LYKA HINDI ko alam kung saan ako pupunta nang makalabas ako sa hotel na pinagtuluyan kanina ng aking asawa at dating kasintahan niya. Para akong baliw na naglalakad sa kawalan at hindi alam ang gagawin. Ayaw pang tumigil sa pagluha ng aking mga mata kaya lalo akong nagmukhang kawawa. Panay ang tingin ko sa aking paligid sa pagbabakasakaling makita ko sina Verex. I tried to call him many times pero hindi niya sinasagot at tuluyan na nga niya akong pinatayan ng cellphone. Ibig sabihin ay wala talaga siyang balak magpakita at sumama sa akin pauwi ng Maynila. Maya’t maya na rin ang tawag sa akin nina Nanay at Daddy Arman. Tinatanong nila kung nasaan daw ako. Kung bakit umalis ako nang walang paalam. Kung bakit hindi pa raw ako umuuwi at maghahapon na. Hindi ko na naman sinabi sa kanila ang