CHAPTER 6—SWEET UNCLE PART 2

1270 Words
LYKA KATATAPOS ko lang magsabon ng aking katawan nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto sa kuwarto ko kaya pinatay ko muna ang shower. Nakabukas lang kasi ang pinto ng banyo dahil nasa loob naman ako ng shower room. Ah, baka si Neneng. Baka ipinahatid na ni Uncle Verex ang uniform ko. Naalala ko ang sinabi niya kanina na ipapahatid daw niya iyon sa katulong. Kaya nga hindi na ko i-in-lock ang pinto. Binuksan ko ang shower room at sumigaw. "Neng, pakilagay na lang diyan sa ibabaw ng kama, ha? Salamat!" Dahil nagmamadali ako kaya hindi ko na hinintay na sumagot ang aking kaibigan. Itinuloy ko na lang ang pagligo. Binuksan ko uli ang shower at agad na nagbanlaw. Nagtapis lang ako ng tuwalya sa aking katawan. Paglabas ko ng banyo ay agad kong napansin ang bahagyang nakabukas na pinto sa kuwarto ko. Pero wala naman akong nakikitang tao. Wala rin sa ibabaw ng kama ang uniform ko gaya ng iniutos ko kay Neneng kanina. Bigla tuloy akong kinabahan. Pero sino naman ang papasok sa kuwarto ko? Hindi kaya si Stella at pinagtrip-an na naman ako? Maldita kasi talaga ang stepsister kong iyon. Kapag alam niyang ma-le-late na ako, nananadya pa. Ginagawan pa niya ako nang masama para lalo akong tumagal. Paminsan-minsan, pumapasok siya sa kuwarto ko para dumihan ang uniform ko. O kaya ay itago ang mga gamit ko sa eskuwela. Kahit i-lock ko pa ang pinto. Kinukuha niya talaga ang duplicate key para lang gawan ako nang masama. "I'm sorry. Akala ko tatagal ka pa sa shower kaya inihatid ko na sa walk-in closet mo ang uniform mo." Muntik na akong mapatalon sa pagkagulat nang bigla na lang may magsalita sa likuran ko. Literal na nasapo ko talaga ang aking dibdib dahil sa malakas na t***k ng puso ko. Pumihit ako paharap sa nagsalita. Para akong kinapos ng hininga nang makita ko si Uncle Verex na nakatayo sa bukana ng walk-in closet ko. Nakapamulsa ang isang kamay niya habang nakatingin sa akin. Saka ko lang napansin na bagong ligo na rin pala siya at nakasuot na siya ng fitted gray T-shirt at trouser. Hays. Napakaguwapong nilalang. Muntik na naman tuloy akong mahimatay nang makita siya. "T-thank you po, Uncle. Pero bakit ikaw pa ang naghatid at hindi si Neneng?" nauutal na tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa loob ng kuwarto ko. Handsomely standing in front of me. "Namalengke daw kasi si Neneng. Isinama ni Manang Rose. Naglalaba naman si Len-Len kaya hindi ko na inistorbo," paliwanag niya. Napalunok ako nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang naalala na nakatapis lang pala ako ng tuwalya. Napaka-intense ng presensiya niya. Ilang metro naman sana ang layo niya sa akin pero apektado pa rin ako. I felt intimidated by his presence. "Gano'n po ba? Salamat pa rin po sa pagplantsa sa uniform ko," magalang kong sagot bago nagpaalam. "Magbibihis lang po ako, Uncle." "Hmmm..." He hummed and looked at me. "Okay, sige. Take your time," aniya at naglakad na palabas ng kuwarto ko. Nang lingunin ko siya ay huling-huli ko ang paglingon din niya at pagngiti sa akin bago siya tuluyang lumabas. Hindi ko nga lang alam kung para saan iyon. Alangan namang habulin ko pa at tanungin, 'di ba? Nagmadali ako sa pagbihis at pag-aayos ng aking sarili nang makita ang oras. Pero kahit ganito na parang ma-le-late na talaga ako, kakaiba ang sayang nararamdaman ko. Siguro dahil kakaiba rin ang init na naramdaman ko habang suot ko ang uniform ko na mainit-init pa. Feeling ko, ang mainit na katawan ni Uncle Verex ang nakayakap sa katawan ko sa mga oras na ito. At hindi Downy ang naaamoy ko kundi parang pabango niya na dumikit yata sa uniform ko. Tumigil ka nga, Lyka! Kailan pa naging malandi? At sa uncle