#ILoveYouBro CHAPTER 16 Nasa rooftop ngayon ng eskwelahan sila Jack at Jones at magkatapat na nakatayo malapit sa railings. Nadadama ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa kanilang mga balat. “Bakit mo ako gustong makausap? Saka bakit dito pa talaga sa rooftop? Sobrang importante ba ng mga sasabihin mo sa akin at ayaw mong may makarinig na ibang tao?” sunod-sunod na tanong ni Jones kay Jack. Hindi sumagot si Jack. Napabuntong-hininga ito. “Mukhang ang seryoso mo naman masyado. Ano ba kasing sasabihin mo sa akin?” tanong pa ni Jones. Muling napabuntong-hininga si Jack. Sa totoo lang, todo ang kabang nararamdaman niya ngayon. “Bago ko sabihin ang lahat… gusto ko lang sana na makinig kang mabuti at intindihin ang bawat sasabihin ko. Maiin