“HINAHAMON mo ba talaga ako?” sita sa kaniya ni Crisostomo nang makabawi ito sa pagkabigla. At iyon ang hindi inaasahan ni Anne. Ang makabawi ito. Darn! Naghubad kaya siya sa harap nito. “Then so be it.” Ini-lock nito ang pinto at saka walang paligoy-ligoy na hinubad nito ang T-shirt at inihagis sa paanan niya. Hanggang sa mahulog na rin sa sahig ang pants nito. Si Anne naman ngayon ang napamulagat. She was shocked to see him almost naked again. And she cannot even take her eyes off him. And of course, she hated that! Palagi talaga nitong nakokontra ang mga alas niya. “So, what now?” Pagkakataon naman ngayon ng binata ang mapangisi sa tuwa nang makita ang pag-awang ng bibig ni Anne. Tila aliw na aliw itong nakita na naman siya na natulala rito. “Sino ngayon sa atin ang aalis ng kuwartong