CHAPTER 7—HATID

2329 Words
LYKA “I told you, mas mapapadali ang biyahe mo kapag inihatid kita,” sabi ni Uncle Verex sa akin nang makababa na rin ako ng sasakyan pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto. Nakaparada ang mamahaling kotse niya sa tapat ng gate ng St. Andrius University, kung saan kami nag-aaral pareho ni Stella. Isa ito sa eksklusibo at maituturing na pinakamahal na unibersidad sa buong ka-Maynila-an. Halos lahat ng nag-aaral dito ay mga mayayaman. Kung may mahihirap man, iyon ay dahil sa scholarship, paaral ng mga amo o boss. O kaya ay katulad ko na sinuwerteng mapabilang sa mayayaman na tinatawag na ‘extended family.’ I looked at my watch. May fifteen minutes pa before mag-start ang klase ko. Pero kung nag-commute lang ako, siguradong hanggang ngayon ay nakikipagsiksikan pa rin ako sa LRT. Nakikipag-unahan sa jeep. Nagtitiyaga sa traffic. Nakalimutan ko na Friday nga pala ngayon. Lalo na mamayang uwian dahil payday pa. “Oo nga po, uncle, eh. Kaya maraming salamat po sa paghatid sa akin. At sa pagpaplantsa nitong uniform ko.” Nahihiya na tumingin ako sa kaniya. “Kaya lang, naistorbo ko pa po kayo. Imbes na magpahinga na lang sana kayo dahil sa mahabang biyahe n’yo kahapon.” He just smiled at me. “Ano ka ba? Maliit na bagay lang naman ito. At saka, namimi-miss ko rin ang mag-drive dito sa Maynila,” natatawang sagot niya. Tumatango-tango lamang ako. “Okay po. Basta maraming salamat po uli.” I smiled back at him. “Paano? Papasok na po ako, Uncle. Nasa second floor pa kasi ang classroom ko, eh.” “Okay. May baon ka ba na bang pera diyan?” tanong niya na ikinagulat ko. Neneng-nene na pamangkin talaga ang tingin niya sa akin. Iyong tipong kailangan pang bigyan ng baon dahil wala pang sariling pera. At ewan ko ba kung bakit nagprotesta ang puso ko sa pagtrato niya sa akin nang ganoon. “Meron naman po,” sagot ko kahit ang totoo ay tira pa ito sa baon ko kahapon. Hindi kasi ako pumayag nang sabihin noon sa akin ni Daddy Arman na bibigyan niya ko ng ATM para doon na ilalagay ang allowance ko. Kahit pa nga kinumbinse na rin ako ni Nanay. Ayaw ko kasi na lalo kaming pag-iisipan na mga gold digger nina Madam Lucila at Stella. Kaya ang ending, araw-araw na lang ako naghihintay na bigyan ng baon nina Nanay at ng stepfather ko. Hindi naman ako magastos o maluho kaya palaging may natitira sa akin. Iniipon ko iyon para kapag may gusto akong bilhin, o kaya kapag may mga projects o miscellaneous sa school ay hindi na ako hihingi pa sa kanila. “Are you sure?” naninigurong tanong sa akin ni Uncle Verex. Sasagutin ko na sana siya nang biglang tumawag si Neneng. “Hello, Neng. Bakit ka napatawag?” tanong ko sa aking kaibigan nang sagutin ko ang tawag niya. “Nakalimutan ko palang ibigay sa’yo ang baon mong pera na pinapaabot ng Nanay Matilda mo kanina.” Naka-loud speaker pala ang cellphone ko kaya dinig na dinig ni Uncle Verex ang sinabi ng aking kaibigan. “Sorry talaga, Lyka. Maaga rin kasi kaming umalis ni Manang Rose kanina, eh. Nakalimutan ko namang iwanan kay Ate Len-Len,” paliwanag pa niya. “Ah, gan’on ba? Sige, okay lang. Pakitabi na lang, ha? Kukunin ko na lang mamaya. Salamat, Neng. Bye,” paalam ko kay Neneng at ganoon din siya kaya pinatay ko na ang tawag niya. Nang tingnan ko si Uncle Verex ay nakataas ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin. Napansin ko na may hawak na siyang itim na leather wallet. “Sabi ko naman sa’yo, wala ka pang baon, eh.” Napakamot ako sa ulo. “Paano n’yo po nalaman, uncle? Manghuhula po ba kayo?” biro ko sa kaniya. “I just know.” He winked at me na nagpakilig na naman sa murang puso ko. Bumunot siya ng one-thousand-peso bill at inabot niya sa akin. “Ito, baon mo.” “Naku, huwag na ho, uncle.” Natural na nagulat ako at tumanggi. And why not? Doble kaya iyon ng baon na ibinibigay sa akin nina nanay at Daddy Arman. Sa five hundred pesos pa nga lang ay nalalakihan na ako, eh. Hindi naman umaabot ng isang daan ang pamasahe ko araw-araw. “Maraming salamat po pero may pera pa naman ako dito. Nakatipid pa nga ako dahil nakalibre ako ng pamasahe kasi inihatid n’yo ako.” Todo-tanggi talaga ko kahit anong pilit niya sa akin. “Then treat your friends,” giit na naman ni Uncle Verex. “Iyong mga kasama mo kahapon?” Bakit naman gusto niyang ilibre ang mga kaibigan ko? “Sige na, Lyka. Tanggapin mo na ito. Remember, I don’t take ‘no’ for an answer,” nakangiti na banat na naman niya sa akin. Kinuha pa niya ang kamay ko at ipinilit ang perang ibinibigay niya. Para na naman akong napaso nang magdikit ang aming balat kaya agad kong hinila ang aking kamay na hawak niya. Nakuha ko na tuloy ang one-thousand-peso bill at ayaw na iyong tanggapin ni Uncle Verex kahit anong abot ko sa kaniya. “Si Uncle talaga…” I frowned. Hindi talaga ako pinalaki na materialistic ni Nanay Matilda kaya hindi ako sanay na binibigyan ng pera ng ibang tao. Tapos ganito pa kalaki at wala naman akong mahalagang pagagamitan. Pero kung makikipagtalo pa ako sa kaniya, baka ito pa ang magpa-late sa akin sa klase. Gagamitin ko na nga lang siguro na pang-treat sa mga kaibigan ko mamaya. Siguradong matutuwa pa ang mga iyon. Lalo na kapag nalaman nila kung kanino galing. “Hindi pa nga po ako nagtha-thank you uli sa mga pasalubong na ibinigay n’yo sa akin kagabi, eh.” “Kasya naman ba sa’yo ang shoes?” “Tamang-tama lang po sa akin. Thank you uli.” Nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa kaniya. “Paano n’yo nga pala nalaman ang size ng paa ko, uncle?” “I asked your Nanay Matilda.” Napangiti na naman ako, pati yata ang puso ko. Nag-effort pa talaga siya kahit hindi pa kayo nagkikita, girl! Ikaw na ang mahaba ang hair. Napansin ko na napatingin siya sa ulo ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita kong pagkadismaya na dumaan sa mga mata niya. “Hindi mo ba nagustuhan ang headband na dala ko? Ako rin ang bumili no’n for you. Nabanggit din kasi sa’kin ni Ate na mahilig ka nga raw magsuot niyon.” “Si Nanay talaga… Dati pa po ‘yon noong fifteen years old pa lang ako. Bata pa ako no’n.” Tumawa lang ako. “And twenty years old na po ako ngayon, uncle. Dalaga na,” pagdidiin ko para tigilan na niya ang pagtawag o pagtrato sa akin na bata. Lalong nalungkot ang mukha niya sa aking tinuran. “Kung gano’n, hindi mo na pala susuotin ang mga iyon dahil dalaga ka na?” Yes. Iyon sana ang isasagot ko. Na simula nang mag-debut ako ay tumigil na ako sa pagsusuot ng headband. Feeling ko kasi hindi na bagay sa akin. Kaya nga nagtaka ako kung bakit natuwa pa ako nang makita na isa iyon sa mga pasalubong ni Uncle Verex sa akin kagabi. Naalarma ako sa naging reaksiyon niya. I cannot explain. Pero parang ayokong makita na nalulungkot ang kaniyang mga mata. Sanay ako na palagi siyang nakangiti. “Hindi naman po sa gano’n. In fact, isusuot ko na sana iyon kanina. Nakalimutan ko lang dahil sa pagmamadali.“ Patawad po, Lord, kung nagsisinungaling ako ngayon. Ganito ba talaga kapag may crush na? Natututo nang magsinungaling, huwag lang malungkot ang taong gusto mo? Nagliwanag uli ang mukha ni Uncle Verex. “Great! Thanks, sweetie, at nagustuhan mo ang pasalubong ko. Suotin mo iyon bukas, ha? For sure, lalo kang magmumukhang cute.” Lihim na naman sana akong kinilig kung hindi lang sa pagtawag na naman niya sa akin na ‘sweetie’. At ‘cute’ ang ginamit niyang pangpuri sa akin. Hindi ‘maganda’. Ibig sabihin, bata pa nga talaga ang tingin sa akin ng tiyuhin ko. Pero hindi ko ipinahalata ang pagkadismaya ko. Baka magmukha akong ungrateful. Nakakahiya! Ako na nga itong pinasalubungan, pinagplantsa, inihatid at binigyan pa ng baon tapos sisimangutin ko lang si Uncle Verex. “Promise po. Susuotin ko na iyon bukas.” I smiled at him na. At nang gumanti siya ng ngiti sa’kin, hays, parang yelo na natanaw na ang pagkadismaya ko kanina. “Good.” Tinawid niya ang distansiya naming dalawa. At sa pagkagulat ko, bigla na lang niyang hinawakan at hinaplos ang aking nakalugay na buhok. “Ang lambot at ang shiny pa naman ng hair mo. Tapos mahaba at itim na itim pa.” Pagkatapos ay saka niya inipit sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok ko na nakahiwalay. Napasinghap na naman ang lola n’yo, mga bes. Ang ganitong moment with crush talaga ang sarap gumulong sa kilig, ‘no? “S-salamat po, uncle,” magalang pero nauutal kong sagot. Bahagya akong yumuko upang itago ang pagba-blush ko. “Sige na. Pumasok ka na at mauubos na ang fifteen minutes mo,” mayamaya ay nakangiti na pagtataboy sa akin ni Uncle Verex. Tumango lang ako. “Okay po. Maraming salamat uli. At mag-ingat po kayo sa biyahe.” Nginitian ko lang siya. But he waved goodbye to me. “See you later.” He smiled at me bago ko siya tinalikuran. Sa totoo lang ay parang ayaw ko talaga na maghiwalay kami agad ni Uncle Verex. Ang sarap niya kasing kasama. When I’m with him, feeling ko may kasama akong anghel na bumaba sa langit para maging kaibigan ko. Siguro dahil napakaguwapo niya at ubod ng bait pa. Kaya lang, nag-iiba ang t***k ng puso ko kapag kasama ko siya. Napakabilis talaga na parang sasabog ang dibdib ko. Nakakatakot na baka bigla na naman akong himatayin sa harapan niya. Dire-diretso na akong naglakad papasok sa gate. Akala ko umalis na rin si Uncle Verex. Kaya nga nagulat ako nang marinig ko ang boses niya na tinawag ang aking pangalan. “Lyka, wait!” Sa lakas ng boses niya, mas nauna pang lumingon sa kaniya kaysa sa akin ang ibang mga babaeng estudyante na kasabayan ko. Talagang napahinto pa sila at tumitig kay Uncle Verex. “Gosh, he’s so handsome. Parang gusto nang i-add to cart, girls,” narinig ko na