CHAPTER 14

4607 Words

#ILoveYouBro CHAPTER 14     Nasa park ngayon sila Jack at Jones. Nabalitaan kasi nilang may libreng mini concert ang paborito nilang banda dito kaya pagkatapos ng kanilang klase ay kaagad silang nagpunta. Hindi nila kasama ngayon si Russel dahil ayon kay Jack, inaya rin ito dito ngunit nagpaalam ito na may mahalaga pang gagawin kaya hindi nakasama.     Marami ng tao sa bandang gitna ng park kung saan doon idadaos ang mini concert.       “Ang hilig din talaga ng mga tao sa libre no. Tignan mo, ang dami na kaagad tao,” sabi ni Jones kay Jack.       “Parang tayo hindi,” sabi ni Jack saka natawa.       “Masarap naman kasi talaga ang libre,” sabi ni Jones.       Sa harapan ng maraming tao, nandoon ang stage kung saan doon magpeperform ang paborito nilang banda maya-maya.    

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD