LYKA Present time… “SINO nga uli ang sinasabi mo kanina na naghahanap sa’kin, Lyn?” anang pamilyar na boses na bigla na lang sumulpot sa likuran ko, dahilan para matigil ako sa pagsasalita. I felt my world stopped spinning when I heard that voice. Kahit ang puso ko ay parang tumigil din sandali sa pagtibok. Pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa aking pakay. Naipikit ko muna nang mariin ang aking mga mata. Inihanda ko ang pilit na ngiti sa aking mga labi bago dahahn-dahan na humarap sa kaniya. Ngunit nang magtama ang mga mata namin ng lalaking kaharap ko ngayon, feeling ko ay biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Verex… I bit my lower lip while staring at him. Biglang naglaho ang aking ngiti. Naramdaman ko na lang na parang pinipiga ang aking puso. I remember l