malanding sabi ng isa sa tatlong babaeng Nursing student din at halata ang paghanga agad sa aking tiyuhin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa kanila. Hindi ko nagustuhan ang tingin nila kay Uncle Verex na para bang kakainin ng buhay. Dali-dali na sinalubong ko siya at humawak ako sa siko niya. “Bakit po, uncle?” pa-cute na tanong ko sa kaniya. Hindi ko pinansin ang pagkagulat sa kaniyang mukha dahil sa inakto ko. Mas napansin ko pa ang pag-irap sa akin ng tatlong babae. Lalo na nang humarap sa akin si Uncle Verex at sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Nagkatitigan kaming dalawa at heto na naman ang puso kong lalo pang nagwala. “Uncle daw niya, girls. Pero bakit parang hindi naman?” Hindi ko napigilan ang matawa nang marinig ko ang sinabi ng babae. Para siyang mababaliw sa inggit habang nakatingin sa amin. Mabuti na lang at hindi na pinansin ni Uncle Verex ang pagtawa kong iyon. “Bakit n’yo nga po pala ako tinawag?” tanong ko sa kaniya kapagkuwan. “Napansin ko na hindi pala maayos ang pagkakatali ng shoelace mo. Baka madapa ka kapag naapakan mo.” At saka siya walang ano-ano na lumuhod sa aking harapan. Bago ko pa man siya masaway ay naitali na niya ang shoelace sa kanang sapatos ko. “There…” Iyon na lang ang narinig ko sa huling sinabi ni Uncle Verex. Ang lakas kasi ng tilian ng tatlong babaeng inggit na inggit sa akin kanina. Nakita ko rin na nandoon na rin pala ang mga kaibigan ko na kilig na kilig sa nakita. Idagdag pa ang malakas na pagtambol ng aking puso. “T-thank you po, uncle,” nasabi ko na lang sa kaniya at hindi ko alam kung paano itatago sa kaniya ang pamumula ng aking mukha. Samantalang ngingiti-ngiti lang na tinapik niya nang marahan ang aking pisngi. “Pumasok ka na. Bye, sweetie. See you later,” sabi na naman niya sa akin. Lumakas tuloy ang tuksuhan at tilihan ng mga nakarinig sa kaniya. Tumango lang ako at dali-daling tinalikuran si Uncle Verex. Hiyang-hiya talaga ako. Ano na lang ang iisipin niya dahil tinukso kaming dalawa? Bago ako makalapit sa mga kaibigan ko ay nilingon ko muna siya. Hindi pa pala siya umaalis sa kinatatayuan niya na para bang hinihintay pa ako na makapasok sa gate. Ngumiti pa nga siya sa akin at nag-wave. Hindi na ako nakaganti sa kaniya dahil bigla na lang akong kinurot sa tagiliran ng friends ko na ikinatili ko. “Aray! Ano ba?” inis kong sabi sa kanila dahil ang sakit ng kurot sa akin ng mga bruhang ito. Kinurot ko rin sila para makaganti ako. “Anong aray ka diyan?” Hindi pa nakuntento si Shantal at hinila niya ang buhok ko. “Bakit hindi mo sinabi na close na pala kayo ng lalaking j-in-owa mo sa park kahapon, ha?” “Oo nga! Ang daya mo, ha? Ako ang nauna sa kaniya, ah.” Hinampas naman ako sa braso ni Celstine. Pero alam ko naman na biro lang iyon ng mga kaibigan ko. Ganito talaga kami maglambingan kung minsan. Nagsasakitan. “Pero wait… Paano ba kayo naging close ng lalaking iyon? At bakit ‘uncle’ ang tawag mo sa kaniya?” puno ng kuryosidad na tanong sa akin ni Sue. Kapagkuwan ay tumigil sa pabiro na paghataw sa akin sina Shantal at Celestine. Hinarap din nila ako. “Oo nga naman, Lyka. Paano nga ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD