindi ordinaryong bar ang napasukan na ni Anne noong nasa Italy pa lang siya. Ngunit hindi niya pa rin napigilan ang mamangha sa paligid nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng Forbidden. Nakakabilib ang mga teknolohiyang ginamit.
Sa biometric device pa lang na ginamit kanina nang i-verify ang identity niya ay hindi na iyon basta-basta. Automated din ang lahat ng pinto sa paligid. May mga alarm pa para maiwasan ang unauthorized access sa lugar. Protektado pa raw ito ng matataas na tao kaya kahit malaman man ng mga awtoridad ang mga maling aktibidades sa bar na iyon ay ligtas pa rin.
Sabagay. Para saan pa at puro mayayaman ang customer ng Forbidden kung walang ganoong protection?
Patay-sindi na ilaw sa dancefloor ang agad na sumalubong kay Anne. Bukod sa maingay na tugtugin, maiingay rin ang mga sumasayaw na halos mga lasing na. Naghihiyawan ang mga kalalakihan dahil sa mga babaeng nagpo-pole dancing sa stage. Tulad niya, lahat ng mga nakikita niya ay nakasuot din ng masquerade mask. Kaya siguro ang lalakas ng loob para magkalat.
Ganoon din naman siya ka-wild noong nasa Italy pa siya. May bitbit pa nga siyang alak habang sumasayaw.
Pero dahil iba ang pakay niya sa Forbidden kaya nag-ikot-ikot sa paligid si Anne para hanapin si Ava, sa halip na makipag-inuman at makipagsayawan. Pero bago iyon ay kumuha muna siya ng alak at tinungga niya iyon habang naghahanap. Hindi na siya makapaghintay na gantihan ang babaeng iyon. Ilang araw na siyang pinagkakaguluhan sa group dahil sa post nito. Marami na ang naniniwalang malandi nga siya, at nakitawag pa sa kaniya ng ‘An-an’. Naka-anonymous lang ang mga iyon kaya ang lakas ng loob para kalabanin siya.
At ang mga iyon ang susunod niyang gantihan pagkatapos niya kay Ava.
Habang naglilibot, natuklasan ni Anne na may mga VIP room din pala ang bar. Salamin pa ang bintana ng ilan sa mga iyon. Ang iba naman ay nakabukas lang ang pinto. Kaya kitang-kita niya ang mga nangyayari sa loob. Mga estudyante na sabog sa ipinagbabawal na gamot, mga couple na parang nasa porn site lang, at kung ano-ano pang mga gawain na kahit sinong mga magulang ay hindi gugustuhing makita.
Napailing na lang si Anne. Sa lahat ng bar na napuntahan niya ay iyon ang kakaiba. At hindi siya bilib sa nakaisip ng ganoong concept dahil siguradong maraming kabataan ang maagang masisira ang kinabukasan. Oo, may pagka-liberated siya. Pero ni minsan naman ay hindi naman siya na-involve sa ganoon kahalay na mga gawain.
NANG mapagod si Anne sa paglilibot at hindi pa rin niya nakikita si Ava o kahit ang mga kaibigan man lang nito, umupo muna siya sa isang couch na nasa sulok ng bar. Bitbit pa rin niya ang isang bote ng alak.
Damn!
Paano nga ba niya mahahanap ang babaeng iyon kung naka-mask lahat ng tao rito? Kung bakit kasi hindi na lang niya inalam ang bahay nito at doon niya ito sugurin? Siguro dahil na-curious din siya sa lugar na iyon kaya ginusto niyang puntahan.
“Hi, beautiful lady. Can I join—”
“No!” mabilis niyang sansala sa sasabihin sana ng lalaking bigla na lang lumapit sa kinaroroonan niya. Isa lang ito sa maraming lalaking nagpapapansin kay Anne simula nang dumating siya. Pero kahit isa man sa mga iyon ay walang nakapukaw sa interes niya.
Then another man came and asked her.
“Hey, miss. Puwede bang—”
“Shut up and leave!” bulyaw niya sa lalaki kaya nagmamadali itong umalis sa harapan niya.
Ngunit sadyang ayaw siyang tantanan ng mga lalaki sa bar na iyon at may sumunod pa. “Miss, kahit sayaw lang—"
“Sa hell ka sumayaw! Bullsh*t!” naiirita na niyang sigaw. Lalo pa at medyo nahihilo na siya dahil sa dami ng alak na nainom niya. Napasarap ang pagtungga niya habang abala ang kaniyang isip kung paano niya mahahanap si Ava gayong naka-mask din pala ito.
Bakit kasi hindi niya agad naisip iyon bago siya sumugod dito?
Ilang kalalakihan pa ang sumubok na lapitan si Anne pero lahat ay itinaboy lang niya. Akala niya makakaiwas na siya nang lumipat siya sa mas tago at mas madilim na parte. Iisang dim light lang ang naroon. Imposibleng may makakita pa sa kaniya roon kaya nagtanggal muna siya ng mask. Pumikit siya para magpahinga sandali.
Pero ilang minuto lang ang lumipas nang may marinig na naman siyang boses ng lalaki.
“Are you Google? Cause you’ve got everything I’ve been searching for.”
Ano raw?
Sa lahat ng lalaking lumapit sa kaniya ng gabing iyon, ito na yata ang pinaka-corny at baduy. Pero nang dahil doon kaya nakuha nito ang atensiyon ni Anne. Siguro dahil sa baritone voice nito. Puno ng iritasyon ang kaniyang mukha na dumilat siya at tiningala ang lalaki.
“Go to—” Bigla na lang naitikom ng dalaga ang kaniyang bibig nang makita niya ang nagmamay-ari ng baritonong boses na iyon. Eksakto naman na bumukas ang isang ilaw malapit sa kanila. And she saw a man standing in front of her.
At hindi lang basta nakatayo. He stands with confident. Nakabalandra pa sa harapan niya ang matipuno nitong katawan dahil nakabukas lahat ng butones ng suot nitong long sleeve button-down shirt. Nakasuot din ito ng rugged blue faded jeans. Parang wala sa sarili na napatitig siya sa abdominal muscles nito. And Anne wanted to feel them in her hands.
She couldn’t help but stare open-mouthed at his body!
Marahas na naipilig ng dalaga ang kaniyang ulo. Gosh! Kailan pa siya nagnasa nang ganoon sa isang lalaki? Naramdaman din niya na parang may nabuhay na bahagi sa kaniyang katawan nang mag-angat siya ng mukha at humarap sa lalaki. Mga mata at mga labi lang nito ang nakikita niya pero ramdam na ni Anne kung gaano kalakas ang dating nito sa sistema niya.
This man was oozing with s*x appeal!
Nawala tuloy sa isip niya na wala na pala siyang suot na masquerade mask. Nakalimutan na rin niyang itaboy ito at sa halip ay nakipagtitigan pa siya sa estranghero.
“Yes?” nakataas ang kilay na tanong ni Anne nang makabawi siya sa presensiya nito. Pero napansin niya na parang may nag-iba sa boses niya. For the first time, hindi siya nagtaray sa isang lalaking hindi naman kilala at halatang inaakit siya.
At iyon rin ang unang beses na humanga siya nang ganoon sa opposite s*x niya kahit hindi pa naman niya nakikita nang buo ang mukha nito. Kahit gaano pa siya kalasing.
Lalong nasira ang sistema ng dalaga nang ngumiti sa kaniya ang lalaki. “May I join you?”
Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya at agad siyang napatango. Sa isang iglap lang ay napatiklop siya ng lalaki at estranghero pa. “S-sure.”
Daig pa ni Anne ang isang maamong tupa na walang nagawa nang umupo sa tabi niya ang lalaking hindi pa nagpapakilala. Ni hindi ito nag-abalang tanungin ang pangalan niya. Nawala na sa isip niya ang totoong pakay sa bar na iyon. Kahit ang paghinga ay parang nakalimutan na rin niya nang mapansing wala ng pagitan sa katawan nila ng estranghero.
“Ako ba ang unang lalaking nakalapit sa’yo ngayong gabi?” nakangising tanong nito sa kaniya kaya naputol ang pag-iisip niya.
Hindi niya alam kung paano nito iyon nalaman. Ngunit napatango na lang si Anne. “Yes.”
“Kung gano’n, ang suwerte ko pala…” Gumuhit ang mapang-akit na ngiti sa mga labi nito bago siya kinindatan.
Ngumiti lang ang dalaga. Siya pa ang unang naglahad ng kamay at nagpakilala, “Brianna Chanelle Monteguado nga pala.”
Tinanggap lang nito ang pakikipagkamay niya ngunit hindi nagpakilala. “What a beautiful name.”
“Thanks,” nakangiting sagot niya.
Akmang babawiin na ni Anne ang kamay niya pero hindi iyon pinakawalan ng lalaki. Sa halip ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak at pinisil ang palad niya. “Do you mind dancing with me?”
“No, I don’t mind,” mabilis niyang sagot na kahit siya man ay nagulat din. Parang hindi na niya kilala ang sarili sa mga sandaling iyon. “Kanina pa nga ako bored dito, eh.”
“Same,” maikling sagot ng lalaki bago ito tumayo at inilahad ang kamay sa harapan niya para tulungan siyang makatayo.
Kumapit naman si Anne sa kamay nito. Pero dahil nga lasing na siya kaya nawalan siya ng balanse. Muntik nang tumama ang mga labi niya sa bibig ng lalaki. At nang subukan niyang lumayo ay bigla na lang nitong sinapo ang pisngi niya at sinakop ang mga labi niya. She gasped in shock. The softness of his lips stunned her.
Hindi inaasahan ni Anne ang sensasyong naramdaman niya. Dahil siguro sa espiritu ng alak sa katawan niya kaya nawala na ang inhibisyon niya at tumugon siya sa mga halik ng estranghero. And she was turned on when she heard him moan. Sa likod ng isip niya, natutuwa ang dalaga na nagustuhan nito ang ginawa niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal naglapat ang mga labi nila ng lalaking ngayon lang niya nakilala pero hinayaan niya na yakapin siya. Bibitaw na sana siya sa paghahalikan nila dahil naramdaman niya na lalo pang nagliyab ang init ng kaniyang katawan. Pero hindi siya nito pinayagan.
Mas humigpit pa ang mga braso ng lalaki na nakapulupot sa beywang niya at mas naging mapusok pa ang halik na iginawad sa kaniya. Feeling ni Anne ay lalo siyang nalasing sa mabango nitong hininga at hindi na niya napigilan ang mga kamay na awtomatikong kumapit sa batok nito. Siya pa ang kusang nagdikit ng kaniyang katawan sa katawan nito.
Mas lalo pang pinalalim ng lalaki ang halik na pinagsaluhan nila. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang higpit ng yakap nito. And the way his hard chest was pressed intimately against hers, making her body burned. Naramdaman na rin niya ang paglilikot ng kamay nito sa katawan niya.
Napigil ni Anne ang kaniyang hininga nang hawakan ng lalaki ang dibdib niya at pinisil ang dalawang umbok. Pero dahil wala siya sa katinuan at dala na rin ng kakaibang epekto nito sa kaniya, napaungol pa siya sa halip na pigilan at pagalitan ito. Gumanti pa nga siya ng paghaplos din sa katawan nito. Ni hindi siya tumigil nang dumausdos ang kamay niya pababa sa tiyan nito.
“You’re making me horny,” bulong nito na may ngiti sa mga labi.
“Same,” walang ligoy na sagot ni Anne. Wala na siyang ideya kung saan nilipad ang natitira niyang kumpiyansa at tuluyan na siyang nagpatalo sa init ng katawan.
Lalong lumapad ang pagkakangisi ng estranghero sa naging sagot niya. “Malapit lang dito ang VIP room ko. Wanna come?”
“S-sure,” kinakabahan na sagot ng dalaga.
Pagkasabi niyon ay hinawakan na ng lalaki ang kamay niya at iginiya siya papunta sa kuwarto na sinasabi nito. Nagulat pa siya dahil katabi lang iyon ng kuwarto ng magkapareha na nakita niya kanina na nasa gitna rin ng mainit na pagsasalo.
Pagkapasok nila sa loob ay agad na ini-lock ng lalaki ang pinto at sinunggaban ang mga labi niya pagharap pa lang nito sa kaniya. Isinandal siya nito sa pader na agad na nagpainit na naman sa katawan ni Anne.
Hanggang sa namalayan na lang niya na nasa ibabaw na sila ng kama at isa-isa nang hinuhubad ng estranghero ang mga damit nila…