------------------------------------- Dumating ang gabi ng JS Prom. Ginanap ito sa isang magandang hotel. Magarbo ang set up ng nasabing okasyon at masasabing pinagkagastusan. White, black at gold ang namamayaning kulay. Nasa loob na rin ng venue ang halos lahat ng estudyante. Patalbugan sa suot na gown at make up ang mga babaeng estudyante habang lumabas naman ang angking kagwapuhan ng mga kalalakihan sa suot na coat, suit and tie at porma ng buhok. Ang mga kulay ng kasuotan ng mga estudyante ay binagay nila sa kulay na motif ng okasyon. Sa gilid naman ng venue, may mahabang mesa na kung saan, nandun at nakapatong ang mga sari-saring pagkain. May mga tagapagsilbi ring nagkalat sa lugar at nag-aasist sa mga kailangan ng mga estudyante, staff ng school at iba pang mga bisi