LYKA PAGOD ako at sobrang nanlulumo nang makarating kami ni Fritz sa Burnham Park. Dito kami nakarating pagkatapos naming takasan si Verex. Kabisado ng aking kaibigan ang pasikot-sikot dito kaya hindi na kami nagawang habulin ng aasawa ko. At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat. Dahil ngayon ko na-realize na sa ginawa kong ito ay lalo ko lamang siyang ipinagtulakan sa Margaux na iyon. Ngayon ko lang din nakumbinse ang aking sarili na sana hindi ako pumayag na maghalikan sila sa aking harapan kanina. Gumawa sana ako ng paraan na hindi na iyon maulit pa. “Ayos ka lang ba, Lyk?” tanong sa akin ni Fritz habang magkatabi kaming nakaupo sa pandalawahang bench sa tabi ng lake. Napakalamig ng panahon pero marami pa ring tao sa paligid. Siguro dahil sa magagan