#ILoveYouBro CHAPTER 15 “Ang tagal mo namang dumating. Kanina pa ako naghihintay dito oh.” Nagulat na lamang si Jack nang pagkapasok niya sa kanyang kwarto ay nakita niya si Jones, prenteng-prente pa na nakahiga sa kama niya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jack. “Wala lang. Bakit? Bawal na ba ako dito?” sabi at tanong ni Jones. Hindi na lamang nagsalita si Jack. Nilapag na muna niya sa mesa ang binili kanina sa bookstore. Napatingin rin siya sa orasan, magaalas-syete na. Ang tagal rin pala niyang nasa mall. Napasarap kasi ang usapan nila ni Russel kasama pa si Yohan na sobra ding daldal. “Bakit ang tagal mong umuwi e sa bookstore ka lang naman pumunta?” tanong ni Jones, bumangon ito mula sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama.