LYKA PIGIL ko ang ngiti sa aking mga labi nang tumigil ang motorsiklo na sinasakyan namin ni Uncle Verex sa garahe ng bahay. Ilang oras din ang naging biyahe namin. Pero okay lang dahil hindi naman gaanong ma-traffic kasi Sunday. Wala rin masiyadong mga motorista sa daan. Ang smooth lang din ng pagpapatakbo niya kaya hindi na ako nakaramdam ng takot. Hindi ko rin halos namalayan na nakarating na pala kami rito sa bahay dahil sobrang nag-enjoy talaga ako sa biyahe namin ni Uncle. Bukod sa yakap ko siya nang ilang oras, ang saya din namin dahil panay ang kulitan naming dalawa. Humihinto pa nga kami kapag may nadadaanan kami na magagandang view para mag-selfie. Kung puwede lang sana na bumiyahe kami nang walang katapusan. Para magkasama at magkadikit lang kami nang ganoon palagi. “Ano? Na