#ILoveYouBro CHAPTER 17 If there were no words No way to speak I would still heart you If there were no tears No way to feel inside I’d still feel for you “Halika at sumayaw tayo,” pag-aaya ni Jones kay Jack. Nagsasayawan na ang iba sa gitna kasama ang mga partners nila, kabilang na doon sila Russel at Yohan na sa totoo lang, agaw-atensyon dahil ‘yung iba, nakatingin sa kanila. Napailing-iling si Jack. “Huwag na, ayokong sumayaw,” sabi nito na nagpasimangot kay Jones. “Ano ba naman ‘yan! First time na nga nating umattend sa ganito, KJ ka pa,” sabi ni Jones. “Makipagsayaw ka na lang sa iba. Wala lang talaga ako sa mood sumayaw,” sabi ni Jack. “Ok! Bahala ka na nga diyan,” napapailing na lamang si Jones. Lumayo na siya kay Jack at naghanap ng