mo pa talaga, ha? saway ng aking isipan. Nang makalabas ako ng kuwarto ay suot ko na ang aking backpack. Marami akong kailangang dalhin na libro ngayon kaya ito ang ginamit ko. Bumaba ako ng hagdan. Pasalamat talaga ako nang hindi ko makita si Madam Lucila hanggang sa makalabas ako ng bahay. Hindi na ako nagulat nang makitang wala na ang kotse na ginagamit ni Mang Monching sa paghahatid sa amin sa school. Siguradong iniwanan na naman ako ni Stella. May dalawang kotse pa naman na naiwan. Ang bago ay pag-aari ni Uncle Verex. Pero hindi naman ako marunong mag-drive. Kahit expected ko na naman iyon ay parang maiiyak pa rin ako nang makita ang oras sa suot kong wristwatch. Kahit siguro tumakbo ako palabas, mahuhuli pa rin ako sa klase kapag inabutan ako ng traffic sa kalsada. "Ihahatid na kita." Napatalon na talaga ako sa pagkagulat nang marinig ko na naman ang boses ni Uncle Verex. Mabilis akong napatingin sa pinanggalingan niyon at nakita ko siyang nakasandal sa pader. Dalawang kamay na niya ang nakapamulsa. Bakit parang may hinihintay talaga siya sa garahe? Nakaramdam ako ng pagkailang nang tingnan na naman niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako sure kung tama ba ang nakikita kong paghanga sa kaniyang mga mata nang makita niya na suot ko ang aking uniform. Ngunit agad kong itinigil ang aking kahibangan. Bakit naman ako hahangaan ni Uncle Verex? Eh, bata nga ang tingin niya sa akin. "Get in. Baka ma-traffic tayo." Namalayan ko na lang na nakatayo na pala siya sa gilid ng kaniyang sasakyan. Nakabukas na rin ang pinto sa passenger's seat. "H-ho?" Bahagya siyang natawa. "Ang sabi ko, ihahatid na kita sa school mo para hindi ka ma-late." Tiningnan ko siya. "Naku, huwag na po, uncle. Sobrang nakakahiya na po. Naabala ko na nga kayo sa pagplantsa nitong uniform ko, eh." "Sorry, sweetie. But I don't take 'no' for an answer." Nagsitaasan yata ang mga balahibo ko sa katawan sa pagtawag na naman niya sa akin ng 'sweetie'. Pero naisip ko na minsan ay ginagamit nga pala iyon ng iba na pantawag sa mga bata. Kaya siguro ang hilig ni Uncle Verex na tawagin ako niyon dahil bata na may gatas pa sa labi ang tingin niya sa akin. "Just kidding," nakangiting sabi niya sa akin nang makita niyang natulala ako sa kaniya. Inakala niya siguro na natakot ako sa sinabi niya na hindi siya tumatanggap ng 'no' na sagot. "Pero seryoso ako na ihatid kita, Lyka. Nakaalis na sina Mang Monching at Stella. Wala naman sina Ate Matilda at Kuya Arman kaya responsibilidad kita ngayon." Ang sarap sanang pakinggan ng sinasabi ni Uncle Verex kung hindi ko lang alam na pamangkin na kailangan alagaan ang tingin lang niya sa akin. "Pero nakakahiya po talaga." Napakamot ako sa chin ko at kagat-labi na tumingin sa kaniya. "May tricycle naman po sa labas. Puwede ako magpahatid hanggang sa LRT station para mas mapabilis ang biyahe ko." "Mas mabilis pa rin kung ihahatid kita ng sasakyan. Makakapag-short cut tayo ng daan. And besides, baka mapahamak ka pa kapag nag-tricycle ka. Ayokong isipin nina Ate Matilda at Kuya Arman na pinabayaan kita." "Okay po." Wala naman akong mapapala kung tatanggihan ko siya. Bukod sa wala na akong choice dahil anong oras na, for sure na hindi rin naman siya papayag. "Kung gano'n, pumasok ka na." Nakangiti na niluwangan niya ang pagkakabukas sa pinto at saka ako pinapasok. Siya na rin ang nagsara nito bago siya pumasok din at umupo sa driver's seat. Guwapo at mabait na, masipag at gentleman pa. Wala na talaga akong hahanapin pa kay Uncle Verex. Nadagdagan na naman tuloy ang paghanga ko sa kaniya. Kahapon pa lang kami nagkita at nagkasama. Pero feeling ko, matagal ko na siyang crush.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD